Chapter 40: Glorietta

70 1 1
                                    

Ipinaliwanag ko na ang lahat sa mga kasamahan ko at sa manager ko yung kondisyon ko, maiintindihan nila kung magreresign na ako agad pero ang sabi ko tatapusin ko nalang yung huling concert at aalis na ako. Si cheska naman nalungkot at niyakap ako. Nag ngitian lang kami at nagkwentuhan.

"Kaya pala sandamakmak na sticky note yang nasa table mo, akala ko naman talagang trip mo lang magkalat dito" sabi niya.

"Pero ang cute noh? Ang astig ng sakit ko hahahaha balang araw kapag nakita mo ako hindi na kita naaalala" sabi ko habang nakangiti

"Baliw ka talaga, pero ang bata mo pa para diyan"

"oo nga eh."

Natahimik lang kami pareho at bumalik nalang sa mga ginagawa namin. Hanggang sa naging tahimik na kami pareho at naging busy. Old fashion kung manamit tong si bruno mars. May interview pa pala siya sa myx 3 days bago siya mag concert. Nagkikwento yung mga staff namin dito na nag oorganize sa tutuluyang hotel ni bruno mars dun na parang barya lang kung mamigay ng maraming tip si bruno at sobrang bait daw. Magaling din siyang gumawa ng mga cover ng mga kanta at minsan parang mas maganda pa yung way ng pagkakakanta niya.

"Sa sunday na pala yung concert ni bruno mars noh?" nagulat ako biglang nagsalita si cheska, napatingin naman siya sakin at parang matatawa pero hindi nalang itinuloy. Nakakagulat kase.

"Oo nga eh"

"Gusto mo tabi nalang tayo?"

"Pwede ba yun?"

"Baka mamaya makalimutan mo yung mga gagawin mo eh"

"Grabe ka naman! Hindi pa naman ganito kalala sakit ko noh haha"

"Okay sabi mo yan ah basta ipamigay mo agad ah tapos pasok ka agad sa loob dun kanalang magbantay" sabi ni cheska habang inaayos yung mga gamit niya. Ngumiti ako at sumang ayon sakanya.

Lunch time at nakaupo lang ako nakatingin sa sticky note na yellow habang hawak yung sign pen ko, wala akong maisulat. Maya maya nag message si kenneth.

Tawag ako andeng ahhh....

Kriiing.

Kriiing.

Kriiing.

"hello?"

"kamusta ka? Kumain ka na ba?"

"Hindi pa, bili nalang ako maya maya. Ikaw? Kamusta ka diyan?"

"Okay lang aalis kami maya (pre, glorietta mamaya ah) maya" may sumingit na lalake na narinig dun sa cellphone

"Anong glorietta? Sino yun?"

"Pupuntahan namin mamaya, dun kami may bibilhin lang kasama ko mga katrabaho ko, sunduin kita mama--"

"Sino yung glorietta? Bakit pupuntahan niyo?"

"Mall yun bebe hindi tao hahaha"

"Ipagpapalit mo nalang ako glorietta pa pangalan? Napaka panget!"

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo? Alam mo yung glorietta lagi ka kayang nagpupunta dito"

"Bahala ka" ibinaba ko na agad. Naiinis ako. Glorietta glorietta bwiset. Hindi na ako kumain at tinapos nalang yung oras ng trabaho ko at nag out na agad. Naiinis ako. Habang nasa biyahe ako, kumalam yung tiyan ko at halatang nagugutom na ako. Kaya bumaba ako sa kalahati ng biyahe. Pumasok ako sa isang mall at naghanap ng makakain.

"be hindi na pala kita masusundo kase ngayon palang kami pupunta sa mall, bibili ng mga recipe para sa bagong menu"

Pupuntahan mo lang si glorietta eh! Inoff ko na muna yung phone at naghanap na ng makakain, bumili ako ng turks at kinain habang naglalakad lakad. Hindi naman totoo yung nasa picture na andaming nakalagay, hindi naman sa binabash ko pero ang onti lang talaga ng nakalagay. Nagutom pa ulit ako kaya kumain pa ako at bumili naman ng burger sa mcdo yung big mac at hinati hati ko muna bago ako umalis at kinain hababg naglalakad. Parang napunta na ako sa mall na to.

730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now