Chapter 17: Feelings

311 14 1
                                    

Anong pakiramdam nang unang holding hands while walking? Maaaaa? Sa-ya HAHAHA. Naglakad kami pauwi na magkahawak ang kamay. Natulog siya dun sa baba namin at ako naman sa kwarto ko. Pagkagising ko, wala na siya.

Naalala ko pa din yung holding hands namin kaninang madaling araw.

"Hala! Ang landi ko na" day off ko ngayon sa trabaho kaya naman tanghali nako nakagising. Nakakapagod din kase.

Naglinis lang ako ng bahay. Si mama wala samantalang si mario eto katabi ko. Nagtatablet siya, medyo nakakapagtaka nga kase umaarte siya sa harapan ng salamin tas padahan dahan pa.

"Pipi ka ba? Ano ba yang ginagawa mo? Kukuha ka lang ng tubig kailangan dahan-dahan pa!?" nainis naman siya at nagmadaling may pinindot sa tablet

"Ano ba yan ate! Nasama yung boses mo sa ginagawa ko" inis niyang sabi

"Ano ba kase yan ha?" curious kong tanong. Patingin tingin pa kase sa gilid tapos ang gulo ng tablet, palapit layo sa mukha niya

"Musical.ly!" andaming nalalaman ng mga bata ngayon.

"Patingin nga niyan" kinuha ko yung tablet at nag play yung ginagawa niya.

Walang makakapigil sakin
akin na to akin na to
Tinitira ko pipi ka ba? Ano ba yang ginagawa mo? Kukuha lang ng tubig kailangan dahan

"HAHAHAHAHAHA" yung mukha ni mario biglang sungit sa video haha katawa eh.

"Pa akin nato akin nato ka pang nalalaman diyan, uninstall ko yan eh" nainis na talaga sakin si mario kaya umakyat siya sa taas hahaha ansarap mang pikon ng bata. Ansama ko. Parang may gagawin ako ngayon. Hmm.

Nakatunganga lang ako sa tv namin, nag -iisip nang kung ano ano. Ganito pala kapag nagtatrabaho kana, magtatrabaho ka tapos kapag day off muna. Magbabawi ka nang tulog. Yung sweldo ko? Yung unang sweldo ko, binigay ko lahat kay mama. Hmm yun na din yung way ko para magpasalamat sa mga pag aalagang ginawa niya sakin. Pero yung pangalawang sahod ko? Sa 15 na, kakain ako nang kakain pag nakuha ko ang sweldo ko. Isama ko kaya si kenneth? Naalala ko nanaman tuloy yung holding hands namin. Nung pauwi na kami nun, tinanong niya kung bakit biglang umiinit ang mga palad ko. Actually buong katawan ko umiinit, hindi ko alam kung bakit. First time ko lang kase may makaholding hands tapos sobrang tagal pa.

Bigla namang nangatog yung buong katawan ko nung narinig kong may nagdoorbell! Nakakainis, napaka nerbiyosa ko >< Lumapit na ako para tignan kung sino yung nag doorbell.

"Uy!" nakangiti akong sinalubong ni jack, "Pasok" pumasok siya at naupo kami. May dala siyang isang box, pagkatingin ko 12 pieces na cupcake na my iba't-ibang designs.

"Para sakin ba to? Anong meron, grabe jack nakakahiya naman" nahihiya kong sabi with matching lagay buhok sa tenga effect pa

"Bruha hindi para sayo yan, para kay kenneth yan" ay kaloka! Nakakagulat si jack hahaha confirm nga.

730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now