TPP : 03

81.3K 2.3K 78
                                    

The Powerful Princess
Chapter 03 : Letter
______________________________________

Anica POV

"Nakita mo ba kung sino ang pumatay sa mga dark magicians at creatures?" tanong ni Arron


"Huh? Hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niyo" kunwaring nagtataka ako.

Nagkatinginan naman sila

"Ah eh, ang ibig niyang sabihin ay yung mga taong nakablack tapos kulay pula ang mata. Nakita mo ba kung sino ang pumatay sakanila?" tanong ni Lyra

"Ah? Pasensya na, walang nilalang na ganyan ang pumunta dito. Wala ring patayan ang nangyari dito. Pero ang weird nga eh, parang may nakalimutan kami" sabi ko na tila walang naaalala.

Nakita kong nagkatinginan sila na animo'y may ideya sila sa mga nangyayari.

"Ah sige salamat. Sige aalis na kami" paalam ni Maxenne

Tiningnan ko lang sila habang naglalakad. Mukhang mag-uusap pa ata.

"Iba syang tao, hindi ko mabasa ang iniisip nya" sabi ni Christian

"Hmm ang mysterious nya pala kung ganun" sabi ni Maxenne

"Nagsasabi kaya sya ng totoo?" sabi ni Lyra.

"Hindi tayo sure" sabi ni Stevan

"Pero batay sa kwento nya mukhang tinanggalan sila ng alaala" sabi ni Sabelle

"Yeah, imposibleng hindi susugod ang mga iyon dito. Siguro ngang tinanggalan sila ng alaala kasi tingnan nyo ang paligid, parang walang nangyari" sabi ni Arron

Tumango naman sila bilang sang-ayon kay Arron.

"Kailangan natin ito ibalita" malamig na sabi ni Delixean.

Umiwas na ako ng tingin ng makita kong pumasok na sila ng gubat. Tumayo na ako at naisipan munang mag-ikot. Baka kasi balikan ako ng mga yun.

Nang mapansin kong magdidilim na, napagdesisyunan kong umuwi na.

Sa aking paglalakad, nararamdaman kong may sumusunod saakin.

Walang duda, mga dark magicians ang mga ito.

Hindi pa ata tapos ang pakay nila dito. Hindi ko nalang sila pinansin at binilisan ko nalang maglakad.

Malapit na ako sa aking bahay ng maramdaman kong nawala na ang mga sumusunod sa akin. That's good.

Mabilis akong tumakbo papasok sa bahay at mabilis na sinarado ang pintuan.

Ano na naman kaya ginagawa nila dito?

Naisipan kong kumain muna dahil nararamdaman kong nagugutom na ako.

Mabilis ang aking mga pagkilos kaya pagkatapos ko kumain, pumasok na ako sa aking kwarto.

Umupo ako sa aking kama at tumapat sa aking bintana. Binuksan ko ito at pinagmasdan ang napakagandang buwan. Bilog na bilog ito habang nakapalibot ang malarainbow na kulay.

Napayakap ako sa aking sarili ng biglang lumakas ang hangin. Lumalamig na rin. Naisipan kong isarado na ang bintana ngunit hindi ko na ituloy.

May isang ibon ang pumasok saaking kwarto habang ito ay may kagat na papel sa kanyang bibig. Pinagmasdan ko itong umiikot sa loob ng kwarto ko hanggang ito ay pumatong sa balikat ko at hinulog ang papel na nasa bibig niya. Tiningnan ko lang itong lumipad palabas na agad ko naman isinarado ang bintana.

Kinuha ko ang papel at tiningnan ito ng mabuti. Sana naman hindi ito bad news.

Nakita ko ang aking pangalan sa papel. Hindi na ako magtataka kung ito ay gawa sa mahika dahil kumikintab kintab pa ito. Binuksan ko ito dahil nakatupi at sinimulang basahin ang nakasulat.

"Dear Anica,

Alam ko anak na alam mo na magulo sa Magical World. Tumira ka sa Mortal World para mamuhay ng tahimik. Ngunit kailangan mong bumalik sa Magical World at mag aral sa Magica Academia, dahil kailangan nila ng tulong mo. Nagmamaka-awa ako anak, para sa amin ng papa mo. Sana pumunta ka sa Magical World, at saka isuot mo ang kwintas na kasama nito para madagdagan ang iyong kapangayarihan.
Mag ingat ka anak, palagi lang kaming nandito ng papa mo, mahal ka namin.

-ang iyong inay"


Hindi ko mapigilang tumulo ang aking mga luha dahil sa aking nabasa. Pangalawang beses na ito, na ako'y pinadalhan ng sulat galing kay inay.

Pero hindi ito dapat ang problemahin ko. Sabi ko na nga bang, hindi maganda ang kutob ko dito. Hindi ko alam kung magiging tama ang desisyon ko kaya kinakailangan kong pagbutihin ang pagdedesisyon. Hindi ako makakapag-isip ngayon ng mabuti. Mas magandang bukas ko nalang ito aalalahanin.

Tiningnan ko ang kwintas na tinutukoy ni inay at sinuri ng mabuti. Ramdam kong may napakalakas na aura ang meron ito, idagdag pang gawa ito sa crystal. Napakagandang tingnan lalo pa't nakasulat ang aking pangalan.

Kinuha ko na ito at isinuot saaking leeg. Hindi naman ito hahanapin dahil kapag iyong titingnan, para lamang itong ordinaryo na kwintas na nakaukit ang aking pangalan. Kung ito ay hinahanap ng mga kauri ko, mukhang malabong mangyari. Walang kaalamalam ang mga magicians tungkol dito kaya ligtas lamang itong isuot ko na hindi tinatago.

Agad kong itinago ang sulat ni inay at humiga na sa aking kama. Naalala kong alam niyong patay na ang aking mga magulang ngunit nakapagtataka dahil napapadalhan ako ng aking inay ng sulat? Hindi na mahalaga kung ika'y patay na sapagkat hindi iyon hadlang para ika'y magpadala ng sulat kung ika'y may kakayahang makapagpadala o kung ika'y isang malakas na magicians. Sabihin na nating, patay na sila ngunit tanging kanilang mga katawan lamang iyon pero ang kanilang spirits o kaluluwa ay buhay pa. Ang pinagkaiba, nasa ibang mundo na sila. Gaya ng sinabi ko kanina, ang tanging makakapagpadala lamang ay ang mga magicians na may kakayahan at may lakas na kapangyarihan. Remember, walang imposible sa mundo ng mga mahika.

Umayos na ako ng higa at iwinaksi ko muna sa aking isipan ang aking mga nabasa. Kailangan kong ipagpahinga ang aking isip para hindi ako magsisi sa huli kapag ako'y nagdesisyon na. Hindi ko na alam kung ano ng nangyari matapos akong lamunin ng dilim.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now