TPP : 52

46.8K 1.4K 63
                                    

The Powerful Princess
Chapter 52: Scared
____________________________________

Anica POV

Malapit ng matapos ang isang buwan at wala namang masyadong nangyari tulad ng mga kaguluhan. Aaminin ko, may mga nangyari nitong mga nakaraang araw at iyon ay ang mga bagay na bago lang sa paningin ko kaya ayoko na alalahanin.

Tulad na lamang ng laging pag-alis ni Ella na hindi ipinapaalam saamin kung saan siya pupunta tapos magugulat na lamang kami pag-uwi niya may malawak na ngiti sa kanyang labi.

Minsan naman ay nahuhuli ko silang magkasama ni Delixean kaya tinatanong ko kung bakit sila magkasama at ang lagi lang naman niyang sagot...

"May hiniram lang sya"

Tinanong ko rin siyang "Ano?"

Sasagot naman siya ng "Libro"

Kahit na nagtataka ako sa paningin niya, alam kong nagsisinungaling siya.

Sa dinami dami na pwedeng mapaghiraman ni Delixean, si Ella pa? May library naman dito ah? Kumpleto pa nga eh. Tsk tsk tsk.

Hahayaan ko muna silang magpakasaya dahil alam kong next month, magaganap na ang digmaan.

Right now, andito ako sa isang maliit na garden kung saan katabi lang nito ang madilim na gubat. Walang pumupunta dito maliban saakin dahil doon madalas pumunta ang mga estudyante sa malaking garden at isa pa, mukhang natatakot sila sa gubat na nandito.

Hindi naman kailangan pang matakot dahil may barrier naman ang school na ito at syempre makakapasok pa rin naman ang mga masasamang nilalang kapag may traydor dito sa loob.

Speaking of traydor...

Hanggang ngayon, gumagalaw pa rin sila. Mukhang hindi pa nila nakukuha ang dapat nilang kunin. Hindi naman nila napapansin na lagi ko silang nakikitang dumidikit sa mga Royalties para kunin ang pakay nila, ang mga crystals.

Ibinigay na kasi ni HM ang mga crystals sa kanila.

Ang Crystal kasi ay nakakapagbigay saiyo ng lakas at ito ay maaari mong gamitin sa pagprotekta ng isang kingdom. Wala pang nakakasira nito dahil masyado itong makapangyarihan.

Napagdesisyunan ko nang umalis at pumunta kina Jessica at Cassandra na nagsasanay sa kanilang mahika. Hindi ko naman alam kung nassan si Ella dahil pati ngayong araw ay umalis din siya. Baka magkasama na naman sila ni Delixean.

Mabilis naman akong nakarating sa training room namin. Nakita kong focus na focus sila sa kanilang pagsasanay. Masasabi kong ang laki ng improvement nila.

Mabuti na lamang at sigurado na akong makakapaghanda kami ngayong malapit na ang digmaan.

Pumapalakpak ako ng makitang tapos na sila dahilan gulat na mapatingin sila saakin.

"Kanina ka pa po dyan ate?" gulat na tanong nilang dalawa na nginitian ko lamang sila.

Lumapit kami sa mga upuan at doon umupo.

"Magaling! Lalo kayong lumakas at pinakita nyo na matapang talaga kayo" nakangiting sabi ko sa kanila.

"HAHAHAHA dahil po yun sayo ate!" proud na sabi ni Cassandra.

Tumango lang si Jessica bilang pagsang-ayon sa kanya. Ngumiti lang ako.

Binigyan ko sila ng tubig na agad naman nilang ininom.

The Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon