TPP : 04

82.4K 2.3K 187
                                    

The Powerful Princess
Chapter 04 : Magica Academia
__________________________________

Anica POV

Panibagong araw na nakakapagod. Right now, nandito ako sa sala. Kumakain ako habang nanonood ng T.V. Hobby ko nang kumain ng kumain kahit hindi ako tumataba.

Napatigil ako sa aking pagkain at naalis ang aking tingin sa T.V nang maramdaman kong may sumisira ng proteksyon ng bahay ko o ang tinatawag na barrier. Inilapag ko muna ang aking hawak hawak na pagkain at lumabas ng bahay. Pinagmasdan ko ang paligid at nakonpirma kong hindi sa harapan. Mabilis ako tumakbo papunta sa likod at doon ko nakita ang salarin, ang mga dark magicians.


Ano na naman ang ginagawa nila? Anong balak nila?

Tumalikod na ako at pumasok ng bahay. Hahayaan ko na lamang sila riyan dahil alam kong hindi nila kayang sirain ang barrier. At isa pa, alam kong hindi nila ako nakita. Siguro gusto nilang malaman kung ano ang nasa loob. Tsk! maya maya aalis din ang mga yan.

Pingpatuloy ko na ang ginagawa ko hanggang sa maramdaman kong wala na sila. Mukhang napagod na sila. Pinatay ko na ang aking T.V at niligpit ang pinagkainan ko. Matapos iyon, humiga ako sa sofa. Naalala ko na naman ang sulat ni inay. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakapag-iisip. Pupunta ba ako o hindi? Ayoko namang basta nalamang ako magpasya baka ikasisi ko pa sa huli. Pero kapag ako'y pupunta, ayos na saakin iyon, tutal, matagal na rin akong hindi nakakabalik doon simula noong magkaroon ng magulong pangyayari. Siguro, kailangan ko pa nang ilang mga oras, araw bago ako tuluyang makapagpasya.

***

Tatlong araw ang nagdaan...

Tatlong araw na ang dumaan. Sa loob ng tatlong araw, lagi ko nang nararamdaman ang paninira ng mga dark magicians sa barrier ng bahay ko tuwing gabi. So far, hindi pa naman nila nasisira. At sa loob din ng tatlong araw, nakapagpasya na ako. Napagpasyahan kong dapat na akong bumalik. Ayokong malaman na sila'y namatay habang ako'y nandito, tahimik na nabubuhay. Ayokong mabalitaang, sila'y lumalaban habang ako'y parang daga na nagtatago sa magulong buhay. Kaya napagpasyahan kong ngayong gabi, aalis na ako patungo sa aking mundo. Babalik ako para handang tulungan sila.

Dahil babalik na ako, ibig sabihin, kailangan kong mag-aral sa Magica Academia. Hate ko man mag-aral at kahit tapos na ako mag-aral, kailangan ko pa ring mag-aral alang-alang na rin sa mga mangyayari sa aming mundo.

Hinanda ko na ang aking sarili at sinimulang maglinis. Hinding hindi ko hahayaang iwan ang bahay na ito ng marumi dahil bago ako tumira dito, napakalinis ng bahay kaya dapat lamang na linisin ko ito bago iwan.

Mabilis ko lang natapos ang aking mga gawain at napagdesisyunan kong kumain na dahil nagugutom na ako. Agad ko namang iniligpit ang aking pinggan at sinigurado kong nakasarado na ang mga dapat isarado. Napagdesisyunan ko nang pumasok saaking kwarto at isinarado ang pinto.

Kinuha ko ang aking magical shoulder bag. Nandito na sa loob ang lahat ng gamit ko. Nakakapagtaka diba? Paano nagkasya? Magkakasya ang lahat dito sa magical shoulder bag dahil isa itong magical. From the word itself, alam niyo na siguro kung bakit nagkasya. Hindi lang iyan ang kayang gawin ng bag ko. Para na rin itong konektado saaking isip dahil kung ano man ang gusto kong kunin, maaari ko lamang itong isipin at lalabas na ito sa loob ng aking bag.

Isinuot ko na ito saaking balikat at gumawa ng isang portal.

"πορταλ" pagcast ko ng spell.

Matapos kong banggitin ang spell, nagkaroon ng isang kulay lila na portal. Hindi na ako nagdalawang isip pang pumasok dito na naging dahilan ng pagsisisi ko.

Sh*t! nakakahilo. F***! bakit hindi pa kasi ako nasanay?!

