TPP : 30

56.9K 1.6K 19
                                    

The Powerful Princess
Chapter 30: Potion
__________________________________

Third Person POV

Sa Magica Academia ay tahimik na nag aaral ang mga estudyante. Marami sa kanila ang nagtataka kung bakit hindi nila nakikita ang mga Royalties pati na rin ang mga transferees na sina Anica at Ella at sila Nicole.

Hindi ipinaalam sa mga estudyante ang dahilan ng pagkawala nila pero alam ng karamihan ay sila ay nasa isang mission dahil iyon ang kadalasang ginagawa ng mga Royalties.

Hindi lamang ang pagkawala ng mga Royalties ang pinagtataka nila kundi na rin ang pagpapakita ng masamang nilalang sa kanila ay hindi na muli pang nagparamdam dahilan sila ay mabahala. Sa tingin nila ay siya ay nagplaplano na ng masama laban sa kanila.

Sa kabilang dako naman kung saan ang mga nakakataas na posisyon kasama ang mga Hari, Reyna at si HM ay nagsasagawa ng pagpupulong ukol sa isang programa na kanilang gagawin.

Matagal din ang inilaan nilang oras dito dahil hindi lamang ukol sa programa ang kanilang pinag-usapan, kasama na doon ang pagpapakita ng masamang nilalang.

Sa kabilang Academy naman na ang tinutukoy ay ang Athena Academy ay may isang nilalang ang nasasaya dahil sa tuwa niya. Tuwang tuwa siya dahil nasasagawa niya ng maayos ang kanyang mission. Tuwang tuwa siya dahil na sa kanya na ang lahat.

______________________________

Anica POV

Today is friday. As of now, apat na crystals na ang aming nakita. Nung unang crystals ay ang kina Christian at Maxenne at ang sumunod ay ang crystals nina Lyra at Stevan. Noong nakaraang araw lang namin nakita ang crystals nila. Sa aming paglalakbay, nakita namin ang mga iyon sa field. Mabuti na lamang at walang nakakita sa mga crystals dahil kung meron man, panigurado ay wala na ito doon. Kaya apat na crystals na ngayon ang nasaakin.

Anyway, right now, nandito kami ngayon sa aming classroom at may nagtuturo na saamin. Wala akong ganang makinig kaya nakatingin ako sa may labas.

"Ate Anica"

Napatingin ako kay Ella nang tawagin niya ako. Itinuro niya ang nasa harapan gamit ang kanyang nguso dahilan para mapatingin ako doon at mapag-alaman kong nakatingin na pala saakin ang lahat.

"Are you with us Ms. Anica?!" galit na sabi ng aming guro.

Sabihin ko mang hindi ay tumango pa rin ako.

"Kung nakikinig ka nga, ikaw ang unang gagawa ng potion dito sa harapan!" inis na sabi nya.

Actually, Potion Class namin ngayon at healing potion ang kanyang itinuturo saamin. Madali na ito saakin kaya tumayo na ako at tumungo sa harapan. Umupo ako sa upuan na nakahanda dito sa harapan at tumingin sa lamesang nasa harapan ko. Naroon na ang lahat ng mga gagamitin para sa healing potion. May limang kasangkapan ang kailangan para magawa ang healing potion at iyon ay ang tubig, buhok, dugo, floweal o flower heal at ang pixels. Ang unang kailangan gawin ay magpakulo ng tubig. Kapag kumulo na ang tubig, kailangan mo ng dugo na kung saan pwedeng dugo mo o ang dugo na nakareserve na. Mas pinili ko na dugo ko ang gamitin at ilagay iyon sa kumukulong tubig. Naisip ko na maraming healing potion ang aking gagawin kaya maraming dugo ang ikinuha ko saakin. Hinalo ng hinalo ko lamang ito habang hinihintay na kumulo ulit ito.

Hindi naman nagtagal at kumulo ulit ito. Inilagay ko ang floweal at ang buhok ko na kung saan katulad din sa dugo na pwedeng iyong buhok o ang buhok na nakahanda na. Pero gaya din ng kanina, kumuha ako ng ilang hibla ng aking buhok at iyon ang inilagay. Hinalo ng hinalo ko ulit iyon at hintayin na kumulo ulit sa pangatlong  pagkakataon. Nang ito ay kumulo na ulit, isinunod ko namang inilagay ang huling kasangkapan at iyon ay ang pixels. Tulad ng kanina, hinalo ng hinalo ko rin ito at hihintayin na namang kumulo sa huling pagkakataon.

