Chapter 18: March

294 17 0
                                    

March na at eto ako ngayon nag. Aantay nalang na tawagan ng mga inapplyan kong company. 3 months lang ako magtatagal dito kayla jack at eto na ang huling buwan ko na magtatrabaho dito.

"Andrea paabot naman nang lalagyanan" sabi ni miko.

"Sige wait" pumunta na ako sa.. Teka? San nga ba nakalagay yun?

"Miko? San nga ba nakalagay yun? Hehe" tinignan naman ako ni miko at umiling lumapit siya at pumunta sa likuran ko.

"Dito oh. Ilang buwan na tayo nagtatrabaho dito,hindi mo pa din matandaan"

"Ay oo nga palaaaa hahaha sorry nakalimutan ko" sabi ko. Para kaseng hindi naman dun nilalagay yun dati. Medyo onti lang mga bumibili at nagpapa order ng mga cupcakes ngayon. At ang init pa.

Si jack? Abala ngayon sa pakikipag negotiate dun sa isang client. Nagustuhan kase yung cupcake na inihanda namin. Tapos si felix naman umamin na kay jack tapos ayaw kase ikwento sakin nang maayos ni felix yung nangyare. Nagkakamabutihan na daw sila ni jack hahaha.

"Andrea, ikaw naman bumili ng lunch natin" savi sakin ni felix. Pumayag ako at hiningi ko kay jaylene yung pera.

"Gusto mo samahan kita?" tanong ni jaylene

"Hindi na, ako nalang" nakangiting sabi ko sakanya at nagsimula nang lumabas.

Naglakad nalang ako tutal naman malapit lang yon.

Kriiing
Kriiing

"Hello?"

"Kamusta?" narinig ko naman ang boses niyang pang call center sa lambing

"Parang hindi naman tayo nagka usap kagabi haha" pagtataka ko

"Kanina din nag usap tayo"

"Saan?"

"Baliw. Bago ka pumasok sa trabaho mo"

"Ahh?? Haha oh bakit ka napatawag? "

"Namiss kita eh"

"Utooth mo kenneth!"

"Hahaha anong ginagawa mo?"

"Naglalakad. Bibili ako ng lunch namin." parang kasama ko lang sa paglalakad ngayon si kenneth.

"Knock knock"

"o who's there? "

"Coca cola"

"Coca cola who?" siguraduhin mong havey tong joke mo kenneth

"Coca cola nalang sana ang iyong minahal di kana muling mag-iisa" kanta niya haha tatawa na sana ako kaya lang biglang sumakit yung ulo ko. Parang may kidlat na dumaan sa ulo ko. Ansakit talaga.

730 Days with Andrea SantosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon