Chapter 27

179 13 0
                                    

After ng pag jojogging namin na yun. Araw-araw na kaming nag-jojogging tuwing madaling araw, at dahil dun nasanay na din akong gumising ng maaga at minsan nauuna pa ako sa alarm. Ngayon ang ika-pitong araw namin sa pagjojogging. Sabay kaming pinagpapawisan at kapag tirik na ang araw, tumitigil na kami at nagpapahinga. Lagi ng nakangiti ngayon si kenneth at napaka clingy niya. Oo napakalambing niya sakin. At paulit ulit niyang sinasabi sakin yung daan papunta sa pagtatrabahuan ko. Mamaya daw pupuntahan namin yun.


"Anong gagawin natin dun? Bukas pa yung simula ng trabaho ko" nakaupo lang kami ngayon sa sofa habang nagpupunas ng pawis at nagpapahinga.


"Titignan lang natin yung mga ano"


"Ano?"


"Yung mga... Ice cream" seryoso ba to?


"Madaming ice cream dito be!"


"Malay mo masarap mga ice cream dun, atsaka para alam mo na kung paano pumunta dun"


"Kabisadong-kabisado ko na. Halos araw-araw mo namang sinasabi sakin yan"


"Basta pupuntahan natin yun mamaya ah" sabi niya at pumayag nalang ako. Para lang sa ice cream. Parang bata to. Maya-maya pa ay umalis na siya at bago siya umalis kiniss niya ako sa lips. Healthy living na kami, medyo sexy na ako pero imahinasyon lang yun. Kahapon pagkatapos namin mag exercise bumili kami ng extra big extra hot flavor at apat na ganun ang niluto namin at nagpaunahan kumain. Kaya nabaliwala lang yung inexercise hahaha. Tumayo na ako mula sa pagkakaupo para kumuha ng tubig ng biglang nagteks si kenneth. Nakauwi na siya. Matutulog muna siya dahil may trabaho siya mamaya, eh paano niya ako masasamahan? Hindi kaya siya napapagod sa ginagawa niya araw-araw.


Kinahapunan, pinuntahan niya ako sa bahay at nagpaalam kay mama bago kami umalis. Nagcommute lang kami dahil wala naman kaming mga kotse atsaka mas masaya namang walang ganun o baka hindi lang ako nahilig sa mga kotse.


"Saan tayo sasakay?" tanong ko sakanya, hinawakan niya ang kamay ko.


"Ewan ko, diba ikaw magtatrabaho? Dapat alam mo kung saan ka sasakay" eto nanaman siya!


"Ang epal neto. Ikaw nag-aya diyan na magpunta tayo sa pagtatrabahuan ko eh"


"Andrea" biglang sumeryoso yung boses niya. Kapag tinatawag niya ako sa pangalan laging may seryosong tono feeling teleserye.


"Oh bakit?"


"Diba tinuro ko na sayo yung mga dadaanan mo? Natatandaan mo pa ba yung mga yun?" kumunot yung noo ko, nagtaka ako na parang napapaisip.


"Oo naman be, bakit?" bakit parang palaging alalang-alala tong si kenneth sakin.


"Wala sorry, i love you" tas kiniss niya ako sa gilid ng noo. Hm, naglakad na kami at pinatunayan kong alam ko kung paano pumunta dun. May sakayan naman na deretsyo na agad papunta dun kaya dun kami sumakay.

730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now