TPP : 37

54.7K 1.5K 31
                                    

The Powerful Princess
Chapter 37: The Last Crystal
__________________________________

Anica POV

Ngayong araw ay kasama namin ang mga Royalties saka sila Nicole. Nandito kami sa isang room na kung saan hindi pinupuntahan ng mga magicians. Ang alam ko lang ay nandito kami dahil pag-uusapan namin ang tungkol sa crystals.

"Ano na? Kailan natin itutuloy ang paghahanap ng crystals? Mag-aapat na buwan na tayo dito tapos apat palang ang nakikita natin!" inis na sabi ni Nicole

"Don't worry, anim na ang nakita namin" biglang sabi ni Ella dahilan mapatingin sila sa kanya.

"Paano nyo nakita eh hindi naman pwede kunin iyon na wala ang nagmamay-ari, diba?" tanong ni Mikaela

Tsk.

"Tinawag nila kami ni Arron dahil na kita na ang crystals namin kaya ayun" paliwanag ni Sabelle dahilan tumango si Mikaela.

"So, isa nalang? Kay Delixean nalang?" tanong ni Lyra

"Obvious naman" bulong ni Cassandra dahilan mapatingin sakanya si Lyra.

Napailing na lamang ako.

"May binubulong ka?" mataray na tanong ni Lyra na binigyan lamang siya ni Cassandra ng iling.

"Ano na?! Kailan natin hahanapin ang crystal ni Delixean?! Nang matapos na tayo!" inis na sabi nanaman ni Nicole

"Ang dami mong satsat! Hindi naman yan nakakatulong!" inis na sabi ni Ella sa kanya.

"Aba't!...Lumalaban ka na ah!" sigaw niya kay Ella.

"Sinasabi ko lang ang totoo" sabi ni Ella dahilan tarayan siya ni Nicole.

"Anong oras o araw pwedeng hanapin ang crystal?" tanong ni Delixean dahilan mapatingin ang lahat sa kanya.

"Ngayon na natin hanapin! Ayoko na dito sa Athena! Nakakainis lang kasi!" inis na sabi ni Maxenne naikina-kunot ng noo ko.

Anong nakakainis dito?

"Hayaan mo Maxenne makakaalis na rin tayo dito" sabi ni Christian at sabay sabay kaming tumayo na animo'y nagkaintindihan.

Lumabas kami ng room at nagkatinginan. Sunday naman ngayon kaya ayus lang na ngayon na kami maghanap.

"Maghiwalay na kaya muna tayo?" suggest ni Sabelle

"Sige, hatiin sa tatlo. Bale lima ang magkakasama" sabi ni Arron

"Ganito...Paul, Nicole, Mikaela, Jericho at Christian kayo ang magkakasama. Maxenne, Steven, Lyra, Arron at Sabelle kayo naman ang magkakasama at ang huli Anica, Ella, Jessica, Cassandra,at ako ang magkakasama" maowtoridad na sabi ni Delixean

Iba rin tong lalake. Tsk.

Wala na kaming nagawa kung hindi ang tumango kahit may nagrereklamong isa.

Nagsimula na kami sa paghahanap.

***

Sa aming paglalakad, nakarating kami sa likod ng school. Patuloy lamang kami sa paghahanap hanggang sa...

*rrrrr*

Napatigil kami at tiningan ang aming detected bracelet.

Shit! kulay red.

Napatingin naman ako sa aking mga kasama na nakatingin din sa akin.

"May panganib!" sigaw ko sa kanila.

Inilabas ko ang aking fivio sword dahilan ilabas din nila ang kanilang sandata. Nakapalibot kami sa isa't isa.

Nasa aking kaliwa si Delixean samantalang nasa kanan ko si Cassandra. Nasa kanan naman ni Cassandra si Jessica samantalang nasa kanan at kaliwa naman nina Jessica at Delixean si Ella. Dinama ko ang paligid.

