[ 31 ] Flowers

10.2K 158 19
                                    

AN ORPHAN'S FIRST LOVE book to be published soon. LIB po ang publisher :) Kaso ang news is, sa September pa irerelease sa market kasabay ng MIBF (Manila International Book Fair). Sana bumili din kayo ng Game of Love book :) Available na sa market for 89.75 only.

Chapter 31: Flowers

Nang sumunod na araw ay nakapasok na si Steffi sa opisina. Maayos na ang pakiramdam niya kumpara kahapon. Tanghali na din siyang nakapasok dahil dumaan siya sa ospital para malaman kung may sakit siya pero wala naman at kailangan niya lang ng pahinga.

"Good morning, Ma'am. Okay na po ba kayo?"

"Good morning, Kat. Okay na ako"

"Mabuti naman po kung ganun"

Sinundan lang siya ng secretary niya hanggang sa office niya.

"May sasabihin ka pa ba?"

"Ah, opo. May tumawag po dito kanina. Kim Garcia-Choi daw po ang pangalan niya. Hinahanap niya po kayo"

"What did she say?"

"Tawagan ko daw po siya kapag nandito na kayo"

"That's all?"

"That's all, Ma'am"

Napaisip si Steffi kung bakit biglang naisipan ng pinsan niya na si Kim ang bisitahin siya.

"Okay, call her and tell her that I'm here"

"Okay Ma'am. Is that all?"

"Yes. You may go"

Lalabas na sana ang secretary niya nang may maalala siya.

"Oh, wait!"

"Yes, Ma'am?"

"Pagpasensyahan mo na yung ugali ko kahapon ah? Masama lang talaga ang pakiramdam ko kaya ako ganun"

"It's okay, Ma'am. I understand"

"Thank you"

Nginitian lang siya ng secretary niya at lumabas na ito. Agad na nagsimula si Steffi na ituloy ang trabaho niya. Nang mabasa niya ang mga pinaglalagay niya doon kahapon ay nainis siya dahil puro mali ang mga pinaglalagay niya. Kung hindi naman mali, wrong grammar at spelling naman.

An Orphan's First Love 2: Dangerous Love (finished)Where stories live. Discover now