TPP : 05

84.5K 2.2K 179
                                    

The Powerful Princess
Chapter 05 : First Day Of School... History...
___________________________________

Anica POV

Panibagong buhay para sa panibagong araw sa ibang mundo.

Nandito ako ngayon sa aking kwarto. First day ko ngayong araw at sinusuot ko na ngayon ang aking uniporme. Ang uniform dito ay nakabatay sa kulay ng mahikang meron ka. Common sense na kulay pula ang aking uniform. Kulay pula ang aking palda habang kulay pula ang aking panloob na damit at kulay asul naman ang aking long sleeve na blazer. May pulang ribbon din ako habang kulay itim naman ang aking boots. Inayos ko ang aking buhok at ang aking bangs. Inilabas ko na ang aking salamin at ito'y isinuot ko. Hindi ito ang M-Glasses ko dahil itong salamin na suot ko ay hindi na kailangan pang itago ang kulay ng buhok at mata ko. Tinatawag ko naman itong E-Glasses.

Kinuha ko na ang aking magical shoulder bag at lumabas na nang dorm. Sinimulan ko nang maglakad papunta sa cafeteria. Base sa nalaman ko, ang cafeteria bukas lamang sa umaga at tanghali dahil may dining hall dito na nagbubukas naman sa tanghali at gabi.

Sa aking paglalakad, may mga nakakasabay akong mga estudyante dito. Hindi ko nagustuhan ang asal nila dahil tulad ng mga tao sa Mortal World, ganun din ang ginagawa ng mga estudyante saakin, ang pagtingin saakin ng kakaiba, paglayo saakin at ang pagbubulungan. Tsk. Walang may pake. Makalayo saakin, akala mo namang may sakit akong nakakahawa. Tsk.

Dating gawi, hindi ko na lamang sila pinansin at pinagpatuloy na lamang ang aking paglalakad. Hindi naman nagtagal, nakarating na din ako sa aking hantungan. Mabilis ang aking pagkilos kaya ngayon ay kumakain ako sa gilid, mag-isa.

Tsk. Pati rin ba dito mag-isa lang ako?

Napailing nalang ako sa mga iniisip ko at pinagpatuloy na lang ang aking pagkain.

Bogsh...

Napatigil kaming lahat dito sa loob nang cafeteria dahil sa narinig namin. Pagbukas lang pala iyon ng pintuan. Iniwas ko ang aking paningin sa pintuan ng malaman ko kung bakit bumukas ang pintuan.

Tsk. Papasok lang naman ang mga Royalties tapos kailangan pang kunin ang atensyon ng lahat? Tsk. Ano toh? Kulang sa pansin?

Hinayaan ko na lamang sila at pinagpatuloy ang aking pagkain. Nasa kalagitnaan ako ng aking pagkain nang biglang may nagsalita sa aking likod.

"Anica?"

Sa pagkakaalam ko, boses iyon ni Lyra. Humarap ako sa kanila at ngumiti lang.

"Pwede ba kaming makishare?" tanong ni Maxenne.

Tumango ako sa kanila dahilan umupo sila. Nasa aking harapan nakaupo si Sabelle habang katabi niya sina Arron, Lyra at Stevan samantalang katabi ko naman sina Delixean, Maxenne at Christian.

"Mag isa ka lang yata Anica?" tanong ni Sabelle.

May nakikita ba syang hindi ko nakikita? Obvious namang mag-isa lang ako nung wala sila. Tsk.

"Wala kasi akong mga kaibigan dito, Princess Sabelle. Saka bago lang po ako dito" magalang na sabi ko.

"Wag ka nang masyadong formal saamin, tawagin mo nalang kami sa pangalan namin" sabi ni Maxenne.

Sa pagkakaalala ko, si Sabelle palang nasabihan kong Princess   -_-'

Tanging tango nalang ang ginawa ko. Mabilis ko namang naubos ang aking pagkain kaya tumayo na ako.

"Wait, may tanong pa kami" pigil saakin ni Lyra.

Wala akong magawa kundi ang umupo nalang ulit.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now