[ 35.2 ] Hero

10.3K 223 65
                                    

Chapter 35.2: Hero

Habang hawak ni ZAC ang phone niya at tinitingnan ito ay nagmadaling tumakbo palabas ng kwarto si Steffi at hinanap ang anak. Nauna siyang pumunta sa kwarto nito at nakita niya ito doon na naglalaro ng manika.

"Hi Mommy!" sigaw ng anak niya.

"Faye, we're leaving this house, okay? Just follow what Mommy will say"

"Yes, Mommy."

Hinawakan ni Steffi ng mahigpit ang kamay ng anak at hinila niya ito pero paglabas niya ng kwarto ay bumulaga sa kanya si ZAC na galit na galit.

"Z-ZAC.."

"Where are you going?! Aalis kayo at iiwan niyo ako dito mag-isa?! Hindi! Hindi kayo makakaalis sa bahay na 'to! Akin lang kayo!"

"Oo! Aalis na kami sa bahay na 'to! Iiwan ka na namin at hindi na kami babalik pa!" matapang na sinabe ni Steffi.

Hinawakan ni ZAC ang buhok niya at hinila ito.

"Aray! Nasasaktan ako!" sigaw ni Steffi.

Binitawan ni Steffi ang kamay ng anak nang hilain siya ni ZAC pababa ng hagdan. Dahil sa ingay na naririnig ay nagsilapitan doon ang mga katulong para tingnan ang nangyayari. May katulong din na lumapit kay Faye para bantayan ito.

"Mommy!" sigaw ni Faye.

"Don't come near me, Faye!" sigaw ni Steffi.

Tinukod ni ZAC ang likod ng tuhod ni Steffi para mapaluhod ito. Nakahawak pa din ito sa buhok niya at hawak ni Steffi ang kamay ni ZAC dahil nasasaktan siya sa ginagawa nito.

"ZAC, mahiya ka naman sa kanila," mahinang sinabe ni Steffi.

"Anong ikakahiya ko?! Wala akong dapat na ikahiya. Ikaw ang matutong mahiya, Steffi!"

Hinila ni ZAC ang buhok niya papunta sa likod para mapatingin sa kanya si Steffi.

"ZAC, nasasaktan ako. Tama na!" makaawa niya.

"Walang aalis sa inyo! Manood kayo sa gagawin ko sa kanya!" utos ni ZAC sa mga kasambahay.

Walang magawa ang mga katulong kung hindi tumayo lang doon. Natatakot din sila kay ZAC at sa maaaring gawin nito. Gusto man nilang tulungan si Steffi ay hindi nila magawa.

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon