TPP : 40

56.3K 1.6K 279
                                    

The Powerful Princess
Chapter 40: Grand Ball
__________________________________

Anica POV

Heto na, nakahanda na kaming apat. Hindi na kami nagbongga pa ng ayos, simpleng make-up lang ang ginawa namin. May isang oras pa kaming natitira bago magsimula ang Grand Ball.

"Tara na? Baka wala na tayong upuan doon" pag-aya ni Jessica dahilan tumango kami at lumabas na kami sa aming dorm.

Sa aming paglalakad, wala kaming nakasalubong na estudyante.

Mukhang excited talaga sila sa Grand Ball.

Napailing na lamang ako at pinagpatuloy ang paglalakad.

Hindi naman nagtagal at nakarating na din kami. Pumasok na kami sa loob at sinalubong kami ng mga maiingay na bibig, idagdag mo pang may musika na hindi naman gaano malakas.

Naghanap na kami ng aming table at hindi naman kami nahirapan dahil nakahanap kami agad dahilan doon kami tumungo. Agad akong umupo at pinagmasdan ang paligid.

Haist! I really hate this!

Tumingin ako kila Ella.

"Ano nga pala ang dahilan bakit may ganito?" tanong ko habang nilalaro ko sa kamay ang basong may lamang tubig na kakabigay lang ng waiter.

"19th Anniversary ng Magica Academia, yun ang sabi eh" sabi ni Cassandra.

Tumango lamang ako sa kanya at ininom ang tubig. Napatigil kaming lahat ng may nagsalita na sa tingin ko galing sa stage.

"Good evening magicians! Maraming salamat sainyong pagpunta. Mahalaga ang Grand Ball ngayon dahil 19th Anniversary ng ating school ang ating pinagdidiriwang.
Sana maging masaya ang araw nyo ngayon. Hindi na natin patatagalin pa, lets start!" masayang sabi ng mc.

Napatingin ako sa mga magicians ng biglang magpatugtog sila ng slow dance. Marami ang pumunta sa gitna para sumayaw kasama ang kanilang mga partner.

Pinapanood ko lamang sila hanggang sa mapansin ko, pati ang mga Royalties ay sumasayaw na rin maliban kay Delixean. Napakunot noo ako ng makita tumayo siya at pumunta sa gawin namin. To be specific, kay Ella.

"May I dance you?" tanong niya kay Ella dahilan tumingin siya saakin.

Ngumiti lang ako dahilan makatanggap ng yes si Delixean mula sa kanya.

"Grabe nakakakilig! Buti pa si ate Ella may love life na!" kinikilig na sabi ni Cassandra.

Napatingin naman ako sa kanya at ang bruha, nagpiece sign saakin. Napailing nalang ako.

***

Ako nalang mag-isa ang narito sa table namin. May nag-aya kasi kay Cassandra at Jessica kanina at pumayag naman ako dahil kaklase naman namin yun kaya ending, mag-isa na lamang ako. Ayus lang naman saakin dahil natutuwa naman akong panoorin sila.

"Hmm Miss, may I dance you?"

Napatingin ako sa likod ko ng may magsalita. Si Dean lang pala.

"Sure" pagpayag ko at ngumiti.

Ngayon lang to kahit ayoko sumayaw.

Nakita kong nagulat sya sa reaksyon ko dahil maski ako, nagulat din.

Inaya na nya akong pumunta sa gitna. Humawak ako sa balikat nya habang sya ay nakahawak sa aking beywang. Wala kaming imikan kundi magtitigan lang habang sumasayaw.

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon