TPP : 43

50.5K 1.4K 36
                                    

The Powerful Princess
Chapter 43: Sean Villeria
____________________________________

Someone POV (4)

"Saan ka galing Sean?" tanong ko sa kanya ng dalawin niya kami.

"Sakanya" walang emosyon sagot niya.

Nagkatinginan kami ng pinsan ko at tumingin sakanya.

"Ano ginawa mo? Nagpakita ka ba?" tanong ko at binigyan niya lamang ako ng iling.

"Nagpanggap ako bilang si Dean kaya naisayaw ko sya, pagkatapos..."

Hindi na niya natapos ng bigla siyang tumingala. Tiningnan lamang namin siya.

"Ano ba ang ginawa mo?" mahina kong tanong.

"Pinadalhan ko sya ng sulat at hindi ko pala kayang makita syang umiiyak" mahinang sabi niya.

Napahawak ako sa selda at nilusot ang kamay ko para mahawakan ang balikat nya.

"Hayaan mo na, mabuti na yung alam nyang buhay ka pa" nakangiti kong sabi

"Pero malalaman nya ang mga ginagawa ko at baka kamuhian nya ako" sabi niya

"Kapag natapos ko na ang gagawin ko, kakausapin ko sya" dagdag pa niya at tumalikod saamin para umalis na.

Tiningnan ko lang ang likod nya hanggang sa mawala sya.

Si Anica yun Sean. Alam nating hindi ka niya kayang kamuhian...

Napaharap ako sa pinsan ko

"Saan yun pupunta?" tanong nya

"Babalik na ata sa trabaho" sabi ko at sumandal sa pader.

Kahit yan ang ginagawa mo Sean, mapapatawad kita dahil alam namin na may dahilan ka kaya mo iyan ginagawa.

Hindi malabong ganun din ang gawin niya sayo.











____________________________________

Sean POV

"Saan ka pupunta pare?" tanong ng kasamahan ko.

"May hahanapin lang" walang emosyong sabi ko at nagteleport sa likod ng Magica Academia.

Agad akong nag-invisible at sineal ang aking aura. Tiningnan ko ang pader at napangiti. Mukhang ngayon ko lang naisipan dumalaw ulit dito ah

Natawa nalang ako at hinawakan ang pader dahilan magbukas ito. Pumasok ako sa loob at pinagmasdan ito. Pumunta ako sa gilid at umupo. Namiss ko to

Napatingin ako sa may pader ng bumukas ito.

Andito na sila

Nagulat ako ng bigla siyang mapatingin sa gawi ko. Ow shit! Nakalimutan kong nakakakita pala siya kahit mag-invisible ka pa. I'm dead.

Natigilan ako ng makita kong tumulo ang luha niya.

"Ate? Bakit ka umiiyak?" tanong ni Cassandra.

Napatingin ako kay Cassandra. Namiss ko rin ang batang to.

Napatingin ako kay Anica ng unti unti siyang lumalapit sa akin kaya napatayo ako at umatras. Ngumiti ako ng matamis sa kanya saka tumakbo.

Alam kong tumakbo rin sya kaya nagteleport na ako sa may pinto at agad agad na binuksan ang pader at umalis ng Magica Academia.

Patawarin mo sana ako pero hindi pa ito ang tamang oras para tayo ay mag-usap.

____________________________________

Anica POV

"Ate? Sino ba ang hinahabol mo at bakit umiiyak ka?" tanong ulit ni Cassandra

"Nakita ko sya" tulalang sabi ko habang nakatingin sa nilabasan nya.

Nakita ko siya...

Bakit kailangang iwasan mo ko?

Gusto kitang makausap pero tinakbuhan mo ako...

"Sino ate?" tanong ni Jessica

Tumingin ako sa kanya. Nakita kong nakapalibot na pala silang lahat saakin.

"Si Sean" mahinang sabi ko at pinunasan ang luha ko.

"Ate sigurado kabang si kuya Sean yun?" tanong ni Ella

"Oo sigurado ako. Nakita niyo namang bumukas ng mag-isa ang pader diba? Ibig sabihin lang yun, may nagbukas at yun ay si Sean para lumabas"

Huminga ako ng malalim dahil feeling ko, maiiyak na naman ako kaya tumingala ako.

"Hayaan muna natin si Ate. Let's go umpisahin na natin ang training" rinig kong sabi ni Cassandra.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang mga tuturuan ko. Ngumiti ako sa kanila.

"Huwag niyo akong intindihin. Tara na, magsisimula na rin tayo"

Sumunod naman sila saakin at nagsimula na kaming magtraining.

Kailangan ko munang kalimutan si Sean

***

"Time out muna! Magpahinga muna kayo. Kung nagugutom kayo, kumain muna kayo" sabi ko sa kanila.

Pumunta ako sa pwesto nila Ella

"Oh kamusta na?" tanong ko sa kanila at umupo sa tabi ni Ella. Kinuha ko yung tubig ko at ininom.

"Ok lang. Madali naman po sila matuto eh. Sayo po?" tanong ni Jessica

"Same"

"Mabuti naman at makakapaghanda na sila sa darating na digmaan" biglang sabi ni Cassandra dahilan mapatingin sa kanya ang dalawa.

"Paano mo nalaman?" tanong ng dalawa

Napakamot nalang sa buhok si Cassandra at tumingin saakin kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Ah sinabi saakin ni Ate" sabi ni Cassandra

Tumango naman ang dalawa sa kanya.

"Tara balik na tayo sa training" aya ni Ella dahilan tumango kami at pumunta na sa mga kasamahan namin.

"Halina kayo at mag sisimula na ulit tayo" sabi ko sa kanila at lumapit naman sila saakin.

***

"Tama na yan. Bukas na natin ipagpapatuloy. Ipapaulit ko ang physical combat sa inyo kung may nag improve ba sa inyo, understood?" sabi ko.

"Opo!"

"Good. See you tomorrow" paalam ko sa kanila at sabay sabay na kami lumabas.

Lumapit naman saakin ang tatlo.

"So tara na?" tanong ni Ella

Tumango kaming tatlo at pumunta na saaming dorm.

Agad naman ako pumasok sa kwarto ko ng makarating kami sa dorm. Humiga ako sa kama.

"Bakit ganun?" bigla kong tanong sa sarili ko at napaiyak na naman ng maalala ko ang alaala namin.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now