TPP : 25

57.1K 1.7K 31
                                    

The Powerful Princess
Chapter 25 : Athena Academy
_____________________________________

Anica POV

Ugh. The day has come.  Nandito kami ngayong lahat sa harapan ng gate kasama ang HM.

"Dahil kumpleto na kayo, sisimulan niyo na ang mission niyo. Nasa Athena Academy ang mga pinahahanap ko at kapag nahanap nyo na bumalik na kayo dahil itatago natin dito. Hindi na safe ang Athena Academy lalo na't wala doon ang nagmamay ari ng school" sabi ni HM dahilan para magsitanguan sila.

Athena Academy...

"Sige, mag-ingat kayo mga bata" sabi ng HM at umusog para makita at makapasok na kami sa portal.

Naunang pumasok sa portal sina Maxenne, Christian at Mikaela. Sumunod sa kanila sina Stevan, Lyra at Jericho. Sumunod din sina Paul, Sabelle at Arron. Pagkatapos, sina Nicole, Delixean at Ella naman ang sumunod.

Tsk. Napailing na lamang ako. That girl. Iniwan ako.

Tumingin muna ako kay HM

"How can you say if that place is not safe anymore? If no one handle that place, then that is not a reason to conclude that their place is not safe anymore" seryosong sabi ko sa HM bago pumasok.

Iniluwa ako ng portal sa harap ng school.

This must be the Athena Academy.

Tiningnan ko ito at masasabi kong inaalagaan nila ito. Napatingin ako sa may gate at doon ko sila nakita. Lumapit ako sa kanila dahil mukhang ayaw sila papasukin. Mahigpit pala dito.

Nang tuluyan na ako makalapit, naririnig ko na ang kanilang pinagsasabi

"Ma'am, sir, pasensya na po pero hindi po kami nagpapapasok ng basta basta" sabi ng isang guard

"Pero kuya, Royalties po kami sa Magica Academia at inutusan po kami ng aming HM na pumunta dito" sabi ni Sabelle

Tsk. Tingin nila magagamit nila ang pagiging Royalties? So poor.

"Hihintayin nalang po namin ang sasabihin ng Headmistress" sabi ng isang guard dahilan para magtaka sila at magseryoso ako.

Akala ko ba walang nagbabantay?

"Diba kuya wala na ang Headmistress?" takang tanong ni Ella

"Ah oo, dati na wala sya pero bumalik sya dito at pinagpatuloy ang pagmumuno sa Athena Academy" sabi ng guard dahilan para mapakuyom ang aking kamao.

"Ano po ang pangalan ng Headmistress nyo?" tanong ni Ella.

"Ah si Headmistress Athena Celestine po" sagot naman nya

Oh F*ck.

Naglakad ako papunta sa dalawang guard dahilan mapunta saakin ang atensyon nila. Napatingin ako kay Nicole ng makita ko siyang nakangisi pero nawala din ng makita niya akong nakatingin sa kanya. Humarap ako kay kuya guard.

"Papasukin mo kami" seryosong sabi ko.

Nanlaki naman ang mga mata nila.

"Pero hindi po pwede" sabi nya.

Huminga ako ng malalim.

"I have a letter" sabi ko at kinuha saaking bag ang letter na nakahanda kanina pa.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now