TPP : 54

46.2K 1.3K 23
                                    

The Powerful Princess
Chapter 54: Black Dragon
____________________________________

Anica POV

Heto na ang araw ng paligsahan. So far, maganda naman ang kinalabasan ng pagsasanay namin. Sa loob lang ng dalawang araw, naging malakas na ang mga beginners. Nagawa nila akong daplisan isa isa at natutuwa ako dun.

Nandito ang lahat sa field dahil magsisimula na ang paligsahan. Lahat ay kasali dahil hindi pwedeng umayaw ka, iyon ang utos ni HM. Pinagsama ang bawat section at magkahiwalay sa pila ang babae at lalake. Si Cassandra ang nasa dulo ng pila ng babae dahil siya ang matangkad saamin. Ako man ang matanda pero siya talaga ang matangkad saamin. Ako naman ang pangalawang nasa dulo habang nasa harapan ni Jessica si Ella na nasa harapan ko. By height kasi ang pila at sadyang si Ella ang pinakamaliit saaming apat.

"Attention"

Napatingin kaming lahat sa harapan.

"Magsisimula na ang larong ito. Gaganapin ang Challenges sa loob ng gubat" sabi ni HM at tinuro nya ang nasa gilid namin kung nasaan ang gubat na napakadilim.

"Sa gubat na iyon, may makakalaban kayo. Kung sino ang may maraming pinatay sa loob ng 3 hours ay sila ang makakatanggap ng parangal. Kailangan nyong bumalik dito bago maubos ang oras dahil isasarado na ang barrier. NAIINTINDIHAN NYO BA?" sabi ni HM na ikinaisigaw ng mga estudyante dahil sa excitement.

Nagkatinginan kaming apat at saka nagsitanguan.

"Magsihanda na kayo. Bubuksan na ang barrier"

Agad na nagpalit ng mga armor ang mga estudyante maliban saaming apat. Naka pantalon lamang kaming apat na itim at naka damit din na itim. Sinadya talaga namin na itim ang aming suot para sa plano namin.

"At the count of three!
1
.
.
.
2
.
.
3
.
GO!" sigaw ni HM.

Nagsitakbuhan na kaming lahat papasok sa loob ng gubat.

Pagkapasok naming apat, napahawak na lamang kami sa aming katawan dahil sa lamig at idagdag mo pang napakadilim.

Derederetso lamang kami sa paglalakad kahit nakikita namin ang ibang mga estudyante na nakikipaglaban sa mga iba't ibang nilalang, mga nilalang na mababa lamang ang uri.

May nakakasalubong din kami ng kalaban pero sina Jessica at Cassandra lamang ang tumatapos nito.

Iyon ang balak naming apat. Hindi kami makikipaglaban ni Ella dahil silang dalawa lamang dapat.

Patuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa makakita kami ng hindi kanaisnais.

Mukhang dito pa nagpakita ang nilalang na ito ah. Hindi kaya ng dalawa na patayin ang mga nilalang na ito.

Humarap ako sa dalawa.

"Kami na ni Ella ang bahala sa dalawang ito" sabi ko sa kanila na ikinatango nila.

Tiningnan ko ang dalawang nilalang na ito, ang Black Dragon.

Paniguradong nasa kamay na ito ni Dark King.

Ang Black Dragon ay ang dragon ng mga black magicians habang sa aming mga white magicians ay ang White Dragon. Hindi mo basta basta mapapalabas ang Black Dragon dahil may may-ari ito ganun din ang White Dragon. Kaya siguro nandito ang nilalang na ito dahil pinasugod siguro ni Dark King.

Pwede ring ipang tapat sa dragon na ito ang White Dragon kaso sa kasamaang palad, ang prinsesa ng Elemental Kingdom ang may hawak nito kaya may posibilidad na hindi ito maipapalabas kung wala pang nagmamay-ari nito na bago.

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon