TPP : 50

51.5K 1.3K 16
                                    

The Powerful Princess
Chapter 50: Red Magicians
____________________________________

Third person POV

Tahimik at madilim ang paligid. Nakatingin lamang ang dalawa sa portal hanggang sa hindi nila namalayang dumating si Ella.

"Ate Anica! Cassandra"

Napatingin ang dalawa kay Ella.

"Mabuti na lang po at nakapunta po kayo dito, ate Ella" sabi ni Cassandra

"Napansin ko kasi ang pagdilim ng paligid at langit kaya sinundan ko ang itim na hangin at dito nya ako dinala" sabi ni Ella.

Gaya nila Anica at Ella, nasa Mortal World din si Ella. Kahit hindi niya tunay na mga magulang ang kasama niya ay uuwi pa rin naman siya.

Tumingin si Ella sa portal dahilan tumingin muli ang dalawa. Hanggang ngayon, wala pa ring mga nilalang na lumalabas.

May mga white magicians din ang nasa Mortal World. At gaya ng tatlo, sinusundan din ng mga to ang itim na hangin dahil batid nilang may digmaang mangyayari dito sa Mortal World.

Sa kabilang banda naman, ang mga white magicians na nasa Magical World ay gumagawa ng paraan para mabuksan ang portal patungo sa Mortal World. Kahit gumawa sila ng portal, ay hindi rin nila magawa sa kadahilanang may pumipigil sa kanilang mahika. Nalaman kasi nila kay Mosquiboy na may digmaang magaganap sa Mortal World kaya ganun na lamang nila kagustuhang mabuksan ang portal para matulungan ang mga mortal.

Balik tayo kila Anica...

Unti unti nang lumalabas ang mga iba't ibang nilalang sa itim na portal. Sakto namang dating ng mga white magicians at nakita nila ang mga ito. Nakita rin nila sila Anica kaya lumapit sila rito.

Nagsi-handa na sila habang hinihintay bumaba ang mga nilalang.

"Gawin nyo lang ang lahat! Wag lang na may mawala sa inyo at madamay ang mga mortal!" sigaw ni Ella

"Tayo ang bahala sa kanila at ang ate ko na ang bahala sa nagbukas ng portal galing sa Red World" biglang sabi ni Cassandra. Kahit hindi nila alam ang tungkol sa Red World ay tumango na lamang sila.

Ang Red World ay bagong mundo. Dito naninirahan ang mga red magicians kung saan ang namumuno ay si Dark King. Walang nakakaalam tungkol sa mundong ito dahil ang Red World at Black World ay iisa lamang dati. Inaakala ng mga black at white magicians na Black World lamang iyon pero hindi alam ng mga black magicians na may mga kasama silang red magicians.

Ngayon lamang nalaman ng mga black magicians ang tungkol sa mundong ito ng maghiwalay sina Dark Queen at Dark King.

Simula ng mahiwalay ito, wala na silang balita sakanila. Dahil dun, hindi nila alam na ginagamit na ng red magicians ang pangalan nila sa mga white magicians kaya sila ay napagkamalang kalaban ng mga white magicians.

Sa kasamaang palad, hindi alam ng mga black magicians na may plano pala si Dark King na tapusin sila kung kaya't nagkaroon ng digmaan sa pagitan nila. Matapos sa kanila ng Dark King, ang mga white magicians naman ang pinakialaman niya. Kaya ngayon, inuuna niya ang Mortal World.

May dalawang uri ang red magicians. Ang una ay na napapalibutan lamang ng apoy at sila yung may mababang ranko. Ang pangalawa ay napapalibutan ng apoy at itim na mahika at sila naman iyong may mataas na ranko.

At ngayong mga nilalang na lumabas sa itim na portal ay ang mga red magicians na napapalibutan lamang ng apoy na mahika, ang mga may mababang ranko...in short, mahihina lamang.

The Powerful PrincessМесто, где живут истории. Откройте их для себя