Inilabas ako ng portal sa harapan ng Magica Academia habang hawak hawak ang aking ulo. Isang buwan na ang nakakalipas nang magsimula na ang pasukan dito ayon sa aking resources.

Umayos na ako ng tayo at isinarado na ang portal.

"θνσεαλ" pagcast ko.

Sa aking pagcast ng spell, na-unseal ang aking aura dahilan bumukas ang gate ng Magica Academia. Pumasok ako sa loob na naging dahilan para sumarado ang gate.

"σεαλ" pagcast ko dahilan para ma-seal ang aking aura.

Sinimulan ko na ang aking paglalakad habang pinagmamasdan ang paligid.

Mukhang inalagaan talaga nila ito. Lalong gumanda.

Napahinto ako sa aking paglalakad ng ako'y makarating na sa harapan ng dalawang malaking pinto. Akmang bubuksan ko na ito ng kusa itong nagbukas. Isang butler lang pala.

"Miss, mageenroll ka?" tanong niya saakin.

Tumango naman ako bilang sagot.

"Halika, sumunod ka sa akin" sabi nya at naunang maglakad.

Pumasok ako sa loob at sumunod sa kanya. Tahimik lamang kaming naglalakad. Ayoko namang gumawa ng ingay dahil alam kong natutulog na ang mga estudyante dito.

Patuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa kami ay huminto. Tiningnan ko ang nasa harapan namin na naging dahilan ng paghinto namin.

"Headmaster Office" pagbasa ko sa nakasulat sa pintuan.

Binuksan ng butler ang dalawang pinto kaya pumasok na ako. Sa aking pagpasok, sumalubong sa akin ang maraming libro. Parang nasa library lang ako.

Napatingin ako sa harapan ng may makita akong nasa 30 plus na siguro ang edad ng lalakeng ito. Nakatingin lamang sya sa bintana at mukhang hindi nya ako nararamdaman. Naisipan kong lumapit sakanya.

"Headmaster" magalang na sabi ko.

Natawa nalamang ako sa aking isipan ng makita kong nagulat siya.

"Oh! hija! ano ang maitutulong ko saiyo?" tanong ni HM at umupo sa upuan nya.

"HM, mag-eenroll po ako" magalang na sabi ko.

"Ganun ba hija? Sige, ano ang pangalan, edad at mahika mo?" tanong nya sa akin.

"Anica Scientele, 18 years old at fire magic" sagot ko sa tanong nya

"Okay ito ang dorm no. mo at dorm key. Sa ngayon sa iyong dorm ay tanging mag isa ka lang muna dahil sa isang dorm may limang estudyante ang magkakasama. Sa dorm mo naman ay tanging ikaw palang ang gagamit. At ang iyong room ay section S-A" sabi ni HM

Nagpasalamat ako sakanya at tinanggap ang mga binigay niya. Nagpaalam na ako kay HM at nagsimula ng maglakad papunta saaking dorm.

Sa aking pagkakatanda, magkaiba ang dorm ng lalake at babae dito. Hindi ito katulad sa ibang Academia na pwedeng magkasama ang babae at lalaki sa iisang dorm. Pwede naman magkasama kaso kailangan ng permisyo ng HM.

Agad akong pumasok saaking dorm ng makarating na ako. Hindi ko type ang kulay nito dahil malarainbow ang kulay ng dorm na ito. Hindi ko muna pinagmasdan ang kabuuan bagkus, agad akong dumeretso sa magiging kwarto ko. Hindi naman ako nahirapang hanapin o pumili ng dorm dahil may isang kwarto na nakasulat na ang aking pangalan sa pintuan.

Ganun ba talaga dito? kung ano ang kulay ng mahika mo, ganun din ang iyong kwarto?

Dahil kulay lila ang mahika ko, hindi naging ganun ang kulay ng kwarto ko. Wala pa namang nakakaalam sa kulay ng mahika ko kaya hindi ko masisisi ang HM kung bakit kulay pula ito dahil iyon ang alam ng lahat kapag ikaw ay isang fire magic.

Itinanggal ko ang aking malaking salamin dahilan para bumalik ang aking kulay sa buhok at mata. Dahil na rin sa kulay pula ang alam ng HM, pinalitan ko ng kulay pula ang aking buhok at mata.

Inilapag ko sa side table ang magical shoulder bag ko at agad na humilata sa kama. Dahil na rin siguro sa pagod, mabilis akong nilamon ng dilim.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now