TPP : 47

47.8K 1.3K 30
                                    

The Powerful Princess
Chapter 47: Unexpected Attack
____________________________________

Someone POV (1) / Dark King POV

"Tawagin mo na ngayon ang dalawa" sabi ko sa kawal ko na sinunod naman niya agad.

Tumingin ako sa katiwala ko.

"Ngayon mo na ba sila ipapasugod?"  tanong niya.

"Hindi ko alam sa kanila. Nasa kanila na iyon kung kelan sila sumugod basta bigyan lang nila ako ng magandang balita!" sabi ko at umupo saaking trono.

"Ano po ang maipaglilingkod namin saiyo, kamahalan?"

Tumingin ako kay King Bee at Mosquiboy

"Gusto niyo bang makilala kung sino ang pumatay sa inyong mga asawa?" nakangising sabi ko dahilan makita ko ang kanilang galit. Ganyan nga...HAHAHAHAHA!

"Tinatanong pa ba yan kamahalan? Hindi na kami makapaghintay na makilala siya" may galit na sabi ni Mosquiboy.

"Kung ganun, ano pa hinihintay niyo?! Bigyan niyo sila ng pasabog! HAHAHAHAHA!"

Matutuwa kaya sila pagnagdagdag pa ako ng isa? BWAAAAAH! Hindi na ako makapaghintay!

Malapit na! Hindi na ako makapaghintay pang dumating ang araw na iyon! Dalawang buwan at ilang linggo na lang ang natitira niyong buhay! HAHAHA humanda kayo!

____________________________________

Anica POV

"Ate tara?"

Tumango ako sa kanya ng makita kong nakaayos na ako. May lakad kami ngayon ni Cassandra at yun ay ang bisitahin ang paaralan ko.

Nakalimutan ko palang sabihin na mayroon kaming paaralan ni Cassandra. Hindi lamang iyon, may companies, malls, restaurants, hotels at Isla din kaming pagmamay-ari.

"Let's go"

Pumunta na kami sa parking lot at sumakay sa aking kotse. Ako ang magdridrive samantalang nasa tabi ko naman si Cassandra. Sinimulan ko ng paandarin ang kotse ko at hindi rin nagtagal nakarating na kami sa aking paaralan, ang Crands' University.

Sa katunayan, kay Cassandra ko sinunod ang pangalan ng paaralan ko. Tinanggal ko lamang ang may kaparehas na letra at niramble hanggang sa iyan ang mabuo ganun din sa paaralan ni Cassandra, saakin niya sinunod ang pangalan na iyon kaya tinawag na Clioné University ang sa kanya.

Pumasok na kami sa loob at saktong lunch break ng mga estudyante dito. Walang nakakakilala saamin dito dahil wala kaming balak magpakilala, maliban sa mga magulang nilang kilala kami.

Pinagmasdan ko ang paligid at napangiti na lamang ako. Mukhang maayos naman ang mga estudyante dito. Wala na man akong nakikitang inaapi dahil nasa rules ko ang bawal mangbully.

Pinagpatuloy na lang namin ang aming paglalakad hanggang sa may nakabangga ako.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko dito at tutulungan na sanang tumayo ng tapikin niya ang kamay ko at tumayo mag-isa.

"Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo bitch?" galit na sabi ng babaeng to saakin dahilan mapataas ako ng kilay.

"Watch your words miss" sabi ni Cassandra.

Nakita kong tinarayan niya si Cassandra.

"Miss, I'm sorry okay?" sabi ko sa kanya.

The Powerful PrincessWhere stories live. Discover now