TPP : 36

58.1K 1.5K 49
                                    

The Powerful Princess
Chapter 36: Cassandra Scientele
__________________________________

Anica POV

Finally!

Tanging tunog lang ng aming espada ang maririnig sa loob ng Gym habang mayroong makapal na usok sa paligid namin. Nang tuluyan ng mawala ang makapal na usok, nagulat ang lahat dahil sa kanilang nakikita.

Sino nga ba ang hindi magugulat kung ang nakikita mong nakikipaglaban ay ang namamahala dito?

Bigla siyang naglaho sa aking harapan at nagpakita sa aking likuran dahilan humarap ako sa kanya. Bago niya pa masaksak ang aking tyan ay mabilis kong naidikit sa kanya ang fivio skin dahilan mawalan siya ng malay.

Napansin ko ang biglang pagtahimik ng makitang wala na akong kalaban. Pinagmasdan ko sa sahig ang pitong Celestine.

Sino nga bang mag-aakala na sasali pala sa laban si Athena?

Napailing na lamang ako at tumalikod na. Lumapit na ako kina Ella at Jessica. Ngumiti lamang saakin si Ella habang may gulat sa mukha ni Jessica dahil sa kanyang nakikita pero nagawa niya pa rin akong ngitian.

Napag-usapan na naming umalis na doon at dumeretso sa aming dorm. Kumain muna kami saka natulog.



_________________________

Someone pov (7)

"ANO?! Natalo sila ng isang babae lang?! Napakahina naman nila! Paano na kami dahil damay na kapag natalo sila! Alam naman nilang mahalaga ang daladala nilang pangalan at isa pa, walang magicians na mahinang ganyan! Kaya gawan nila ng paraan yan!" galit na galit na sigaw ko

"Masusunod po" magalang na sabi nya at umalis na.

Nakakainis!

Paano nayan!?

Natalo lang ng isang transferee!

Isa na nga lang di pa nila nagawang iligpit Tsk!

Tsk. humanda sila kapag hindi nila inasikaso iyan.








___________________

Anica POV

Nasa loob kami ngayon ng aming classroom. Bumalik na sa dati ang lahat maliban sa mga Celestine na galit na galit saakin dahil sa nangyari noong friday.

Di ko sila magets. Sila na nga itong nanghamon, sila pa may ganang magalit. Tsk tsk. Ganun siguro nangyayari sa mga taong di tanggap ang pagkatalo.

Nasa kalagitnaan ng pagtuturo ang aming guro ng may kumatok sa pintuan ng classroom. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay masama ito. Sana mali ang kutob ko dito.

Bumalik ang aming guro na may ngiti sa kanyang labi.

"Ok class! May bago kayong classmate. Miss, pasok ka na"

Tiningnan ko ang babaeng pumasok sa aming classroom dahilan mapatampal ako saaking noo.

NO! Ano ginagawa niya dito?! Geez!

"Hello! My name is Cassandra Scientele. Fire is my magic" pakilala ng babae.

Pinanlakihan ko siya ng mata ng siya ay tumingin sakin.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now