Agad kong isinangga ang aking sandata sa atakeng paparating sa aking harapan. Itinulak ko to paatras at isasaksak ko na sakanya ng mawala siya sa harapan ko. Dinama ko ulit ang paligid kaso mabilis akong nagteleport sa pwesto ni Cassandra ng maramdaman ko siyang paatake sa kanya kaya isinangga ko ito.

Patuloy lamang ang aming pagpapalitan ng atake kaya naramdaman kong tumabi sila Ella para hayaang labanan ko ito ng mag-isa.

Gumawa ako ng fivio bracelet. Habang nagpapalitan kami ng atake, nakakita ako ng butas kaya malakas kong inihampas ang espada ko sa espada niya dahilan mabitawan niya ito. Mabilis kong kinuha ang kamay niya na ikinagulat niya dahilan balak niyang hugutin kaso mahigpit ko itong hinawakan at hinatak siya papaunta saakin para makuha ko ang isa pa niyang kamay at ilagay doon ang fivio bracelet na naging posas.

Bumagsak ang katawan niya at nawala ang invisible. Automatic kasing natali ang kanyang paa ng lagyan ko ng fivio bracelet ang kamay niya at naging dahilan para pigilan ang mahika niya

"Ano ang pakay mo?" tanong ni Ella sa umatake saamin.

Isa siya sa mga estudyante dito sa Athena Academy kaya kataka taka na atakehin niya kami. Itinutok ni Ella ang kanyang espada sa estudyante ng hindi ito magsalita. Itutusok na sana ni Ella ng magsalita ito.

"Mamamatay kayong lahat!HAH--"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya ng paslangin siya ni Ella dahilan makakita kami ng abo na tinatangay ng hangin.

"Tara na, na sayang lang ang oras natin'' pag-aya ni Jessica

Tumango na lamang kami at nagsimula muling maglakad.

***

*ting*

Napatingin ako sa aking DB (detective bracelet).

Kulay orange!

Huminto ako sa paglalakad dahilan mapahinto rin sila. Tumunog ang kanilang DB kaya alam na nila kung bakit ako huminto.

Hindi na namin alam kung nasaan kami pero alam naming may gubat sa harapan namin. Malayo layo na rin kasi ang aming nilakad kaya malapit na kaming abutan ng gabi.

"Sure ate? Dyan talaga sa loob?" paninigurado ni Cassandra habang nakatingin sa gubat

Tumango ako at nagsimulang maglakad. Lumapit siya saakin at humawak.

Takot

Sumunod naman saakin ang dalawa. Habang naglalakad kami, palakas ng palakas ang tunog pero bigla din itong tumigil.

Mukhang nasa kalahati na kami ng gubat.

Tiningnan namin ang paligid at isang bagay lang ang nakakuha ng atensyon namin, ang isang bato.

Mukhang ito na ang bato na kinalalagyan ng crystal.

Agad na lumapit si Delixean doon at agad na tumira ng fire ball pero hindi niya ito nagawang sirain dahil sa protection. Sinubukan niya ulit pero wala pa ring nangyari. Tumulong na rin sina Jessica at Cassandra pero wala pa ring nangyari hanggang sa tumulong na rin Ella.

Tumira si Ella ng fire ball at nagkaroon ito ng crack dahilan silang apat ay sabay sabay na tumira sa bato.

Nagkaroon ng pagsabog kaya napatakip kami sa mukha. Iwinaswas ko ang kamay ko dahilan mawala ang usok.

Nakita naming sira na ang bato kaya agad na kinuha ni Delixean ang crystal at ibigay saakin na inilagay ko naman sa aking bag. Umalis na rin kami doon at tinawag ang mga Royalties.

"Nahanap nyo na?" tanong ni Sabelle ng makarating kami sa tagpuan.

Tumango naman sila Ella.

"Mabuti naman at makakaalis na rin tayo!" tuwang tuwang sabi ni Lyra.

Napag isipan nila na umuwi na kaya umuwi na rin kami at pumunta sa aming dorm. Pagkarating ay agad kaming kumain at nagpahinga na.

Nakakapagod...

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now