TPP : 60

52.2K 1.3K 42
                                    

The Powerful Princess
Chapter 60: A Long Wait War
__________________________________

Anica POV

12:30 am.

"Jessica" tawag ko kay Jessica na ikinatingin niya saakin.

Nandito kami ngayon sa bahay nila at tapos na rin ang pagdiriwang.

"Mauna kana may gagawin pa ako" sabi ko sa kanya na ikinatango niya.

"Mag-iingat ka po, ate" sabi niya.

Tumango lang ako sa kanya at ngumiti. Gumawa ako ng portal at bago ako pumasok, nagyakapan muna kami.

Agad kong sinarado ang portal ng iluwa ako nito sa likod ng Magica Academia.

Muli akong gumawa ng portal pero this time, isa itong itim na portal.
Agad akong pumasok sa loob at inilabas ako nito sa likod ng palasyo.

Tumalikod na ako at pumasok sa isang pinto na meron dito sa likod. Ang swerte ko at dito ang daan papuntang kulungan nila.

Pagpasok ko, maraming bantay ang nasa gilid.

Hindi naman nila ako makikita dahil sa sobrang dilim at isama mo pang itim ang kulay ng suot ko.

Nagsimula na akong maglakad na walang ingay. Nang makarating ako sa dulo, maraming bihag ang aking nakita.

Lumapit ako sa dalawang bantay at agad ko silang sinaksak na naging sanhi ng paglaho nila. Nagteleport agad ako sa loob ng kulungan.

Mabuti na lamang at tama ang pinasok ko

Napatayo naman sila ng makita ako.

"Sino ka?" tanong ni Gabriela..

Kahit kailan talaga. Ganun na ba mahirap makita ang mukha ko sa dilim? Ganyan din yung itinanong saakin ni Nicole eh.

"Shh! Wag kang maingay" sabi ko.

"Anica?" mahinang tanong ni Kim

"Surprise" walang ganang sabi ko.

Agad nila akong niyakap ng sabihin ko ang 'surprise'.

"Buti dumating ka" nakangiting sabi ni Min.

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Bilisan na natin. Alam kong pupuntahan kayo dito para gamitin sa digmaan mamayang gabi" sabi ko sa kanila.

Agad akong gumawa ng lilang portal.

"Pumasok na kayo" sabi ko sa kanila.

Pumasok naman sila pero nagpaiwan si Kim

"Paano pag hinanap kami?" tanong niya.

"Ako na ang bahala doon" sabi ko sa kanya na ikinatango niya at pumasok na rin.

Gumawa muna ako ng clone at saktong pagbukas ng pinto ay ang saktong pagpasok ko sa portal. Inilabas ako ng portal sa gubat at agad ko itong isinarado.

Tiningnan ko ang paligid at nakita ko sila na nagpapahinga sa gilid dahilan lumapit ako sa kanila.

"Nasaan tayo?" tanong ni Yeon saakin.

"Nasa gubat tayo. Bandang nasa likod ng Magica Academia" sabi ko sa kanya

"Gamutin ko muna ang inyong mga sugat" sabi ko at isa isa ko silang ginamot.

Matapos iyon ay tumayo na kami.

"Humawak nalang kayo sa akin. Alam kong hindi nyo pa kayang magteleport dahil pagod kayo kaya sumabay nalang kayo saakin" sabi ko sa kanila.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now