Chapter 45: Okay

40 1 0
                                    

After two months..

Ipinaliwanag sakin ni mama lahat ng nangyare bago ako magkaroon ng amnesia. Ikinwento niya lahat na nagkaroon na ako ng mga trabaho, na alam ko na din pala dati na nagkaroon ako ng alzheimers kaya lang nasagasaan daw ulit ako, at nagkaroon ako ng boyfriend. Sinabi niya sakin lahat ng mga ginagawa ko kada araw, lahat ng mga naranasan ko. Kaya pala todo ngiti sakin yung binibilhan kong cupcake sila jack pala yun, nakapagkwentuhan kami at pinaliwanag ko ang mga nangyare at ikinwento din nila kung paano ako sakanila sa trabaho at tungkol din kay kenneth.

Ganito pala magkaroon ng amnesia. Wala talaga akong maalala pero hindi tulad ng mga nasa pelikulang napapanuod ko na parang masiyadong madrama. Iiyak na din ba dapat ako ngayon? Hmm wag nalang.
Nakapag adjust na din ako dahil isang buwan na din simula nung lumabas kami sa hospital.

Nakaupo ako ngayon sa sofa namin, ako lang ang tao at medyo malamig ang panahon ngayon. November 29 na ngayon ang bilis ng panahon.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinititigan ito, hindi ko alam pero nakatingin lang ako ngayon sa oras. Parang binigyan ako ng pangalawang pagkakataon para magsimula ulit. Kung naaalala ko kaya yung mga nangyare sakin dati, pipiliin ko kayang makalimutan yun?

Bakit ganito? Nalulungkot ako, para akong maiiyak pero hindi ko naman alam kung bakit. Binuksan ko ang cellphone ko at nagtitingin tingin, nakita ko yung mga pictures. Mga pictures ko kasama yung lalake, mukhang ang saya saya namin. Kaso hindi ko na siya nakikita

"Bakit ba hindi kita maalala?" pinatay ko na ulit ang cellphone at bumuntong hininga.

May nagdoorbell kaya nagmadali ako para buksan ang pinto.

"Oh Ma, si mario asan?" si mama, pumasok na siya at sinarado ko na ang pinto, dumiretso siya sa ref para kumuha ng tubig.

"Andun nakikipaglaro kay cyrus, pakisundo nga andrea napapagod na ako" sabi niya at uminom na ng tubig at nagtingin ng makakain.

"May kanin at ulam na diyan, kain ka na. Ako na magsundo kay mario"

Nagmadali akong umakyat sa kwarto upang mag ayos ng sarili, nagpulbo pa ako at naglagay ng onting lipstick. Hindi ko alam pero naeexcite ako sunduin si mario. Ngayon lang ako makakapunta sa bahay nila tita simula ng hindi ko na matandaan. Lumabas na ako at nagpunta sakanila. Ng malapit na ako ay naglalakad na ako papunta sakanila, tumitingin sa paligid ligid. May nakita akong park at may mga nakaupo. Maganda yung park malinis at magandang attraction.

Nandito na ako ngayon sa tapat ng bahay nila.
"Bakit ba ako kinakabahan?" hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako, kumatok na ako at maya maya pa ay may nagbukas na ng pinto.

"Andrea" si tita, nanay ni cyrus ang nagbukas sakin ng pinto. Natuwa siya na parang nagulat nung nakita niya ako.

"Ay hello po susunduin ko na po si mario" nakangiti kong sabi.

"Tara pasok ka muna, kumain ka na ba?" pinapasok ako ni tita at pinaupo agad sa may sala, patay yung ilaw sa harapan nila at sa may sala lang nakabukas para daw tipid sa kuryente. Kumakain pala sila.

"Ay wag na po nakakahiya" hindi ko maintindihan pero bakit parang may hinahanap ako.

"Kain tayo ate" sabi sakin ni mario habang magkatabi sila ni cyrus.

"Ikaw talaga nakikikain ka pa dito" pinaghainan ako ni tita, tocino at itlog ang ulam nila. Ang sarap naman.

"Kumain ka na din andrea" sabi ni tita

"Kenneth" napatingin sakin si tita, hala narinig niya?! Nasabi ko ata ng malakas. Pero bakit ko nasabi yun, nakakahiya tae! Parang naging statwa ako ngayon sa sobrang nigas ng katawan ko. Nung magsasalita na si tita, buti may nagbukas ng pinto.

"Andito na ko, anong ulam natin?" si kenneth. Lalong hindi ako makagalaw, naging boyfriend ko daw siya sabi nila pero bakit ganun hindi na niya na ako pinapansin? Nakatitig lang ako sakanya habang papalapit siya pero nakatungo siya kaya hindi niya ako nakikita, patay kase ilaw at dito sa may sala lang nakabukas.

"May tocino at itlog dito tara kain na" sabi sakanya ni tita. Papalapit na siya sa may sala kung saan may ilaw at kumuha siya ng baso at ngayon papunta na sa ref kung saan malapit ako nakaupo. Hindi niya pa din ako napapansin kase nakatalikod siya. Pagkabukas niya ng pinto napansin niya na hindi niya mabuksan ng buo kaya tinignan niya kung sino ang nasa likod nun.

at ako yun.

Nagkatitigan kami at walang nagsasalita ni isa samin. Hindi ko din alam kung nagsasalita ba sila mario dahil wala akong marinig sa sobrang tahimik. Yung mga mata niya parang may sinasabi, pakiramdam ko antagal na namin nagkakatitigan.

Sinarado niya na yung ref at hindi na siya nakakuha ng tubig, dumiretsyo na siya sa taas nila. Parang maiiyak ako pero bakit? Bakit parang naaalala ko siya pero hindi? Maya maya pa ay narinig ko yung pinto nila sa taas na bumukas, nataranta ako kaya nagmadali na ako para makapagpaalam.

"Tita, una na po kami ni mario. Gabi na po, mario paalam ka na" nagpaalam na si mario at nag goodbye na siya kay cyrus. "Salamat po pala sa pagkain"

"Ay wala yun ano ka ba. Gusto mo bang makausap si kenne--" hindi ko na din pinatapos si tita.

"Hindi na po, baka po nagpapahinga na siya. Sige po una na po kami" nagmadali na kami lumabas ni mario. Naglalakad na kami ng biglang umulan ng malakas. Wala pa naman kaming dalang payong.

"Teka" sigaw nung lalaki, pagkatalikod namin si kenneth, hinahabol kami at may dalang payong. May dala siyang dalawang payong at pinayungan niya kami.

"Magpayong kayo, pinahabol kayo ni mama sakin dahil biglang umulan" bumibilis tibok ng puso ko, binigyan niya ng maliit na payong si mario yung pang bata at pinapayungan niya naman ako sa hawak niyang payong.

"Nabasa ka ba ha? Eto may pamunas ako dito" pinupunasan niya mukha ko at nakaakbay siya sakin ngayon. Nakatitig lang ako sakanya at nung naging awkward ay bumitaw din siya agad.

"Hatid ko na kayo"

"Hindi na, kaya na namin hehe salamat" sabi ko sakanya, nakakahiya.

"Kailangan din kase namin yung payong bukas kaya kukunin ko din agad"

"Ay ganun ba haha sige" hinatid niya kami ni mario hanggang sa bahay at nung makarating na sa bahay, si mario pumasok na agad.

Siya naman papaalis na.

"Uy" sabi ko pang pigil sakanya.

"Uy" sagot niya.

"Ano, salamat ha"

"Okay" patalikod na ulit siya

"Sa paghatid." dugtong ko, lumingon ulit siya.

Tinignan niya ako sa mga mata papunta sa mga labi ko at ngumiti siya.

"Sige na pasok ka na, uwi na din ako. Maligo ka, naulanan ka kanina" sabi niya, bakit ganito bakit parang hindi ko maipaliwanag.

"Namimiss na kita" sunod kong sinabi, nako hindi ko alam hindi ko alam kung bakit!!!

Nilapitan niya ako at niyakap ng mahigpit, sobrang higpit pero sobrang komportable ang katawan ko, niyakap ko din siya habang naluluha nanaman ako. Matagal na yakap. Pakiramdam ko yung puso ko gustong gusto na siya makausap. Nilapit niya ang bibig niya sa tenga ko "miss na miss na din kita andrea" yung mga boses na yun naaalala ko at lalong naririnig ko ang tibok ng puso ko at naririnig ko din ang kanya. Maya maya pa ay bumitaw na kami sa isa't isa. Nagkaroon na naman ng katahimikan at umulan nanaman ng malakas.

"Ahmm ano ah gusto mong sumama bukas? Magsimba? Okay lang naman kung hindi" tanong niya

"Sige" sabi ko.

"Okay"

"Okay"

730 Days with Andrea SantosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon