Chapter 41: No Cure

81 3 0
                                    

KENNETH'S POV

Naging successful yung concert ni bruno mars, after nun umalis ng maayos si Andrea sa pinag tatrabahuan niya. Dahil sa kondisyon niya na alzheimer, stage 2 palang ito at malapit na din mag stage 3 pagtagal ng panahon. Habang maaga pa ay napag desisyunan nalang nila tita na sa bahay nalang muna siya. Bawat araw ay binibisita ko siya, nakikipagkwentuhan at sinasabayan siya kumain. Hiniram ko yung isa sa napakadami niyang sticky note at sinulatan ko yun ng mga bagay na gusto kong maalala niya lang palagi habang katabi ko siya. At isa sa mga sinusulat ko ay eto:

KENNETH SANTOS
-pogi
-mabait
-boyfriend ni andrea

"Ayan! Hindi mo na ako makakalimutan, malulungkot ako kapag kinalimutan mo ako" nagpapalambing kong sabi,

"Oo naman, wag mo din akong kakalimutan ah atsaka wag mo akong ipagpapalit" seryosong sabi niya. Nakahiga kami ngayon sa banig na sobrang lambot. Binili ito ng mama niya para kung napapagod na si andrea, dito nalang siya sa baba nila matutulog. Naglalaro lang kami at iniikot namin yung banig habang binabalot ang mga sarili namin sabay tatawa, nung napagod na kami kakaikot pabalik balik ay natigil lang kami sa paghiga. Yung tawa niya ay onti onting nauwi sa lungkot hanggang sa pag iyak.

"Bakit?" sabi ko at niyakap siya

"Ang bata ko pa para dito. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko." sabi niya habang yung mga luha sa mata niya ay nagbabadya ng pumatak. Masakit para sakin na nakikita siyang nasasaktan.

"Bebe" yan lang nasasabi ko, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"Sorry ah, kung palagi kitang inaaway. Kung nagseselos ako palagi, pasensya ka na kung minsan parang wala akong tiwala. Sorry kung makakalimutan lang din kita" sabi niya habang nakatingin sakin. Mas masakit kase nakatingin siya sa mata ko, hindi ko talaga alam ang sasabihin kaya niyakap ko lang siya ng mahimbing.

"Andrea?"

"Hmm? Bakit?"

"Ano pa bang gusto mong gawin?" tanong ko at umaasang kaya kong maibigay sakanya

"Madami" simpleng sagot niya

"Tulad ng?"

"Gusto kong makapunta sa malayong lugar, o kaya sa enchanted kingdom. Gusto ko sumakay sa mga rides dun" sagot niya habang ramdam pa din ang kalungkutan sa boses niya.

"Edi punta tayo dun, mga next week o kaya sa monthsary natin. Natatandaan mo pa ba monthsary natin?" tanong ko at nakita ko naman siyang kumunot ang noo

"Oo, naman!"

"Wehhh? Sige nga ano?"

"30!"

"Wooh astiiiiiig" sagot ko at inirapan niya ako kaya ginulo gulo ko ang mukha niyaa

"Woooh iiyak na ang baby pikon ang baby wooohhh" inaalis niya ang kamay ko at niyakap ko siya ng mahigpit.

Bumaba si mario galing sa taas at nakita kami

"Hala! Nag wohoo kayo?" tinignan lang namin siya

"Ano naman yon?" tanong sakanya ni Andrea

"Wala!" sagot ni mario sabay punta sa harapan namin at binuksan ang tv.

"Yung sa sims yang sinasabi mo?" tanong sakanya ni andrea pero hindi siya sinagot ni mario

"Isusumbong kita kay mama! Nanunuod ka ng porn!" muling sabi ni andrea at nagbabangayan na silang magkapatid, inawat ko sila at hindi na ulit sila nagpansinan.

730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now