TPP : 20

59.3K 1.7K 22
                                    

The Powerful Princess
Chapter 20 : Death Anniversary
_________________________________

Third person POV

Ngayong gabi ang hinihintay ng lahat para magsimula na ang death anniversary ng mga Kings, Queens at ni Princess Elizabeth Laine Luis Anika Smith. Ang lahat ng mga babaeng magicians ay nakasuot ng kulay puti na damit habang ang mga lalakeng magicians, mga kulay itim na damit ang kanilang suot. Tuwing may nagaganap na death anniversary, nagkakaroon ng okasyon pagkatapos dalawin ang mga namatay. Sa oras na 8:00 ng gabi, ang simula ng pagdalaw habang sa oras na 10:00 ng gabi, ang simula ng okasyon. Handa na ang lahat at lingid sa kaalaman nila ay magiging payapa ang araw na ito.

Habang sa kabilang mundo naman, ang Dark World. Naghahanda din sila para sa death anniversary. Nasa pinuno na nila kung magpapakita sa mga white magicians o hindi. Dahil kapag nagpakita na ang pinuno nila sa white magicians ay hudyat na maghanda na sila o simula na ang pag aatake ng mga kampon nya.

Sa Mortal World naman, tahimik lamang silang naninirahan. Lingid sa kaalaman ni Ella na tulog na si Anica samantalang si Anica, alam nyang gising pa si Ella. Nararamdaman nilang dalawa na may hinding magandang magaganap sa Magical World.

Balik tayo sa Magical World.

8:00 pm. na at nagsimula na silang dumalaw sa mga hari at reyna na namatay pati narin kay Princess Elizabeth Laine Luis Smith. Alam ng lahat na patay na ang prinsesa dahil sa kanilang mga mata ay kita nila kung paano pinatay si Princess Elizabeth Laine Luis noong six years old sya. Kaarawan rin ngayon ng prinsesa kaya magkakaroon ng okasyon. Pagkatapak ng 10 o' clock ng gabi ay nagsipag alisan na sila sa sementeryo at pumunta sa palasyo ng Elemental Kingdom dahil doon gaganapin ang kaarawan ng namayapa na prinsesa. Walang nakakaalam na may sumusunod sa kanila na tatlong nakahood na magicians na nasa hulian.

Dahil ang lahat ay nasa Elemental Kingdom na, nagsimula na ang okasyon.

Ang mga Royalties ay pinapanood lang ang mga magicians na nagsasayawan sa gitna. Hindi kaya ng mga Royalties ang magsaya dahil dama parin nila ang galit sa kung sino ang pumatay sa mga hari at reyna pati sa prinsesa. Samantalang ang dalawang nakahood ay magkasamang pinagmamasdan ang lahat. Hindi nila alam na may isa pang nagmamasid na siniguradong tago ang kanyang aura dahil kapag nagkamali siya, malalaman ng dalawa ang kanyang presensya.

Saktong 12 am, natapos na ang okasyon. Hindi inaasahang pangyayari, may nagpakita sa kanilang harapan na nakapagpahinto sa kanilang lahat.

Galit. Yan ang nararamdaman ng mga magicians nang makita nila sa kanilang harapan ang pumatay sa mga reyna at hari.

"HAHAHA! MASAYA AKO AT NAGKITA ULIT TAYO, MGA WHITE MAGICIANS!!!" nakangising sigaw nya habang pinapalibutan sya ng itim at pula na usok.

Makikita mo na lumakas sya dahil sa dalawang enerhiya na nakapalibot sa kanyang paligid. Itim at apoy na mahika. Lalong nagalit ang ibang magicians samantalang ang ibang magicians ay natatakot dahil lumakas ang taong nasa harapan nila habang ang mga Royalties naman ay kanina pang gigil na gigil na lusubin ang taong nasa harapan nila.

"HUWAG KAYONG MAG-ALALA DAHIL HINDI NAMAN AKO GAGAWA NG GULO. NAGPUNTA LANG AKO PARA BALAAN KAYO MGA WHITE MAGICIANS DAHIL DARATING ANG ARAW NA AKO NA ANG MAGHAHARI SA MUNDO NG MGA IMMORTAL AT MORTAL WORLD! HAHAHAHA!" masayang sabi nya at biglang naglaho.

Nawalan na ng gana ang mga white magicians dahil sa nabalitaan nila. Marami ang nawalan ng pag-asa,  marami rin ang lumalaban. Nawalan ng pag asa dahil wala na ang prinsesang malakas sa buong mundo samantalang may lumalaban dahil malalabanan nila sa pamamagitan ng pagtutulungan o pagkakaisa.

Nagsipag uwian na ang lahat dahil tapos  na ang okasyon maliban sa mga Royalties samatalang ang tatlo ay ganoon parin ang pwesto kahit na nagalit rin sila sa taong nagpakita kanina. Bakas sa mga mukha ng mga Royalties ang tapang pero sa kaloob looban ay nagtatanong sila sa kanilang sarili.

Makakaya pa kaya namin?  O   Tuluyan na syang mananalo?

Dumating ang ala una ng madaling araw ay napag-isipan ng mga Royalties na umuwi na sa Magica Academia.

Nang makaalis na ang mga Royalties, ang siya namang paglabas ng dalawang nakahood na kanina pa nagtatago at humarap sa trono.

"Sa darating na digmaan ay hindi namin hahayaan na manalo sya"

"Darating ang araw na magiging mapayapa na ang Magical World"

Sambit ng dalawa habang ang isa ay pinapanood lang sila dahil hindi maaari na lumabas sya dahil makikilala sya ng isa sa nakahood.

Naisipan na rin ng dalawa na umalis.

Ang isang nakahood naman ay umalis na rin at bumalik sa kanyang pinuno.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now