Chapter 64

24.1K 399 35
                                    

Giselle's

These past few days had been really rough. Wala masyadong tulog, sapat na kain at trabaho. Paper works had been piled up and stress is all over me. Thanked God, Luke is out of the hospital and he's been feeling well since then. Sobrang pagaalala ko nung mahospital ang baby ko, hindi ko halos malaman ang gagawin, lalo na ngayon na mag isa nalang akong nagaalaga sa kanila. Ang hirap pala magtaguyod ng pamilya mag isa, nakakainis ka talaga Mike! Nangiiwan eh, tingnan mo tuloy ako ngayon, nagkakandarapa.

"Gi? Huy.. Gi?!"

Pukaw sakin ni Gab. My attention was back to reality after series of deep thoughts. Sinamahan niya akong maglunch kasi nagpaplano din kami sa supresang gagawin, birthday kasi ni Winona ngayon. Nagpapatulong ako kasi hindi kaya ng oras ko.

"Sa tingin mo magugustuhan niya yon Gab?" I asked while resting my face on the palm of my hand.

"Yes, 100% Gi!" Thumbs up pa ni Gab saken.

Pagkatapos namin magplano, dumiretso na ako sa office dahil ang dami pang tambak na trabaho dun. Mamaya pa kasing gabi ang celebration sa birthday ni Winona. I asked Gab's help dahil siya naman marunong makipag-areglo sa mga ganun.

.....

Kinagabihan ay nakarating na ako sa venue. Medyo late akong dumating kasi nag overtime pa ako sa trabaho. Buti nalang anjan si Gab para ituloy ang pagaasikaso sa surprise ko mamaya.

Kumpleto nga pala ang barkada, the usual at ibang kakilala ni Winona. Andito din sila Ate Megan, Dionne at Ate Steph. Pati nga Sandoval twins andito din wala nga lang pansinan. Agad kong hinanap si Winona kasi babati sana ako ng personal at magpapasalamat nadin dahil inimbitahan ako. Pero sa kasamaang palad, walang anino ni Winona dito sa labas. Napatanong tuloy ako kay Denise na katabi ko lang.

"Nakita mo ba si Winona?"

"Parang pumasok ata sa loob eh."

Nagmadali akong pumasok sa loob para icheck kung andun siya. Tumingin tingin ako sa paligid ngunit wala talaga, paalis na sana ako ng may makita akong naka slightly open na door sa isang conference type na room. Naglakad ako papunta dun, nagbabakasakali. Ng makalapit ay napansin kong may tao talaga sa loob, kitang kita sa anino nito. Bubuksan ko na sana ng tuluyan ang pinto pero laking gulat ko ng makita ng mga mata ko si Winona kasama ang di kilalang tao.

Napalunok ako ng halikan ng taong ito si Winona sa labi niya. Nadurog ang puso ko ng masaksihan ito. Hindi ko na namalayan na napayukom na ako ng kamay. I clenched my teeth without noticing. Ang bigat sa kalooban makita ang isang taong gusto mo na inaangkin na ng iba.

Konting konti nalang at maluluha na ako sa sakit, kaya bago paman ako magdrama ay umalis nalang ako sa kinatatayuan ko. Bullsh/t! Napamura pa ako ng wala sa oras.

Sa labas ay hindi ko malaman laman ang gagawin, uuwi na ba ako o maghihintay na makalabas sila?

"Gi, all set na tayo. Hiningan ko ng favor yung kaibigan ni Winona na dalhin siya sa loob para makapag set up." Sabi saken ni Gab na walang malay sa nakita ko. Nagpa as if nalang ako na okay lang ako. Kaya pala andun sila, dinala pala nung taong yun si Winona sa loob, ang nakakainis nag take advantage pa!

"Gi! Tayo ka jan, lalabas na si Winona."

Walang ekspresyon akong sumunod sa pinapagawa ni Gab. Magkahalong emotion ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong makita si Winona na masaya, atleast man lang ma supresa ko siya ngayon. Pero hindi ko talaga maiwasan ang sakit na naramdaman ko nung makita ko silang naghahalikan.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now