Chapter 19: Last Day

210 15 0
                                    

Last day na nang work ko dito sa cupcake shop ni jack.  Naenjoy ko ang tatlong buwan at madami akong natutunan. Ngayon nandito ako sa counter at may pumasok na isang teenager na lalake,  nakasalamin siya at may katangkaran.

"Goodafternoon sr. May i take your order? "

"Ahmm miss"  sabi nung lalake, tinititigan niyang maigi yung dalawang cupcake namin.

"Yes po? "

"What's the difference between 96 pesos cupcake and this 92 pesos cupcake?" tanong niya habang hinahawakan yung gilid ng eyeglass niya. waaaaaaaaaaaaaaaaaaah


"Ahmm 4 pesos po" hindi ko alam, hindi ko alam, hindi ko alam!! Lagi lang ako sa gawaan ng cupcake pero hindi pa ako napupunta dito sa counter. Hindi ko alam ang kalakaran dito. Tinignan ko siya at nakita kong natawa siya sa sinabi ko.


"You're funny miss" is that a compliment?


"Im sorry sr. hehe wait lang po ah" lumabas ako ng counter at tinawag si jaylene, kinwento ko sakanya yung nangyare at siya na ang nag assist sa customer. Tinignan ko ulit yung lalaking teenager at tumingin din siya sakin at ngumiti. Kinabahan ako dun! 



Pinalinis sakin ni jack yung kitchen at ako na din ang pinag mop ni jaylene. Last day ko naman na daw kase ngayon kaya papagudin daw nila ako. Kaya sinimulan ko na maglinis. Maya-maya unti-unti silang nawala.


Last day ko nga ngayon kaya dapat chill chill nalang ako, nasan na ba kase sila? Pagkatapos kong maglinis ay umupo muna ako sa upuan sa gilid. Lagi kong inuupuan yun tuwing natatapos ako maglinis. Pagkaupo ko


poooooooooooooooooooooooot


Napatayo ako at napatingin sa upuan, nakita kong may naupuan akong laruan na tumutunog.


"Ang gulat ko naman" biglang may nagpatugtog sa labas, akala ko ba sarado na kami? 


Pinapatugtog yung fix you ng coldplay. Ang senti naman. Lumabas ako ng kusina para tignan kung nagbukas ba ulit. Pagkatingin ko nakita kong nakatayo dun sila jaylene,felix,miko, at jack habang nakangiting nakaharap sakin. At may nakadikit sa pader na THANK YOU ANDREA! habang may hawak-hawak silang mga cupcake. Napangiti ako at naluluha ang aking mga mata.



"Mamimiss ka namin" sabi ni jaylene


"Ang drama naman ng kanta niyo, para namang mamamatay na ako neto. Mamimiss ko din kayo" sabi ko at nginitian sila.


"Group huuuug!!!" sabi ni felix at lumapit ako sakanila at yumakap, nararamdaman ko ang mga higpit ng yakap nila. Pero maya-maya, wala nakong yakap na maramdaman. Pagkadilat ko, si jaylene at miko na ang magkayakap at si felix at si jack.



"Teka? Ano to?! Ako yung aalis diba?" sabi ko sakanila pero hindi nila ako pinapansin.

730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now