Chapter 33: Bakit?

103 3 0
                                    


Nakita ako ni cathy, at kinalabit niya si kenneth at sinabing andun ako habang tinuro ako at nakangiti pero kakaibang ngiti hindi yung pang maldita, yung ngiti na parang nalulungkot. Cathy ikaw ba yan? bakit parang hindi ako naiinis. Ano ba tong nararamdaman ko? Shiboli na ba ako?! Jake Cyrus?


"Bebe, anong ginagawa mo dito?" napatingin ako at nasa tapat ko na pala si kenneth, masaya siya na parang nagtataka. 

"Wala, gusto ko lang maglakad at maghanap ng ibang lalakeng makakasama sa paglalakad." walang gana pero may diin kong sabi


"Mali yung iniisip mo be" 


"Ay sorry hehe, sige alis na ako." sabi ko at palapit na si cathy samin. Naiinis na ako. "Kaya pala pinagpapahinga mo muna ako haha nakakatawa ka naman kenneth" sabi ko at naiinis na talaga ako, tuwang tuwa akong pumunta dito tapos si cathy nanaman makikita kong kasama niya. 

Napa tsk si kenneth at hinawakan yung kamay ko "Be usap tayo, wag ka muna uuwi. Nagkita lang kami ni cathy" si cathy tinignan ko at wala pa din akong sinasabi ni isang salita. Samantalang tong si cathy nagsabi lang na mauuna na daw siya at dere- deretsyong naglakad palayo habang iniinom yung infinitea niya!

 Bumalik ang tingin ko kay kenneth, Yung tingin ko sakanya "Nagkita nanaman kayo? Galing naman pala, baka araw-araw kayong nagkikita hindi sadya ah nice" naiinis na talaga ako. Bago pa siya magsalita, nagsalita na ulit ako "Ano yun kenneth? bakit? Anong meron? hindi ko maintindihan, ipaliwanag mo nga sakin yung dapat kong maramdaman?" pinakiusapan niya na sa loob namin ng bahay nila pag usapan.


"Be sorry na, may pinag uusapan lang kami ni cathy" sabi niya habang nakatingin lang sakin pinapakita yung nagmamakaawa niyang mukha habang pinipisil pisil yung kamay ko.

"Bakit? Bawal ba nating pag usapan yung pinag uusapan niyo? Ano nga bang pinag uusapan niyo? Naiinis ako sayo"


"Wala ka bang tiwala sakin be?" 


"Anong gusto mong isagot ko sa tanong mo?" nakapoker face nalang ako, walang tao dito sa bahay nila kaya kaming dalawa lang. Napansin kong may mga grocery siyang mga binili na nakapatong sa lamesa nila, ipagluluto niya pa si cathy tapos kakain sila ng sabay? Tinignan niya kung saan ako nakatingin.


"Magluluto ako ng pagkain tapos dadalhin ko sana sainyo para kumain tayo ng sabay" sabi niya, hindi ako naniniwala. Mas nangingibabaw yung pagseselos ko ngayon.


"Mahal mo pa ba ako?" tanong ko sakanya, wala na akong maisip na sasabihin.


"Mahal na mahal kita be, wag mo kong hiwalayan please. Hindi na ako makikipag usap kay cathy. Wag ka na magalit" nagmamakaawang sabi ni kenneth, parang maiiyak na siya.


"Bakit ba hindi mo masabi sakin kung anong pinag uusapan niyo? Paano ako maniniwala sayo kung hindi mo naman sinasabi sakin ang lahat?"


"Kaya ko nakakausap si cathy kase gusto kong malaman kung ano yung mga mangyayare kapag may alzheimers ang isang tao" ha?


"Seryoso ka talaga diyan sa sinasabi mo? Wala nabanag mas lilinaw pa sa sinasabi mo ngayon?" anong connect ng alzheimers? niloloko mo ba talaga ako kenneth?! 



"Kenneeeeth?" napalingon kami pareho at nakita ko si tita joan. Hindi ako makangiti pero nagpaalam ako ng maayos at umalis na agad ng bahay nila. Hindi ko na pinansin si kenneth. Kung talagang wala siyang ginagawang masama, umpisa palang sinabi niya sakin agad. Anong mapapala ko sa sinabi niyang alzheimers? Ang interesting naman sobra ng topic nila ni cathy. Napansin ni tita na hindi kami magkasundo kase hinahabol ako ni kenneth pero hindi ko na siya pinansin.


Pagkauwi ko shinutdown ko agad yung cellphone ko at hindi ko rin masiyadong sinasagot yung mga tanong ni mama na tungkol kay kenneth. Hindi na din ako kumain kase wala akong gana kaya nasa loob nalang ako ng kwarto ko at natulog pero ang totoo nakatulala lang ako. 

Maya-maya pa nakita kong bumukas ang pinto.


"Ma, matutulog na ako" sabi ko habang nakatalukbong ng kumot, kaso hindi nagsasalita si mama at nagalalakad papalapit sakin at bigla akong niyakap ng dahan-dahan at mahigpit. Alam ko yung amoy na yon, alam ko kung sino to. Alam ko kung kaninong pisngi tong nakadikit sa pisngi ko.


"Bakit?" yun nanaman yung salitang nasabi ko.


"Sorry. Sorry sorry sorry sorry, sasabihin ko po sayo lahat lahat promise. Bigyan mo lang ako ng isang linggo" nakayakap lang siya at sa hindi ko malaman na dahilan kung bakit ang tanging nasagot ko lang ay


"Sige."


Pagkatapos nun ay nakatulog na ako, hindi kami nag uusap pero magkatabi kaming nakatulog.

730 Days with Andrea SantosМесто, где живут истории. Откройте их для себя