Chapter 10: Kenneth meets Jack

275 19 3
                                    

Lumapit samin si kenneth, at napatingin ako kay jack at nakita ko siyang inaayos yung damit niya at buhok.


"Uy kenneth" sabi ko sakanya, napatingin siya kay jack at tumingin din si jack sakanya. Tsk! Edi sila na nagkatitigan ><


"Hmm nga pala Jack, siya si kenneth. Kenneth, siya naman si jack" inilahad ni jack yung kamay niya


"Nice meeting you pare" iniabot naman ni kenneth ang kamay ni jack at nakipag shake hands, nakatingin lang ako sakanilang dalawa. Hmm bakit ang tagal nila mag shake hands?! After ng shake hands ay bumitaw na si kenneth.


"Nga pala bakit ka nandito?" tanong ko kay kenneth


"Susunduin sana kita" sabi niya, magsasalita sana ako kaso biglang nagsalita si jack


"Ang tangkad pala ng kapatid mo andrea" sabi ni jack, napatingin na naman si kenneth kay jack


"Hindi nga kami magkapatid, kaibigan ko si kenneth" sabi ko


"Bestfriend" sabi naman ni kenneth


"Ahh, Kenneth?" sabi ni jack


"Bakit?"


"Sama ka na muna samin"


"Saan?" tanong ko sakanya, nakatingin pa din siya kay kenneth


"Itreat ko si Andrea ng food, treat na din kita" nakangiting sabi ni jack kay kenneth


"Para saan jack?" tanong ko


"Wala lang , halos one month ka na din kasing may work so gusto kitang itreat" sabi niya



"Nasan yung mga iba niyang katrabaho?" tanong ni kenneth


"Umuwi na sila" sabi ni jack


"Diba dapat sila din?" sabi ni kenneth


"Tara na andrea" hindi ata narinig ni jack yung sinabi ni kenneth kaya nagsimula na ulit kaming maglakad. Sumunod naman si kenneth kaya nasa gitna nila ako ngayon habang naglalakad. Nasa right side ko si kenneth samantalang si jack naman nasa left side ko. Tahimik lang si kenneth at poker face samantalang si jack naman ay nakangiti, kanina naman seryoso lang to.


"Jack?"


"Mm?"


"Ano nga pala yung gusto mong sabihin sakin?" nakita ko naman sa mukha niya na parang matataranta siya



"Next time ko nalang sasabihin kapag tayo nalang dalawa" sabi naman niya.


"Ahhhhhhh okay" hmm ano kaya yon? Si kenneth naman kasama pa din namin. Nagpunta kami sa may starbucks. Sa totoo lang first time ko lang makakatikim ng kape dito, hindi naman kase ako bumibili dito, nakakapanghinayang lang kase yung mga presyo haha tapos hindi naman ako mahilig sa kape. Okay in short wala akong pera!


Umupo na kami ni kenneth at umorder na si jack, magkatabi kami ni kenneth at tahimik pa din siya.


"Paano mo nga pala nalaman yung lugar ng pinagtatrabahuan ko?" tanong ko sakanya


"Wala natanong ko lang kay tita" hindi siya nakatingin sakin habang sumasagot


"Hmm. Nagpunta ka pa sa bahay?"


"Hindi ko alam"


"Huh?"


"Ewan ay oo"


"Okay ka lang?"


"oo"


"May sakit ka ba?"


"Wala" hindi na ulit niya ako pinansin.


"Okay ka lang ba?" tanong ko ulit, sakto namang dumating na si jack na may dalang tatlong cappuccino and a slice of cake. May mga name din. Isang:

 Jack ^^

Andz **

Kenneth <3


"Talagang heart sign yung kay kenneth?" sabi ko, nanlaki naman yung mata ni jack


"A-ay sa-sayo yung heart sgin baka nagkamali lang yung nagsulat" sabi niya at naupo na sa tapat namin, si kenneth naman poker face lang at tahimik pa din.

730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now