Chapter 24: Andrea's Mother

265 15 4
                                    

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ng narinig ko ang sinabi sakin ni joan. Hindi ko naman pinalaking ganon ang aking anak na si Andrea. Nakaupo ako at nag-iisip ng malalim ng biglang dumating si andrea, gabi na. Dumiretso agad siya sa lababo at nagsuka. Napatayo ako at nilapitan siya. Hindi kaya totoo? Buntis ang anak ko?! Dumiretso na siya agad sa kwarto niya at hindi na nakipag-usap pa.



Agad kong tinawagan si joan para sabihing nagsusuka si andrea.


"Joan? Nakauwi na ba si kenneth?"


"Hindi pa, kanina pa nga namin inaantay ni gino. Nasan na ka--"


(oh san ka galing?)


(hinatid ko lang si andrea pauwi)


"Ayan nandito na siya" sabi ni joan.


(si andrea yan ma?) narinig kong tanong ni kenneth


"Hindi si tita mo to" 


(patanong naman kung kumain ba si andrea?) hindi ko na inantay na magtanong pa si joan kaya sinagot ko na agad.


"Hindi na mare, hindi na siya kumain" sabi ko at sinabi naman ni joan agad kay kenneth. Maya-maya pa ay nagsalita na ulit si joan. Pinag-uusapan namin yung positive na sinasabi ni kenneth. Tinanong ko kung nakita niya ba yung letter na binabasa ni kenneth, pero hindi niya na daw makita. Hindi niya din muna sinasabi kay gino kase baka mali lang kami ng hinala.



"Twenty yrs.old palang ang anak ko joan. Kung totoo man na buntis si andrea, sana hindi siya iwan ni kenneth"


"Hindi naman ganun ang anak ko mare, bakit hindi nalang kaya natin sila tanungin ng deretsyo?"



Kinabukasan..


Maaga ako nagising para maghanda ng umagahan, bakasyon nila mario ngayon. Si andrea naman ay tulog pa. Kinuha ko ang graduation picture ni andrea at pinagmasdan eto. Hindi manlang kami nakapunta sa graduation ng anak ko. Mabuti nalang at sinamahan siya ni kenneth. Bata palang si andrea sinasama ko na siya kayla joan, nakikita niya din dun si kenneth. Kaya nagulat nalang ako ng biglang sinabi nila samin na sila na pala. Hindi maganda ang unang pagkikita nila dahil parang nag aaway sila kahit sinasabi nilang sila, kinikwento sakin yun ni andrea. Pero kapag sinasabi ko namang noong dati pa lang naman eh ganun na sila ni kenneth. Hindi niya ito pinapansin. Kung ikwento niya sakin si kenneth, parang ngayon lang niya eto nakilala. Kung sabagay, masyado pa silang bata nun.


"Ma" napalingon ako at nakita ko si andrea.


"Buti naman at gising ka na, halika na at kumain ka na" bumaba siya ng hagdan habang inaayos ang buhok niya.


"Ma, may good at bad news ako sayo" nakangiti niyang salubong sakin. Hindi kaya sasabihin niya na ang nangyare sakanila ni kenneth?


730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now