TPP : 07

74.4K 2K 68
                                    

The Powerful Princess
Chapter 07 : Winter Forest
___________________________________

Delixean POV

Nandito ako ngayon sa Dining Hall, kasama ang mga kapwa kong Royalties. Kanina pa kami nandito mula nang umalis si Anica. Kanina pa kami nagtataka tungkol sa kanya simula nung nasa HM Office pa kami.

"She's so mysterious" komento ni Sabelle.

Yeah, she's right.

"Tama" pagsang-ayun ni Arron

"I'm sure, she has an idea about Cassiopeia and decided to act like she doesn't know" sabi ko sa kanila na ngayong ang lalalim mag isip.

"Hayys bukas na lang yan. Tara na dahil maaga pa tayo bukas" aya ni Stevan.

Tumayo na kami at nagsimula ng maglakad papunta sa aming dorm.

Sino ka ba talaga Anica? Why do I have this feeling that I know you?

Oh by the way my name is Dean Callixter Sean or Delixean for short


_______________________

Anica POV

Ngayon na ang araw ng simula ng aming mission. Naglalakad ako ngayon papunta sa HM Office habang ako'y may suot na earphone at nakikinig ng musika.

♪♪♪Do you remember when♪♪♪
♪♪♪I said i'd always be there♪♪♪
♪♪♪Ever since we were ten, baby♪♪♪

Naalala kong ako'y bata pa, may mga kaibigan ako. Isa sa mga kaibigan ko ang nagsabi na lagi lang daw siyang nasa tabi ko. Nakakatuwa diba?

♪♪♪When we were out of the play ground♪♪♪
♪♪♪playing pretend.♪♪♪
♪♪♪I didn't know it back then.♪♪♪

Ito yung mga panahong masaya kaming naglalaro. Hindi ko akalain na doon magsisimula ang  aking nadarama sa kanya. Ang corny.

♪♪♪Now i realize you are the only one♪♪♪
♪♪♪ It's never too late to show it♪♪♪

Huli na nang malaman ko ang tunay na nadarama ko sa kanya. Pero hindi siya nabigo sa kanyang ginawa.

♪♪♪ Grow old together♪♪♪
♪♪♪Have feelings we have before♪♪♪
♪♪♪Back we when so innocent♪♪♪

Wala kaming kaalam-alam na iyon na pala ang huling araw na makakasama ka namin. Ang lungkot noh? Pero kahit papaano, naiparamdam mo saakin ang iyong nararamdaman.

Hindi ko namalayan na nakarating na ako sa HM Office. Masyado ko kasing inisip ang aking nakaraan.

Hinawakan ko ang aking mukha at nakapa ko nalamang na ito'y basa. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Ang manhid ko na pala para hindi maramdaman iyon. Masyado ata akong naapektuhan sa kantang iyon. Napagdesisyunan kong punasan ang aking mukha at itago ang earphone.

Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pintuan at binuksan ito. Napansin kong ako nalang pala ang kulang.

"Dahil kumpleto na kayo ngayon, tara na sa portal room" aya saamin ni HM

Tiningnan ko ang mga Royalties at sumunod sa kanila. Pagdating namin sa Portal Room, may portal nang naghihintay saamin.

"Mag iingat kayo doon dahil may makakalaban kayo. Sige na, good luck!" sabi ni HM

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now