Chapter 29: First Day

165 8 1
                                    

First day ko ngayon sa trabaho, sa sobrang kaba at tuwa ko. Naunahan ko pa yung alarm ko. Bumangon na agad ako at tinignan ang cellphone ko pagkatingin ko may messages na ni kenneth, tineks na naman niya sakin yung direksyon papunta sa trabaho ko.


"Goodmorning :*" -kenneth


"Nakakabwiset ka na!" - ako


"hala grabe naman pambungad ni bebe hahah i love you :*" -kenneth


"Landi mo" -ako


Malandi talaga yan si kenneth, aga aga eh bawal ngumiti beastmode ako ngayon. Nag ring ang cellphone at alam kong siya yun, sasagutin ko na sana kaya kinuha ko na ulit yung cellphone sa pagkakalapag ko sa kama.

"krriii-- ENERGIZED START YOUR DAY THE CHAMPION WAY!" BIGLANG NAG ALARM YUNG CELLPHONE KO, NANGATOG BUONG KATAWAN KO SA GULAT, bwiset tong si james reid ang gulat ko dun. Bumilis tuloy tibok ng puso ko,iniba ko na kase yung ringtone ko pag may tumatawag para hindi ako magulat tapos ipinalit ko yun sa alarm tone ko para naman magising ako agad. Inalis ko na yung alarm at sinagot yung tawag.



"Hello?"



"Alis na po ako, ingat ka i love you" si kenneth yieee hala ang landi talaga neto ni kenneth pe epel telege


"I love you too" nakangiti at kinikilig kilig pa akong nagsasalita pagktapos ko sabihin yun ay binaba na ay bastos talaga! Nagbasta na ako at ginising ko na si mama at pinaghanda niya ako ng pagkain. Bago ako umalis binigyan ako ng pera ni mama at niyakap niya



"Mag iingat ka andrea, baka naman maligaw ka pa. Ang laki mo na" 


"Hindi noh, ang drama ni mama payakap yakap pa" pabirong sabi ko at nginitian siya saka umalis na. First day ko yipiiee nagpunta na ako sa sakayan, 5am pero ang dami ng tao. Hindi lang siguro ako sanay kase hindi naman ako nalalayo sa bahay ko at yung pinagtrabahuan ko dati kayla jack, malapit lang din yun sa bahay. Sumakay na ako sa shuttle at nag antay mapuno. Tinignan ko yung mga nasa paligid ko at matatanda na sila siguro mga kaedad ni jack ganun tapos yung iba kaedad ko lang siguro, tapos meron ding isang babaeng teenager palang ata to, nasuot siya ng jacket na makapal at mahaba sakanya parang sakop buong katawan niya tas nakasuot ng malaking eyeglasses na kulay black yung color, malabo siguro mata niya. Parang first day din siguro neto pero parang hidni naman siya mukhang magtatrabaho. Nakatingin lang ako sakanya ng biglang nag vibrate ang cellphone ko pagkatingin ko message ni mama, itext ko daw siya pag nandun na ako. Tumingin naman ako sa likod at mga tulog sila, merong isang lalake dun sa dulo na nakajacket din at nakasalamin naman na itim kaya hindi kita mata niya tulog din ata to, lamig na lamig si kuya. Napapangiti ako at naisip kong wala akong ginawa kung hindi mang puna ng mga tao dito simula ng sumakay ako.


Nagsimula na ding umandar ang shuttle at kinabahan na naman ako, nako eto na ang ibig sabihin lang malapit na talaga ako magsimula sa trabaho. Pagkadating ko dun ngingitian ko sila at mag sasabi ng goodmorning, mabait naman yung mga tao siguro dun kase tinanggap nila ako agad, pinagmamasdan ko lang yung mga dinadaanan namin at naisip kong magpatugtog dahil mahaba pa ang byahe. Kinuha ko yung earphone ko na regalo sakin ni kenneth, nasan na kaya yun? pang umaga yung schedule nun ngayon. At kapag magkasama kami at nagluluto siya, ang sasarap grabe. minsan nga ayun pa yung ginagawa niya kapag magkaaway kami

730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now