Chapter 14: Talk

287 16 0
                                    

ANDREA'S POV 

Pinauna na ako nila jaylene, hindi ko na nakita sila jack at felix. Tapos na ang program at nag-aalisan na ang mga tao. Naglalakad kami ngayon ni kenneth pauwi dito sa may park, madaling araw na siguro kase medyo mahangin na. Hindi ko alam kung matatawa ako or maiinis sa inamin sakin ni jack. Idagdag mo pa si felix na may gusto pala kay jack. Talaga palang silahis tong si felix.


"Mukhang enjoy yung valentines day mo ha" narinig kong nagsalita si kenneth, napatingin ako sakanya kaso nakatingin siya sa kawalan.


"Hindi pala kita nakita buong araw, anong ginagawa mo kanina?" tanong ko sakanya, patuloy pa din kaming naglalakad, nagsalubong ang mga kilay niya at naningkit ang mga mata niya


"Pinuntahan kita bago kayo magbukas kanina diba, nakalimutan mo na agad?" pinuntahan daw?


"Hindi naman" pang asar na sabi ko


"Pumunta kaya ako, nakita mo pa nga ako kaso busy ka ata sa pakikipag-usap mo dun kay jacko" hindi ko muna siya pinansin, pumunta ba siya kanina? Bago magsimula yung program?



"Ay oo! Naalala ko na" sabi ko at nagtaka naman siya "Lumabas ako nun pero wala ka na, san ka nagpunta?"



"Umuwi"


"Huh? Bakit?"


"Busy ka naman sa iba" halaaa!


"Nagseselos ka ba? yieeeeeee" pang-aasar ko pero hindi niya ako pinapansin "Nagseselos si kenneth yieeeeee" nakangiti kong sabi kaso poker face pa din siya at deretso lang sa paglalakad

"Pansinin mo kaya ako kenneth yieee HAHAHA" ano ba naman tong si kenneth seryoso, pinagmamasdan ko lang siya habang naglalakad kami, at sinubukan kong kilitiin siya sa kanang bewang niya at nakita kong napangiti siya at hinawakan ang kamay ko, bumitaw ako sa pagkakahawak niya at diniinan ang pagkakakiliti sa bewang niya


"HAHAHA Andreh-yah" hala naging malamya ang boses niya hahah nanghina!


"Haha ah huh? hahaha ayan ngumiti ka na din" sabi ko sakanya at humirit pa ng isang pangingiliti


"Ang kulet haha" sabi niya at hinawakan ang kamay ko "Oo nagseselos ako kay jack" sabay bitaw sa kamay ko at patuloy sa paglalakad.


"Selos selos ka pa diyan, ako nga dapat magselos!" 



"Huh?"



"WALA!"



"Ano ba kase yung pinag-uusapan niyo kanina?" naiinis na si kenneth


"May inamin lang sakin si ja--"


"ANO?!" sasabihin ko ba kay kenneth? eh baka naman kase pag sinabi ko magalit si jack tas paalisin niya na ako sa trabaho, edi mawawalan na ako ng trabaho.


"Secret hehe"


"Ano ngaa?"


"Secret nga namin"


"Sige, wag mo nang sabihin" Parang antagal naming makauwi sa bahay


"May gusto kase si jack pero wag kang mag-alala hindi naman ako yun, ikaw"


"Ano?"


"Wala.. Wala nasabi ko na"


"Ahh" naintindihan kaya niya yun? Napangiti siya



Nandito na kami sa tapat ng bahay ko.



"Salamat nga pala sa pagsundo at paghatid kenneth"


"Kumain ka na?" tanong niya



"Hindi pa" medyo nakakapagod din kanina kase andaming customer.



"Tara" sabi niya


"Saan?"


"Pinagpaalam kita kay tita kanina, Yayayain sana kita makipagdate kaso madaling araw na pala kayo natapos, okay lang ba?" sabi niya habang nakatingin sakin. Niyayaya niya ako makipag date?


"February 15 na" sabi ko


"Ahh sige okay lang, mukhang napagod kana din naman ng sobra kay magpahi--" hindi ko na pinatapos yung sinasabi nya


"Ipapasok ko lang tong bag ko sa loob tas alis na tayo" nakangiti kong sabi sakanya, medyo natigilan siya sa pagsasaita at napangiti sakin



"Okay lang?" tanong niya, bakit ang lambing ng boses ni kenneth, nakakainis siya!



"Kenneth Aviola pa ba?" sabi ko sabay kindat, okay! ang flirt tignan. Pinasok ko na ang bag ko sa loob at nag banyo muna saglit para fresh.



730 Days with Andrea SantosTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon