Chapter 28

130 6 0
                                    

Naglalakad kami ngayon ni kenneth at ang ingay niya, hindi ko na nga pinapansin kase nakakainis na.


"Andrea, saan nga dito yung pagtatrabuan mo?" ayan na naman!


"Akala ko ba ice cream yung pinunta natin dito, pang ilang tanong mo na yan. Nakakainis na!" naiinis na talaga ako kaya hindi ko na siya pinansin. Nahalata niya yun at tumahimik kami pareho. Naglalakad lang kami ng tahimik at hindi talaga ako nagsasalita. Lumiko ako sa kanan, pagkababa kase ng shuttle na sinasakyan namin ang sabi niya sakin na maglalakad kami ng deretsyo at pagkatawid ay kakanan at kakaliwa at isa pang kanan, oh diba kabisado ko. Kalahati ng pag-uusap namin kada araw puro ganyan sinasabi niya pati nga mga kulay at pangalan ng building dito nakabisado ko na.


Malakas ang paghampas ng mga hangin dito, napapaligiran ng mga ibat-ibang malalaking building at may malalaking puno. Hindi ko akalaing malapit na ako magsimula ng trabaho at sa sobrang saya ko ay sinearch ko na kung sino yung mga posibilidad na magconcert dito sa pilipinas at andami. Nasabi sakin nung nakapasa ako na may libreng ticket daw palagi ang mga trabahador ng kompanyang napasukan ko. Siguro plano na din to ng Panginoon na magkamali ako ng papasukang trabaho. Sa araw-araw na pag jojogging namin ni kenneth ay hindi na ako mabilis hingalin at nakakaya ko ng tumagal sa pagtakbo.


Dahan-dahang may humakawak sa kamay ko "Sorry" sabi niya. Ang galing lang isipin na napaka sweet pala maging boyfriend ni kenneth. Maswerte ako sakanya at napaka komportable niya pa kausap. Tahimik lang ako at naglalakad pa rin kami hanggang sa narealize ko na hindi ko pala siya nasagot sa sinabi niyang sorry. Tinignan ko na siya at nginitian sabay inirapan, Natawa siya at lalo pang humigpit ang pagkakahwak sa kamay ko. Nasunod ko na yung kanan-kaliwa-kanan na dereksyon niya pero hindi ko makita yung building na pagtatrabahuan ko. Tumingin ako sakanya pero wala siyang imik at hindi siya nagsasalita.



"Kenneth?"


"Oh?"


"Kakain tayo ice cream diba? Sabi mo malapit yun sa pagtatrabahuan ko?" kahit wala naman talaga siyang sinabing ganun haha.


"Oo, tara puntahan natin" sabi niya at ngumiti siya sakin. at nagsimula na kaming maglakad. Pinagmamasadan ko lang yung mga lugar na pinupuntahan namin, pumunta ulit kami sa lugar kung saan kami ibinaba nung sinasakyan namin.


"Ay dito pala yun" sabi niya at nagsimula ulit kaming maglakad. Pa kaliwa tapos kanan at kaliwa ulit at duon nakita ko yung building na pagtatrabahuan ko. Mali pala ako ng dinadaanan kanina pa. Tumingin ako sakanya at inaantay kong sabihan niya ako na mali yung dinadaanan ko kanina pa pero hindi siya nagsasalita at hawak lang ang kamay ko.


"Tara kain tayo ice cream?" tanong niya, ngumiti ako pumayag. naglakad pa kami onti at pumasok kami sa hayyy kenneth -.- PUMASOK KAMI SA 7/11! Meron namang 7/11 na napakadami malapit sa bahay lugar namin. At ang saya saya niya pa habang kumukuha ng ice cream!


Ang sama lang ng tingin ko sakanya habang nakaupo ako sa isa sa upuan dun at palapit siya sakin habang hawak niya ang dalawang ice cream na tig bebente. AT talagang ang saya saya pa ng ngiti niya. "Ang saya mo ah! Bumiyahe pa talaga tayo para lang sa ice cream ng 7/11" at tinawanan na naman niya ako. Ang saya niya!


"Mag iingat ka sa lugar na to ha."  biglang sumeryoso yung boses niya at unti-unting nawawala yung ngiti ng mga labi niya "Iingatan mo palagi sarili mo, kapag nawawala ka na o hindi mo na alam yung lugar tawagan mo agad ako"


"Opo daddy" sabi ko habang dinidilaan yung ice cream na binili niya. Pagkatapos namin kumain ay naglakad-lakad pa kami at tumitingin sa mga daan dito. Balik na ulit sa normal lahat pagkadating ng lunes. Hindi na kami mag jojogging kase start na ng trabaho ko at siya mag fofocus na ulit sa trabaho niya.

730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now