Chapter 31: The Strangers

165 7 0
                                    

Sakto sa pagmulat ng mata ko ang pag alarm ng cellphone ko. Bumangon na ako agad para bumaba at kumain, nakita kong may pagkain na agad sa lamesa at nakahanda na din ang baon ko. Maaga atang nagising si mama. Hinanap ko siya at nakita kong nandun siya sa may sala, natutulog. Hindi ko na siya nilapitan at kumain na, kumuha ako ng plato at kutsara't tinidor at nagsimulang  kumuha ng kanin at hotdog. Dahan-dahan lang ako ngumunguya para hindi magising si mama, ang aga niya atang nagising? Kadalasan kase ako yung unang nagigising o kaya naman nagluluto palang siya ng ulam kapag bumababa ako.

Pinagmamasdan ko lang yung paligid ng bahay, iniikot ko lang yung mata ko sa bawat sulok ng bahay. Ang tahimik at malamig ang simoy ng hangin kapag madaling araw. Blangko pa ang isip ko at tahimik lang habang kumakain.


"GISING KANA PALA" tuloy-tuloy na sabi ni mama na may pagkalakasan ang boses habang nagmamadaling naglalakad papunta sakin, magulo yung buhok niya na nakasabog sa mukha niya.


"Tae. Ma! nakakagulat ka naman" alam niyo yung tahimik ang paligid tapos biglang may gaganun, nagising bigla yung diwa ko sa gulat at kaba. Inayos na ni mama yung buhok niya at kumuha ng baso.


"Uminom ka ng gatas" sabi niya habang kumukuha ng mainit na tubig at isinasalin sa basong kinuha niya.


"Bakit parang ang aga mo pala nagising ma?" tanong ko habang sumubo ng kanin at kinuha ang iniabot niyang baso.


"May orientation ngayon sila mario ngayon para sa pasukan nila" ay akala ko naman, nagising talaga si mama dahil sakin haha. Umupo sa tapat na upuan ko si mama at kinakamot ang mata niya.


"Kamusta ka naman sa trabaho mo? Inaayos mo ba yung mga pinapagawa sayo?"


"Ayun ayos naman, wala pa masiyadong pinapagaw para ngang nag gagala lang ako dun kase sinasabi palang yung mga ginagawa ng mga trabahador dun tapos pipili pa muna sila kung saang department ako mapupunta"


"Hmm, sige pag igihan mo. Isulat mo sa papel yung mga importanteng impormasyon para hindi mo nakakalimutan" naghikab siya pagkatapos niya magsalita, tinignan ko siya habang iniinom yung gatas at nakita kong may luha siya sa mata. Iba sa luha ng nahikab pero baka nga dahil sa humikab lang si mama, hindi ko na siya tinanong at tinapos ko na ang pagkain ko.


"Sige na magbasta ka na ako na bahala diyan"


"Hindi ma, matulog ka nalang ulit, ako na saglit lang naman to" sabi ko at kinuha na agad yung pinagkainan ko at hinugasan.





Nagkita kami ni kenneth sa terminal ng shuttle at suot niya pa din yung jacket na sinusuot niya, nginitian ko siya at hinalikan niya ako sa labi, napatingin samin yung tagakuha ng mga bayad at yung nag mamaneho ng sasakyan habang umiinom sila ng kape. Siguro dahil nung nakaraang linggo hindi naman kami nagpapansinan tapos makikita nilang biglang ganun haha ang weird. Magkatabi na kami ni kenneth ngayon sa upuan. May nilalaro siya kaya tinitignan ko lang.


Ano may sabi nito

"Paano makakabuo kung hindi ako papatong sayo?"

730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now