TPP : 21

58.8K 1.6K 28
                                    

The Powerful Princess
Chapter 21 : I'm Back
__________________________________

Anica POV

Isang taon na ang nakakalipas at isang taon na rin ako dito sa Mortal World. Ngayong araw ang napag-isipan kong bumalik na sa Magical World kaya naghahanda na kami ni Ella saaming pag-alis. 

Natapos na kami sa aming pag-iimpake at tanging mga shoulder bag lang namin ang aming dadalhin. Binigyan ko ng bagong bag si Ella dahil walang enerhiya ang dati niyang bag.

Matapos namin maghanda, isinuot ko ang aking kulay lila na salamin, ganun din ang kulang pink na salamin ni Ella. Tulad kanina, binigyan ko rin siya ng bagong salamin dahil hindi M-GLASSES at E-GLASSES ang kanyang salamin. Ngayon ay suot na namin ang aming M-GLASSES dahil tulad ko, may kulay din ang buhok at mata niya at ito ay kulay pink.

"Ready kana ba, Ella?" tanong ko sa kanya.

Tumango naman sya. Nagsimula na kaming maglakad papunta saaking kwarto hanggang sa kami ay makarating.

"πορταλ" pagcast ko dahilan para magkaroon ng portal.

"Let's go?" tanong ko dahilan para tumango siya.

Hawak kamay kaming pumasok sa portal at inuluwa kami nito sa harap ng HeadMaster Office. Sinadya ko talagang dito kami lumabas dahil tinatamaan na naman ako ng katamaran sa paglalakad.

Agad akong kumatok ng tatlong beses sa pintuan bago ito binuksan. Pumasok naman kami ni Ella at pinagmasdan ko ang paligid.

Wala paring pinagbago, ganun pa rin ang ayos ng lahat.

"Oh! Welcome back, Anica! Sino yang kasama mo?" sabi ni HM na may kasamang tanong.

"Kapatid ko ho. Si Ella Scientele" pakilala ko na tinanguan lang ng HM.

Napag-usapan na namin ito ni Ella na pansamantala muna kaming magpapanggap bilang magkapatid. Baka kasi kapag Luis ang ginamit niya, mapagkamalan pang magpinsan sila ni Christian.

"HM, doon ho kami sa dorm ko dati" sabi ko dahilan para tumango ulit siya.

"Here, ito ang susi ng dorm nyo at sched nyo. Alam naman ni Anica ang dorm no. nyo kaya no need to say it" sabi ni HM

Tumango lang kami ni Ella at nagpaalam na sa kanya saka lumabas ng Office. Nagsimula na kaming maglakad papuntang dorm.

Habang naglalakad kami ni Ella, wala kaming nakakasalubong na mga estudyante dahil class hour ngayon. Binilisan na lang namin ang aming paglakad kaya agad kaming nakarating sa aming dorm. Ako na ang nagbukas ng pintuan saka kami pumasok sa loob.

Pinagmasdan ko ang aking dorm at napangiti na lamang ako ng makita kong ganun pa rin ang ayos nito ng iwan ko ito pero nagkaroon nga lamang ng dalawang kwarto. Yung isang kwarto na kulay pula ay malamang yun ang aking kwarto habang yung nadagdag na kwarto ay kulay pink na halatang kay Ella.

Dumeretso agad kami ni Ella sa aming kwarto. Agad kong iniligpit ang aking mga gamit. Matapos iyon, pinalitan ko ng kulay lila ang aking pulang kwarto. Gusto kong ilabas na ang tunay na kulay ng aking mahika kaya pinalitan ko na ang lahat ng bagay na kulay pula (dahil iyon ang inaakala nila) at gawing kulay lila. Matapos ko iyon gawin, lumabas ako ng aking kwarto at nadatnan kong kakalabas lang din ni Ella sa kanyang kwarto.

"Punta tayo ng garden" aya ko sa kanya.

Tumango naman siya dahilan para ayain ko siya pumasok sa aking kwarto.

"Akala ko ba ate sa garden? Eh bakit sa kwarto mo?" takang tanong niya.

Nginitian ko lang sya at ginawa na ang dapat gawin para magpakita ang pinto. Binuksan ko naman ang pinto nang lumitaw ito at pumasok kaming dalawa ni Ella.

"Wow!" iyan ang salitang lumabas sa bibig niya ng makita nya ang Fairies Garden.

"Tara, ipapakilala kita kay Juliana" sabi ko sa kanya dahilan tumango siya at sumunod saakin papunta sa trono ni Juliana.

"Juliana" tawag ko sa kanya dahilan para magpakita siya saamin.

"Oh! Welcome back, Anica. Sino yang kasama mo?" tanong niya.

"Ah si Ella Scientele. Scientele ang gamit nyang surname dahil kailangan naming magpanggap na magkapatid" paliwanag ko sa kanya.

Actually, hindi ko na dapat sinabi pa dahil may ability si Juliana na malaman ang totoong pagkatao mo kahit anong gawin mo pa, wala paring silbi iyon para hindi malaman ni Juliana ang tungkol sayo. Tumango lang si Juliana marahil ay nabasa na niya ang pagkatao ni Ella.

"Hi Ella! Ako nga pala si Juliana, ang reyna ng mga fairies" sabi nya kay Ella na nginitian lang siya at tinanguan.

"Juliana, magpapahinga lang muna kami sa garden niyo" paalam ko sa kanya na pinayagan naman kami.

Naglatag si Ella ng sapin sa damuhan at doon kami humiga.

"Ganito pala ang pamumuhay dito sa Magical World ate" sambit ni Ella at tumingala sa langit.

Tumingala rin ako at pinagmasdan ito.

"Oo pero alam kong may masamang mangyayari dahil nabalitaan ko na nagpakita ang pumatay sa mga hari at reyna" sabi ko sa kanya.

"Kaya nga po ate eh. Baka magkakaroon nanaman ng digmaan. Talagang gusto nyang sakupin ang Magical World pati narin ang Mortal World" sabi nya.

Tiningnan ko siya at ngumiti.

May ideya rin pala siya sa mga nangyayari dito kahit nasa Mortal World siya dati.

"Maraming pagsubok ang dadating. I'm sure na magtraitraining na ang lahat ng magicians ngayon dahil sa babala nya" sabi ko at tumingin ulit sa langit.

"Hmm ate, pwede po ba dito matulog?" tanong nya dahilan tumingin ako ulit sa kanya.

"Oo naman. Tara, doon tayo sa kubo matulog tutal maggagabi na rin" sabi ko at tumayo na.

Tumango naman sya at pumunta na kami sa loob ng kubo. Inayos muna namin ang aming higaan bago kami humiga. Kitang kita mula dito ang langit. Hindi lang simpleng langit kundi malarainbow ang kulay na ito.

Dito saamin, kulay sky blue ang langit dito kapag sa umaga. Kapag hapon naman, kulay orange ang langit. Kapag sa gabi, gaya ng sabi ko ay malarainbow ang kulay ng langit. Kapag may nagaganap na digmaan dito saamin, nagkukulay itim ang kalangitan at kapag kulay lila naman ang kalangitan, may namamatay na magicians.

Umayos na kami ni Ella sa aming paghiga. Ipinikit ko ang aking mga mata at hinayaan kong lamunin ako ng dilim para makatulog na.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now