Chapter 38: Alphabeth Song

83 2 0
                                    

Papasok ako ngayon sa trabaho, isang concert nalang naman ang kailangan ko at aalis na ako dito. Ako nga dapat ang tutulong kay mama pero may sakit naman pala ako at masakit sa pakiramdam na makakalimutan ko lang din balang araw ang lahat. Sinundo ako ni kenneth sa bahay, sabay daw kaming pumasok. Madaling araw palang kaya dama ang simoy ng hangin.

"Ma, alis na kami" pagpapaalam ko habang kumakaway, inihatid kami ni mama sa pinto at nagsimula na kaming maglakad ni kenneth at kinuha niya yung jacket na galing sa bag niya.

"Jacket na red para mahal kong malupet" ano yung narinig ko?! Napatingin ako sakanya at parang nahiya siya sa sinabi niya, hinawakan niya ang kamay ko at hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. Komportable sa pakiramdam. Nakangiti lang kami pareho habang naglalakad papunta sa sakayan ng tricycle.

"Alam mo pa ba?" salita niya ulit

"Alin?" tanong ko, ay hindi ko pa pala nakikwento sakanya na nagpunta kahapon si cathy magsasalita na sana siya pero bigla ko yun pinutol at nagsalita "Ay alam mo ba nagpunta kahapon si cathy sa bahay tapos" hanggang dun lang ang sinabi ko.

"hanggang dun lang, abangan bukas"

"Bebe! Wag ka ngang pa teleserye diyan" ginulo niya ang buhok ko.

"Tapos umamin siya na may affair kayo!" sabi ko at nagpanggap na nagtatampururot, napatingin siya ng weird na tingin sakin. At pinisil ang dalawang pisngi ko, napatigil kami sa paglalakad.

"Anong pinagsasabi mo be? Anong affair? Pinaliwanag ko na diba" ayan parang napikon na siya!

"Hmm joke lang! Pinaliwanag niya lang sakin lahat ng nangyare" nawala na yung kunot sa mukha ni kenneth

"Sorry ulit ha kase hindi ko sinabi sayo na kinakausap ko siya sorry bebe i love you i love you" sabi niya habang pinipisil pisil yung dalawang pisngi ko

"I love you too" sabi ko at hinawakan yung dalawang kamay niya sa pisngi ko.

"Andreyaaa" sabi niya at hinalikan ako sa bibig ng mga tatlong segundo at niyakap ako ng mahigpit.

"Be, wag tayong maglandian dito hehe" sabi ko at naglakad na ulit kami, wala namang tao sa daan. Sumakay na kami sa tricycle at pumunta sa sakayan sa shuttle.

Sa biyahe, pinagpahinga niya muna ako kaya natulog lang ako. Ginising niya ako bago siya bumaba, siya kase ang mauunang bababa kesa sakin.

"Andiyan na lahat yung daan papunta ha, mag iingat ka"

"Ay ani nga ulit yung sinabi mo kanina bago tayo pumasok sa tricycle? Yung alam mo pa ba?"

"Aba natatandaan mo pa yun?" nakangiting sabi niya habang sinimangutan ko naman siya, tumingin siya sa bintana at nagsabi ng para tumingin siya muli sakin at bumulong "mamaya nalang ha" sabi niya at kiniss ako saka bumaba na. Ilang minuto pa at ako naman ang bababa. Kinakabahan ako kase parang papagalitan ako dahil hindi ako pumasok kahapon. Nagsimula na ako pumasok sa building namin at nakita ko yung guard dun

"Goodmorning mam"

"Goodmorning kuya! Natatandaan mo pa ba ako?" tinignan ako ng guard at nagtataka siya, ay madami nga palang mga trabahador dito kaya nginitian ko nalang siya pagkatapos niya icheck yung id at bag ko at agad agad ng umalis. Nakakahiya!

Pumasok na ako sa department namin at lahat sila nakatingin sakin, naktitig lang sila. Bakit? Mali ba nasuot komg uniform? Mali ba ako ng napasukan? ALAM NA BA NILA NA MAY ALZHEIMERS AKO? stay calm! Hindi ako nagsasalita at nakatingin lang din ako sakanila pero hindi din sila nagsasalita, ano naaa kinakabahan na ako. "B-b-bakit?" tanong ko at biglang sumigaw yung boss namin "Congratulations Ms.Santos!~" at lahat sila nagpalakpakan, yung reaksyon ko? Hindi ko alam pero nagulat din ako, anong meron? Itatanong ko na sana pero nagsalita na sila.

730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now