TPP : 42

52.4K 1.3K 49
                                    

The Powerful Princess
Chapter 42: Training
___________________________________

Someone POV (1)

"Inaasahan ko ng matatalo nila si Mosquigirl HAHAHAHAHA! Pero hindi ko maiwasan na mag-expect sa kanya. Tsk tsk tsk mukhang may mga malalakas sa Magica Academia HAHAHAHA talagang matutuwa ako nito BWAAAAH! Ngayon, ipatawag mo na siya! Siya ang susunod kay Mosquigirl!"

Nakangisi akong tumingin sa labas.

Mukhang mag-eenjoy ako nito BWAAAAH!

"Kamahalan, you need me daw?"

Tumingin ako sa kanya.

"Maghanda ka. Ikaw ang susunod na magbibigay sorpresa sa kanila"








____________________________________

Anica POV

Nandito kami ngayon sa Gym dahil may announcement si HM.

"Naparito ako upang sabihin sainyo na simula ngayon, wala ng klaseng magaganap dahil magsisimula na ang inyong training kung sakaling lusubin ulit tayo" anunsyo ni HM

"HM ano po ba ang tawag sa nilalang na lumusob kahapon?" tanong ng isa sa kaklase namin.

"Hindi namin alam dahil ngayon palang namin nakita pero mukhang alam nina Ms. Jessica, Ms. Anica, at Ms. Cassandra" sabi ni HM at tumingin sa pwesto namin dahilan mapatingin ang lahat saamin.

"Mosquigirl ang tawag sa nilalang na iyon. Sa katunayan, sampu silang lahat. Limang reyna at limang hari. May rangko silang nabibilang at pangsampu si Mosquigirl kaya kung sakalaing may lulusob na naman dito, maaaring si Queen Bee o ang kanyang asawa na si Mosquiboy" paliwanag ni Jessica at tumango lang sila.

"Bukas magsisimula ang training. Royalties at kayong apat, Ms. Anica. Sumama kayo sa akin sa office" sabi ni HM.

Nagsi-alisan na ang lahat habang kami ay tumayo at sumunod kay HM.

Mabilis naman kami nakarating sa office at ngayon ay nakaupo na kami.

"HM bakit nyo nga po pala kami pinapapunta?" tanong ni Cassandra

"Pinapunta ko kayo dito dahil kayo ang magiging trainors ng mga estudyante" sabi ni HM dahilan magkatinginan ang tatlo.

"Hahatihin ko kayo. Kailangan na apat kayong magkakasama na itratraining ang mga estudyante" dugtong ni HM.

Tumingin ako sa mga Royalties at napailing nalang ng makita si Trisha.

Oo nga pala, Royalties na pala siya. Mukhang di ko na sila nakikitang kasama sila Nicole ah...

"Princess Maxenne, Prince Christian, Princess Lyra at Prince Steven, kayo ang magkakasama. Princess Sabelle, Prince Arron, Princess Trisha at Prince Delixean, kayo naman ang magkakasama at kayong apat Ms. Anica ang magkakasama"

"Bukas ay pipili kayo ng tuturuan ninyo. Yun lang ang maisasabi ko. Maaari na kayong bumalik sa dorm nyo"

Tumayo na kaming apat at umalis na.

Agad kaming dumeretso sa dining hall para kumain. Pagkatapos, umuwi din kami sa aming dorm.

***

Nandito kami ngayon sa Arena, to be specific sa stage.

"Nakikita nyo naman kung sino ang mga nasa stage?" tanong ni HM.

Tumango ang mga estudyante.

"Sila ang magiging trainors ninyo. Ihahati kayo sa tatlong grupo at ang mga trainors nyo ang pipili kung sino ang pipiliin nila. Understood?" sabi ni HM dahilan tumango uli sila.

Mabilis naman kami nakapili.

"Ngayon ay nakapili na ang mga trainors nyo. Ang grupo nila princess Lyra ay ang mga nasa second high. Ang mga napili naman nila prince Delixean ang mga nasa first high at ang mga napili naman nila Ms. Anica ang mga beginners. Maaari na kayong magsimula ng training" sabi ni Hm at umalis na sila kasama ang mga prof.

"Mga beginners sumunod lang kayo saamin dahil pupuntahan natin ang magiging training area natin" sabi ko at nangunang maglakad.

Naramdaman ko namang sumunod sila. Napangiti ako.

I like to teach them.

Hindi naman nagtagal at nakarating na rin kami sa likod ng school. Luminga linga muna sila Jessica para masure kung kami lang ang nandito.

Nang masigurado na, hinawakan ko ang pader dahilan umangat ang bahagi ng pader na kasing size lang ng pinto. Walang nakakabukas nito dahil tanging kamay ko lamang at kamay nya ang pwedeng makabukas nito.

Sean...

"Pumasok na kayo" sabi ko sa kanila na ngayong hindi makapaniwala sa nakikita.

Pumasok na kami at kusa namang nagsarado ang pader. Isang malawak na lugar ang nakikita namin at kompleto ang mga kagamitan dito.

"Dahil 40 lang kayong mga beginners, tig ten kami na tuturuan. Kayong sampung nerd ay lumapit kayo saakin" sabi ko at lumapit naman saakin ang tinawag ko.

"Doon tayo" pag-aya ko sa kanila at pumunta sa may bandang dulo.

"Bago tayo magsisimula, gusto ko sana kilalanin muna natin ang bawat isa. Bukas muna ang simula ng training natin" sabi ko sa kanila at umupo dahilan umupo din sila.

"I'm first. Anica Scientele, 18 years old, fivio. That's my magic" sabi ko at pinakita sa kanila ang mahika ko.

Nakita ko ang pagkahanga nila.

"Riel Joy Aceron, 17 years old at water ang mahika ko"

"Daniella Baquiles, 17 years old at earth ang mahika ko"

"Angelyn Santiago, 17 years old at air ang mahika ko"

"Leila Monacillo, 17 years old. Water ang mahika ko"

"Seanfiel Mercado, 18 years old at air is my magic"

"Claire Toroy, 18 years old. Ice ang mahika ko"

"Maricris Henaloc, 18 years old. Fire ang mahika ko"

"Mercy Alano, 18 years old. Witch"

"Donalyn Dongcoy, 18 years old. Earth "

"Jeraldine Timbal,18 years old. Water"

Lahat babae ah...

"Sige, ngayon naman ay magbabahagi tayo sa isa't isa tungkol sa buhay natin" sabi ko at nagsimula na kaming magkwentuhan.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now