TPP : 23

57.6K 1.6K 27
                                    

The Powerful Princess
Chapter 23 : Royalties Room
__________________________

Anica POV

What a nice day.

Right now, naglalakad kami ni Ella papunta saaming classroom. Mabilis naman kami nakarating at akmang bubuksan na ni Ella ang pintuan ng may biglang sumigaw.

"Ella! Anica!"

Sabay na lumingon kami ni Ella sa taong sumigaw saamin. Bago lang siya sa paningin ko pero alam kong, kaklase namin siya.

" Sa R-Room na kayo papasok. Kapag umabot ang level mo ng 90 pataas, sa R-Room na ang classroom niyo" sabi nya at pumasok sa classroom.

"Teleport?" tanong ni Ella.

Tumango lang ako at nagteleport na kami sa harap ng R-Room. Si Ella na ang nagbukas ng pinto at pumasok na kami. Nakita naman naming nandito na ang mga Royalties na nagtatawanan at nagkukulitan. Mabuti na lamang at hindi nila kami napansin.

Dumeretso na lamang kami ni Ella sa likod at doon umupo. Natigil lamang ang mga Royalties ng pumasok si HM.

"Okay. Good at kumpleto na kayo--"

Nahinto sa pagsasalita si HM ng biglang sumabat si Sabelle.

"Wala pa po sila Ella at Anica, HM" sabi nya.

What a weak.

Gusto ko sanang matawa pero ayoko. Tumingin na lamang ako sa labas habang ang katabi ko ay nagpipigil ng tawa. Naramdaman kong itinuro kami ni HM dahilan para maramdaman ko ang tingin nila na nagpagulat sa kanila.

Tsk. Hindi na rin naman ako magtataka kung bakit sila nagulat dahil alam kong hindi nila naramdaman ang aura namin dahil ito ay nakaseal.

"Okay. Dahil kumpleto na kayo, gusto kong malaman niyo kung bakit napaaga ang leveling battle dahil kung sino man ang mga malalakas na magicians ang syang gagawin naming trainor or leader to train the other magicians. Gusto namin na matrain ang mga estudyante dito dahil hindi natin alam kung kailan siya lulusob dahil alam naman natin nagbalik na siya at anumang oras ay pwede niya tayong lusubin" sabi ni HM.

Tiningnan ko lamang siya at bagot na sumandig saaking upuan.

"Sa ngayon, may mission muna akong ipapagawa sa inyo bago nyo itraining ang mga white magicians"

"Kailangan nyong mahanap ang mga crystals. Hindi pwedeng mapunta ito sa ating kalaban dahil ang crystals ang makakatulong sa atin. Sa pagkakaalam ko, ito'y pito lamang"

"Bukas ng madaling araw ang alis niyo. Sa gate tayo magkikita-kita" dugtong na sabi ni HM at naglaho na saaming harapan.

Tumayo na kami ni Ella at lumabas na ng room. Dumeretso kami ni Ella sa Cafeteria at ginawa na ang lagi naming ginagawa.

"Ate Anica. Sa palagay mo po, ilan ang crystals?" tanong ni Ella saakin.

"Ano sa palagay mo?"

"Eh? hmm walo po, eh sayo?"

"I don't know"

Hindi na kami nag-usap pa at pinagpatuloy na lamang ang aming pagkain. Mabilis naman kami natapos kaya tumayo na kami at lumabas na.

Habang naglalakad kami ni Ella, nakasalubong namin ang mga Royalties na may mga seryosong mukha. Hindi sinasadyang marinig namin ang pinag-uusapan nila.

"Bakit kailangan pang sumama nila Ella at Anica kung pito lang ang crystals na tayo ang kukuha?" tanong ni Lyra

"Tsk! hindi ko alam. Malay natin isinama lang dahil pangprotekta natin. Diba nga marami na ang may gustong kunin ang crystals na hanggang ngayon hinahanap?" sabi ni Maxenne.

What a trash. Mukhang hindi pa rin talaga sila nakakamove on. I want to laugh 'cause they're so blind. They only saw us. What a about the weak? I mean Trisha. As far as I know, she has nothing to do with the crystals. how lame...

Hindi na namin sila pinansin pa at tuloy tuloy lang kami sa paglalakad ng baggain ako ni Trisha.

What the?! What a weak. Akala niya ako ang matutumba? So sad, hindi ako natumba but she is.

Dahil sa ginawa niya, napansin kami ng mga Royalties at nagulat sa nangyari. Hindi ko nalang pinansin ang tingin nila at tumingin kay Ella. Naging seryoso ang aura ko ng makita ko siyang nakatingin sa ibang direksyon. Sinundan ko ang tingin niya at mas lalong naging mabigat ang aura ko ng makita ko kung sino.

Delixean.

Tumingin muna ako sa mga Royalties bago maglakad ulit. Naramdaman kong napatingin saakin si Ella at alam kong napansin niya ang pagbigat ng aura ko dahilan mapasunod siya saakin. Hindi rin nagtagal, nakarating na kami sa Royalties Room.

"What's that?" tanong ko kay Ella ng makaupo na kami saaming upuan.

Naramdaman kong nabigla siya sa tanong ko.

"Ah?" takang tanong niya.

Seryoso akong tumingin sakanya.

"You know what I mean, Ella. I warned you, it's too early for that"

Nakita kong napayuko siya.

"I know naman po ate. Hindi naman po yun ganun tulad ng iniisip mo. Nadala lang po ako"

"I know. I'm not angry to you. I just want you to know and reminded you" sabi ko at ngumiti sa kanya dahilan para tumango siya at ngumiti din saakin.

Umayos na kami ng upo at humarap na dahil dumating na ang aming guro pati ang mga Royalties. Mabilis naman natapos ang mga lesson ngayon kaya heto na ang huling klase namin.

"Okay class, good bye" paalam ni Sir at nawala na saaming harapan.

Tumayo na kami ni Ella at lumabas ng classroom. Dumeretso agad kami sa aming dorm. Pagkarating namin doon, agad akong nagluto ng aming makakain at ito ay inihain ko ng matapos na maluto na agad naman naming kinain ni Ella. Matapos iyon ay napag-isipan naming magpahinga kung kaya't dumeretso na kami sa aming kwarto. Humiga naman agad ako sa aking kama at mabilis na nilamon ng dilim.

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon