TPP : 58

45.7K 1.2K 18
                                    

The Powerful Princess
Chapter 58: Letter from Kim
______________________________________

Someone POV (4) / Kim POV

Nandito ako ngayon sa loob ng selda kasama ang aking pinsan at mga kaibigan.

"Ano ang nilagay mo sa sulat" tanong ni Yeon saakin.

"Basta" sabi ko na lang.

"Kailan ba tayo makakalaya dito? Kailangang makaalis tayo dito bago dumating ang digmaan" sabi ni Eun

"At baka ano na ang gawin ng mga traydor yun kay Jessica" sabi ni Miguel.

"Ito talaga si Miguel! Walang mangyayari sa magiging asawa mo. Kasama nya ang mga kaibigan nya, sina Anica, Cassandra at Ella" sabi ni Min

Tumahimik nalang si Miguel.

"Oh paano na? Ano ang plano para makalaya tayo nito?" tanong ni Gabriela

"Wala tayong gagawin kundi hintayin natin na kumilos sya para saatin" sabi ko sa kanila na ikinataka nila.

Humanda kayo kapag nakalabas kami dito!


__________________________________

Anica POV

Ilang linggo na ang nakalipas at ngayon ang huling training namin dahil bukas ay ang paghahanda.

"Ngayon gusto naming apat na by partner na maglalaban" sabi ko sa kanila.

Tumango sila at sinimulan na namin silang ipartner. Matapos iyon ay pinaglaban laban namin sila.

***

Tapos na ang laban at nagpalakpakan kami para sa mga nanalo.

"Kahanga-hanga! Ang lalakas nyo na! Okay lang naman ang matalo dahil hindi naman natin ito tototohanin. Sige magpahinga na kayo dahil bukas kailangan natin maghanda" sabi ni Ella

"Opo" sagot nilang lahat.

Nagpaalam na sila at umalis na ng training area namin. Umupo muna kaming apat sa sahig at pabilog ang ayos ng upo namin.

"Ay oo nga pala Jessica, diba aalis ka bukas?" sabi ni Ella na ikinatango ni Jessica

"Sino nga ulit yung Tito, Tita at yung isang pinsan mo?" tanong ni Ella

Oo nga pala, tulog na siya that time na sinabi ni Jessica.

"Ah! Wala ka nga pala nung sinabi ko kay Ate Anica, pati rin ikaw Cassandra. Sina Tito Ashton, Tita Mitchella, at Cassandra" sabi ni niya

"Aray!"

Napatingin kami kay Ella na ngayong nakahawak sa ulo nya.

"Araay!"

Lumapit agad kami sa kanya.

"Ate Ella, ayus ka lang po?" nag-aalalang tanong ni Jessica.

"H-hindi k-ko.. aray!!...a-alam b-basta b-bigla na-lang su-makit ang u-ulo k-ko..araay!!!!" nahihirapang sabi ni Ella

"Ate gawin mo na" bulong saakin ni Cassandra dahilan mapatingin ako sa kanya.

Tumingin ako kay Ella at hinawakan ang ulo nya. Pumikit ako at ilang segundo lang ay dumilat na ako habang hinihingal. Binigyan naman agad ako ni Cassandra ng tubig na agad ko namang ininom.

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon