Chapter 3: My 20th Birthday

554 26 6
                                    

"Pwede bang manligaw?" tama ba yung nadinig ko? gusto niya akong ligawan? pwede namang kami na agad diba hihi syempre joke lang


"Manligaw?" tanong ko sakanya



"Maghikaaaaw" sabi niya, ah maghikaw naman pala. Akala ko naman manliligaw na, teka bakit naman nagpapaalam siya maghikaw? Bading na ba siya? Anlakas pa din ng mga paputok at saka mga music dito kaya hindi ko masyadong marinig si kenneth.



"Ahh sssssss-sige" ano ba yan bakit ba nanginginig tong boses ko? nakatingin lang ako sa paa ko habang naglalakad



"Pwede na akong manligaw?" naramdaman kong may ngiti sa tono ng boses niya, nakatingin pa din ako sa nilalakadan namin



"Maghikaw?" tanung ko ulit



"Manligaw"



"Manligaw?"



"Maghikaw"



"Maghikaw?"



"Manligaw"



"Ano ba talaga kenneth!?" tumigil ako sa paglalakad at tumingin sakanya, pagkatingin ko sakanya nagpipigil siya ng tawa.


"Pfft.. Okay eto seryoso na"


"..."


"May gusto ako sayo andrea" nahihiya niyang sabi


"Yung hikaw?" takang tanong ko, natawa siya at ginulo ang buhok ko! ang ganda ganda ng hair ko ngayon eh!


"Pwede ba ako manligaw sayo Andrea Santos?" seryosong tanong niya. Ang awkward na tuloy, pero dapat hindi ito maging awkward!









"Hindi ako nagpapaligaw hanggat hindi ako 20 yrs.old" sabi ko sakanya sabay belat


"Seryoso ka? hahaha"


"True, Anong nakakatawa?!" pagkasabi ko nun biglang naging awkard, walang nagsasalita sa amin, hanggang sa makarating kami sa bahay nila. This time naman sa bahay naman nila kami nag celebrate ng new year. Niyaya daw ni tita si Mama. Iniwan ako ni kenneth sa paglalakad at nauna siyang pumasok sa bahay nila, nakapasok na din sila mama at mario. Nagalit ata si kenneth sakin?


"Ano ba yan, kakabati lang namin eh" inis kong sabi, ako yung huling papasok sa bahy nila kenneth kaya naman huminga na muna ako ng malalim at ngumiti sabay bukas ng pinto





"HAPPY BIRTHDAY ANDREAAAAAAAAAAAAA" sabay-sabay nilang sigaw sakin




"Teka, january one pa ang birthday ko" gulat kong sabi habang nakangiti pa din na nakatingin sakanila. Nilapitan ako ni kenneth na may hawak-hawak na slice ng lasagna.



"January one kaya ngayon Andrea! kakacountdown lang natin diba?" sabi niya sabay belat sakin



"WAAAAH. Happy birthday na pala sakin" kinuha ko yung lasagna at sabay sabay silang tumawa. Kanya-kanya na silang kuha ng pagkain, nawala sa isip ko na birthday ko pala ngayon. Si kenneth kase eh.



"Ehem-ehem" tsk. nakakagulat kapag nag momoment ka sa isang tabi tapos may biglang uubo kunware para makuha lang yung atensyon mo!



"Inuubo ka? Gusto mo ng maiinom?" sabi ko sakanya, at eto nanaman siya sa ngiti niya. Nasa leeg na naman niya yung malaki niyang headset!


"Ilang taon ka na nga ulit Andrea?"


"19" sabi ko habang sumusubo ng lasagna


"Birthday mo ngayon diba?"


"Oo"


"Ilang taon ka na?"


"20"


"Ahhhhh twenty na si Andrea" nakangiti niyang sabi, napatigil ako sa pagsubo ng lasagna at tumingin sakanya



"Hala 20 yrs.old na ako Kenneth!"

730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now