Chapter 26: Starting Over Again and Again

214 10 0
                                    

May 30 start ng trabaho ko, sinabi ko yun kay mama at kay kenneth at masaya sila para sakin. sinulat pa nga ni mama yun at dinikit sa ref namin. Sabi ko pa nga bakit ang laki naman ng pagkakasulat ang o.a talaga ni mama, ngumiti lang siya sakin at sinabing natutuwa lang daw siya at magkakatrabaho na ako. At dahil may mga natitira pang araw bago ako magsimula sa trabaho, nagpapahinga muna ako. Nakahiga lang ako ngayon sa kama. Night shift pala ngayon si kenneth kaya mamayang 10pm pa start ng trabaho niya, gumising pa naman ako ng maaga dahil sa alarm. Nag alarm ako para makakausap ko si kenneth bago siya pumasok at dahil night shift na nga pala siya kaya nakahilata lang ako dito habang nakatulala sa kisame. Isang linggo na din ang nakalipas simula nung nangyareng usapan namin ni kenneth. Pagkatapos nun bumalik na ulit lahat sa dati. Umabsent pala siya nung time na nagpunta siya dito. Humingi siya ng tawad kahit wala namang dahilan, wala naman siyang babae o malaking utang. Masiyado lang daw madaming pinapagawa sa trabaho niya kaya wala siya masyadong energy at babawi daw siya. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tumingin sa salamin. Twenty years old na ako, hindi naman pala totoo yung mature na yung ganitong age. Siguro sa iba pero ako parang hindi naman. Pinagmamasdan ko lang yung sarili ko sa salamin ng may nakita akong dalawang ipit, napagdesisyunan kong mag ipit ng dalawang ipit isa sa kanan at isa sa kaliwa. Mukha akong bata hahaha. 4am palang kaya! hindi naman na ako makatulog ulit. Ang tahimik at ang lamig ng paligid. Parang nababaliwala naman ang madaling araw kase wala manlang nakakaappreciate, tahimik ang lahat at tilaok ng manok lang ang maririnig mo, wala manlang makakasama yung mga engkanto, kapre, mga multo. Paano nalang kung andito pala sila edward ng twilight tas pinapanuod niya ako matulog tas

"psst" nagulat buong kaluluwa ko! may sumitsit ba?

"Psst!" hala waaaaah ano yun, tumalobn agad ako sa kama at umikot para mapalibutan ako ng kumot. Baka butiki lang yun?

"Andrea" waah tae tae tae sino yun? bakit naman pabulong effect pa. Nakapikit lang ako ngayon ng todong pikit habang nakatalukbong ng kumot pero diba dun sa the grudge, sa kumot nagpakita yung si sadako, baka pag dumilat ako, nakatapat na sakin yung malamig at maputing mukha ng babaeng duguan ang mata na may mahabang buhok at nakanganga. Lalo akong natatakot sa mga naiisip ko.

Energized! Start your day the champion way!

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH" hindi ko na napigilang sumigaw nung tumunog yung cellphone ko. nakakagulat kase! buti nalang napigilan ko agad. Pagkatingin ko sa cellphone, si kenneth tumatawag.

"He-hello?" narinig ko muna ang paghinga niya bago siya nagsalita

"Andrea?" si kenneth nga to pero bakit gising pa siya?

"Akakakala ko ba pang gabi ka, bakit gising ka na?"

"Oo nga, ikaw bakit gising ka pa?"

"Hindi na ako makatulog ulit eh, nagising ako sa alarm. Nawala sa isip ko na pang gabi na pala pasok mo hehe"

"Okay ka lang? bakit ka sumigaw?" pano niya nalaman yun?

"Bakit mo alam?"

"Ano ka ba, ako kaya yung tumatawag sayo kanina pa. Nakabukas yung ilaw ng kwarto mo andito ako sa labas" sumilip agad ako sa bintana at nakita kong andun siya. Anong gingawa niya dito ng ganito kaaga?

"Anong ginagawa mo diyan?" ngumiti siya sakin at sinabing bumaba daw ako sabi ko sandali lang dahil magtotoothbrush muna ako, amoy imburnal na tong hininga ko. Nagmadali ako at dahan-dahang bumaba baka magising sila mama.



"Anong ginagawa mo dito? Akala ko may multo na" nangiti naman siya sakin. Ano ba kenneth! "Bakit ba ngiti ka ng ngiti! nangseseduce ka ba?" ngiti ng ngiti to sakin!

"Wala namiss lang kita" sabi niya sabay lumapit sakin at niyakap ako ng mahigpit. Ang clingy neto ni kenneth. Sobrang layo ng una kong pagkakakilala sakanya yung sa elevator, dun ko siya unang nakilala eh at ang sunget niya pa nun.

"Wala ka pa atang tulog be" sabi ko naman sakanya habang yakap-yakap lang din siya. Hindi niya ako pinansin at inaya niya akong mag jogging. Simula daw ngayon mag healthy living na daw kame hahahaha.

"Teka hindi pa ako nagpapaalam kay mama"

"Naipagpaalam na kita nung isang araw pa, Isarado mo lang daw yung pinto bago ka umalis."

"HUWEH?"

"Oo nga! Eto oh" pinakita niya sakin text niya kay mama at ang reply ni mama sakanya. Pumayag nga. Mag jogging daw kami paikot ikot lang dito. 20 mins lang yung biyahe mula dito hanggang kay kenneth at ang effort niya lang para bumiyahe pa mula dito. Eh pano kung tulog ako edi nasayang lang effort niya baliw talaga to di nag-iisip na baka mapahamak siya. Kaya pala para mag jojogging yung outfit niya kase mag jojogging pala talaga kami. Nagpalit lang ako ng damit at nag rubber shoes atsaka kami nagsimula mag warm-up at nag jogging. Habang tumatagal padami na ng padami mga tao. May lugar kase dito na pwede ka mag jogging dito sa paraiso. Tinawag siyang paraiso kase libingan to pero may lugar dito na pwede ka magjogging.

"Alam mo ba yung ibig sabihin ng humid?" tanong ni kenneth, ang aga-aga nagtatanong ng kung ano-ano.

"Ano, yung humid yung kahit malamig na parang mainit pa din, yun ata yun"



"Ahh akala ko kase ikaw yun kase humid my day"



-............................-



...........................................

"Magreact ka naman sa banat ko" sabi niya.



napangiti ako pero hindi ako nagsalita, tumakbo ako ng mabilis kaya naunahan ko siya. Ang swerte ko sa lalakeng to. Sana hindi na kami maghiwalay pqa. Mahal na mahal ko siya.

730 Days with Andrea SantosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon