Chapter 9: Preparation for Valentines

317 21 2
                                    

Halos two weeks na din akong nagtatrabaho dito sa cupcake ni jack kaya nasasanay na din ako sa mga ginagawa namin. Sinusulatan ko na din yung librong binigay sakin ni kenneth, medyo korny pakinggan kung twenty yrs.old na ako at nagsusulat pa din ako ng diary. February na, at syempre eto yung tinatawag nilang araw ng mga malalandi hehe joke, Araw ng mga puso. So naisipan ni jack na gumawa ng pakulo sa darating na valentines day. Maaga nagsarado ngayon ang store para makapagplano kami.



5pm na at nakaupo kami ngayon at nakaform ng circle, katabi ko si miko at katabi naman niya si jaylene na katabi ni felix na katabi ni jack na katabi ako.


"Ano bang magandang pakulo?" tanong samin ni jack


"Valentines theme ang design ng store para attractive" suggest ko


"Romantic musics tapos maglagay na din sa labas ng mga malalaking speaker" suggest naman ni miko


"Hmm. Yung mga cupcakes natin, gawin nating pa heart shape" suggest naman ni felix


"Ay gusto ko yan" napapalakpak pa si jack sa suggest ni felix, si felix naman nakatulala lang kay jack. 


Lahat kami napatingin kay jaylene, Hindi naman namin napag-usapan na tignan siya pero kusang napatingin lang kaming lahat sakanya


"Ahhmm i think hmm siguro ano" ano daw? Naguluhan kami sa sinabi ni jaylene


"Ano? Hindi namin naintindihan"sabi naman sakanya ni jack



"Hindi lang naman pang couples yung valentines day. As you all know Valentines day is a celebration of love. Meaning kahit hindi kayo couples, as long na merong love pwede pa din silang mag celebrate ng valentines day."


"So anong pinopoint out mo dun?" tanong sakanya ni miko, natahimik si jaylene at parang namula.


"Ah hmm ano ahh" sagot niya haha hindi ko na mapigilan yung tawa ko kase nakakatuwa yung reaksyon niya. Natawa ako at nung narinig nila ay natawa din sila. Napatingin ulit si miko kay jaylene.


"Ang gusto kong sabihin is, para maiba naman tayo sa ibang mga pakulo ng iba. Dapat yung cupcake store natin ay para mga single lang"


"Edi hindi siya pumatok?" sabi naman sakanya ni felix



"Ganito kase, tatawagin natin siyang bitter-sweet cupcake, Bawal ang mga couples! Then bibigyan natin sila ng freedom isulat yung mga hugot nila sa Hugot Wall tapos pipili tayo dun ng ilang hugot para mailagay sa cupcake"



"Eh maliit lang ang mga cupcakes natin" tanong ko


"Okay nagets ko na yung gusto ni jaylene" sabi naman ni jack "To make it short, gagawin nating special ang cupcakes, papalakihin natin siya ng onti para mag fit yung mga words na ilalagay tapos mabebenta natin siya ng hindi regular price, may dagdag dahil special eto"

730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now