TPP : 14

58.6K 1.8K 59
                                    

The Powerful Princess
Chapter 14 : Trisha Forester
_________________________________

Anica POV

"Say good bye earth, Anica" natatawang sabi ni Queenie at sabay nilang ibinato sa akin ang fire ball at water ball.

Bago pa lumapat saakin ang mga iyon, nagvisible ang aking shield/barrier dahilan doon tumama ang kanilang mahika na naging dahilan para magkaroon ng mahinang pagsabog. Nararamdaman kong nagulat ang mga estudyanteng nandito at natakot dahil sa kanilang nasaksihan. Naririnig ko rin ang tawanan nila Queenie na akala'y nagwagi sa isang laban.

"HAHAHA! buti nga sakanya yun! HAHA matapang kasi!" natatawang sabi ni Queenie

Nang tuluyan ng mawala ang usok, nakita kong nanlaki ang mga mata ng mga taong nandito habang sila Queenie ay nagtatawanan pa rin dahilan para hindi nila ako mapansin.

"Are you done?" simpleng tanong ko sa kanila dahilan para matigil sila sa pagtatawanan at mapatingin saakin.

"What the...?!" gulat na tanong ni Queenie

"Surprise?" nakangising sabi ko.

Nilagyan ulit ng babae ang paa ko ng yelo pero this time, inilusaw ko lamang ito gamit ang aking mahikang apoy dahilan para magulat sila.

"Gaano kalakas yang mahika mo?! Imposibleng matunaw mo ang yelo ko!"

Nagsimula na ring magbulungan ang mga tao dito dahil sa nangyari.

Sorry girl, hindi malakas ang mahika mo.

"I told you, Queenie. Stop that bullsh*t of yours. I already warned you but you ignored me" seryosong sabi ko at nagsummon ng tatlong dagger na mabilis ko namang ibinato sa kanila.

Napadaing silang tatlo ng tumama sa kanilang mga binti ang mga dagger na ibinato ko. Lumapit ako kay Queenie na ngayong nakaupo sa sahig at walang pasabing sinipa siya dahilan mapapunta siya sa may counter.

Sorry girl kung masyadong malakas ang sipa ko dahilan para umabot ka sa counter

Napa'ohh' nalamang ang mga tao dito dahil sa kanilang nakita. Tiningnan ko lang yung dalawang babae na tinutulungan nilang itayo si Queenie. Lumapit ako sa kanila dahilan para makita kong manginig sila sa takot.

"I'm done here. May kailangan pa kayo?" seryosong tanong ko.

Mabilis naman silang umiling dahilan para tumalikod ako sa kanila at lumabas na ng Dining Hall. Dumeretso na ako sa aking kwarto at agad na humiga.

***

Right now, nandito ako ngayon sa loob ng classroom. Obviously, pumasok na ako. Wala namang masyado mga nangyari kanina maliban sa mga bukambibig ng mga estudyante. Lagi kong naririnig na mayroong transferee. Hindi ko nalamang iyon pinansin at buti na lamang hindi na nila inisip ang mga nangyari kagabi. Tiningnan ko ang paligid at masasabi kong kompleto kami ngayong araw at tanging guro nalamang ang aming hinihintay.

"I'm sorry, I'm late. Bago ang lahat, may bago kayong classmate " sabi ng teacher namin.

Pagkasabi lamang iyon ng teacher namin, napuno ng bulungan ang aming classroom.

"Quiet! Ms. Forester, pumasok na po kayo" sabi ng teacher namin.

May isang babaeng pumasok at masasabi kong maganda siya. Singkit ang kanyang mata at maputi ang kanyang balat. Maikli ang kanyang buhok na hanggang balikat lamang at matangkad din siya.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now