Chapter 25: Reality

204 12 0
                                    

ANONG GAGAWIN MO KAPAG NALAMAN MONG NAKABUNTIS ANG BOYFRIEND MO! ANO?! Nandito lang ako ngayon sa kwarto ko habang nakaupo sa kama, kaya pala ganun mga kinikilos niya netong mga nakakaraan. Pero bakit? bakit niya ako lolokohin? Nagkulang ba ako ng pagmamahal? Ang panget ko na siguro? PERO BAKIT NAMAN KAILANGAN NIYA PANG MAKIPAG SEX SA IBA?! Porket ba hindi namin ginagawa yon? Napupuno na ng mga sari saring imahinasyon ang utak ko. Biglang tumunog ang cellphone ko at nakitakong nagteks siya, aba magteteks pa!


Kenneth <3

Good Morniiiing :* Wag mo kakalimutan kumain ah, I love you. See you later :*


ANONG TINGIN NIYA SAKIN MAKAKALIMUTIN? KAYA KONG KUMAIN NG WALANG NAGPAPAALALA, bakit ganon kenneth? bakit ka ganyan? 


Hindi ko na alam, nalungkot na ulit ako, humiga na ako sa kama ko at natulog nalang kakaisip sa sinasabi nila.



Pagkagising ko, nakita ko nasa gilid ko si kenneth, nakatungo ang ulo niya sa may kama malapit sa kamay ko habang hawak niya ito. Bumangon ako at tinignan siya.


"Be? anong ginagawa mo dito?" nagtataka kong tanong, anong oras na ba? antagal ko atang tulog. Naalimpungatan na siya at umayos ng pagkakaupo ng makita niya ako ay bigla niya akong niyakap ng mahigpit, at dahan dahan ng nilalapit yung mukha niya sakin para ikiss ako pero lumayo ako.


"Hindi pa ako nakakatoothbrush, mabaho to bahala ka" natawa naman siya pero yung mata niya bakit parang ang lungkot lungkot niya?


"Okay ka lang kenneth? bakit parang ang lungkot lungkot mo?"



"Galit ka ba sakin? Sabi ni tita, naiinis ka daw sakin kaya natulog ka nalang daw ulit" sabi niya habang hawak hawak ulit ang isa kong kamay.


"Barbero yun si mama, natutulog lang ako. HIndi ko pa nga siya nakakausap ngayong araw" ano kaya yung sinasabi niya. "Teka anong oras na pala?" tumingin siya sa relo niya


"3:34" teka tama ba pagkakarinig ko?


"3:34? Antagal ko naman atang nakatulog" tumingin ako kay kenneth at parang hindi naman siya nagtataka at malungkot pa din siya, bakit ba?


"Okay lang yan baka napagod ka lang, ano nga ulit yung kinikwento mo sakin kahapon? yung may trabaho ka na?" sabi niya, trabaho. Ah siguro napagod lang ako kahapon kase dami kong ginawa


"Oo malapit na akong magsimula dun, napasok ako sa entertainment company, sinulat ko na nga yung mga lugar papunta sa kanila para hindi na ko maligaw, aksidente lang ang lahat buti nga tumatanggap sila kahit hindi naman akma sa natapos na course" 


"Alam mo na ba kung paano pumunta dun? gusto mo samahan kita?" bakit ganto parang may iba kay kenneth. nakatalikod siya at inaayos yung mga kalat ko dun sa ibabaw ng lamesa


"Mag usap nga tayo kenneth" napalingon naman siya.


730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now