Chapter 2: LBM

721 28 9
                                    


Pinuntahan ako ni Kenneth at sinamahan niya ako sa pag-aaplyan ko ng trabaho. Alam niyo ba kung anong suot ko? Naka formal na damit ako hahahaha at kumukulo na naman yung tiyan ko!


"Ang ganda mo" sabi ni kenneth habang hawak ang kamay ko 


"Kadiri ka!" sabi ko sakanya at natawa lang siya.


"Ay dreya ano nga pala nangyare sayo nung isang araw?" nakoo nagtanong na siya


"Ha?" kunware hindi ko nadinig, siguro ganun naman lahat ng tao. Kapag ayaw nila or gusto nila marinig nila ulit ang isang tanong ay nagbibingi-bingihan sila.


"Sus, baka sumakay ka nanaman dun sa paborito mong horror train dun hahaha" anong sinasabi niya?


"Ano ka ba, ngayon lang kaya ako nakapunta dun" nako, eto nanaman yung tiyan ko kumukulo na naman siya.


"Nahiya pa siya yiee kinwento kaya sakin ni tita na lagi daw kayong sumasakay ng daddy mo dun kahit highschool ka na" parang wala naman akong matandaan na ganun? eto talagang si kenneth


"Storymaker tss." natawa lang siya at umiling-iling, seryoso kaya ako maliligaw ba ako dun kung alam ko na yung lugar na yon.


Bus pala ang mga sinasakyan dito hindi jeep.


"Kanina ka pa hawak ng hawak sa tiyan mo, ayos ka lang ba? kumain ka na ba?" ano sasabihin ko na ba sakanya na sumasama na naman ang tiyan ko?


"Kanina pa umiiyak kili-kili ko kenneth huhu"


"HAHAHAHAHA ano ba kase nangyayare sayo?" inakbayan niya ako at nakangiting tumingin sakin


"Uwi na tayo" sabi ko na nanghihina na


"Huh? ano ka ba interview mo ngayon diba? hindi ka na nga pumunta ng isang araw"



"Oo eh kaso, kumukulo nanaman yung tiyan ko. May Lbm ata ako"


"Kumain ka na ba?"


"Pizza"


"Ilan?"


"Isa"


"Tsk. dapat kumain ka ng madami! teka ibibili kita" pabitaw na siya ng kamay niya pero bigla kong hinawakan ulit


"Wag na, uwi na tayo. Kapag kumain lang ako ulit. Lalo lang ako matatae" sabi ko habang hawak-hawak yung tiyan ko. Ngumiti siya sakin at ginulo ang buhok ko.


"Tara na nga, umuwi na tayo" sabi niya at umuwi na kami.


730 Days with Andrea SantosWhere stories live. Discover now