Nang sa wakas ay kumulo na, pinatay ko na ang apoy at ito ay isinalin sa mga bote. Naka-50 na bote ang nagawa kong healing potions kung kaya't inilagay ko sa aking shoulder bag ang 49 na bote habang ang isa ay ibinigay sa guro namin. Kinuha naman niya ito.

"Ms. Anica, ikaw ang susubok nito" sabi niya.

Tsk. Kinuha ko sa kanya ang bote na hawak niya dahilan para makita ko ang pagkainis niya.

"Palpak yan" rinig kong bulong niya.

Magsisimula na sana ako ng may nagtaas ng kamay.

"Yes Mr?" tanong niya

"Luke" sabi ng nagtaas ng kamay.

"Yes Mr. Luke" sabi niya.

"Ma'am, diba po sabi nyo po kulay green po ang healing potion? Pero bakit po kulay violet ang kanya? Ibig po bang sabihin, mali po ang pagkagawa nya?" tanong ni Luke

Ang totoo niyan, kulay lila ang healing potions na nagawa ko kasi ang alam kong alam nilang totoong kulay ng healing potion ay kulay luntian. Sa pagkakaalam ko, ang kulay luntian na healing potion ay kaya lamang magpagaling ng mga sugat at sakit samantalang ang kulay lila na healing potion ay kayang magpagaling ng mga malalang sakit na pwede mong ikamatay.

"Hindi ko alam Mr. Luke kung bakit violet ang kanya. Hindi ko alam kung saan nya ito nakuha, sa buhok ba o sa dugo? sa tanong naman na mali ba ang gawa nya ay hindi natin alam kaya ipapasubok natin sa kanya" sabi ni ma'am habang nakangisi siya.

Tiningnan ko sina Ella at Jessica at napansin kong naging seryoso ang mukha ni Jessica. Inalis ko na lamang ang tingin ko sa kanya at sinimulan ko ng gawin ang dapat na gawin.

Malalim na sinugatan ko ang aking braso pero hindi ko ito nararamdaman. Nakita kong napangiwi ang mga nakakita pero hindi ko na pinagtuunan ng pansin iyon.

Nilagyan ko na ng healing potion ang aking sugat na naging dahilan para umilaw ang aking sugat. Mabilis namang nawala ang liwanag dahilan makita ng lahat na nawala na ang aking malalim na sugat na naging dahilan para sila ay magulat at mamangha.

"Paano--"

Hindi na natapos ni ma'am ang kanyang sasabihin ng tumunog na ang bell.

Tumayo agad sina Ella at Jessica at sabay kaming lumabas ng classroom. Dumeretso kami agad sa Eating Area at agad na kumain.

Matapos namin kumain ay dumeretso kami sa aming dorm dahil wala kaming balak pumasok ngayon. Tinatamad na kasi kami at paulit ulit na lamang ang itinuturo.

Umupo agad ako sa sofa ng makarating na kami sa aming dorm.

"Ate Anica"

Napatingin ako kay Jessica ng magsalita siya.

"Paano po iyon nangyari na ganun ang kulay ng healing potion mo po?" takang tanong niya.

"Alam kong itatanong mo iyan. I know na alam mo na kapag ganun ang kulay ng potion ay nakabase iyon sa dugo natin. It's mean na kulay lila ang kulay ng dugo ko" sabi ko sa kanya.

"Pero, mga ninuno lamang nang mga nakatira dito sa Athena Academy ang may ganyang mga dugo. Kasama na ang aming angkan" sabi niya.

"Jessica" sabi ni Ella kay Jessica dahilan tumingin si Jessica sa kanya.

Tumayo ako dahilan tumingin saakin ang dalawa.

"Hindi ko muna masasagot ang tanong mo sa ngayon, Jessica. Pumasok na kayo sa mga kwarto niyo, magpapahinga na ako" sabi ko at pumasok na saaking kwarto.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now