Chapter 20

34.3K 615 6
                                    

MONDAY na at simula na naman ang trabaho. Hindi padin ako maka get over nung weekend.

Sobrang good mood ako ngayon dahil syempre, may serious girlfriend na ako. No other than, Winona Dimalanta. Hindi naman siya sobrang kagandahan kung ikompara sa mga naging kadate ko, pero para sakin siya padin ang pinakamaganda. Ngayon lang ulit ako natamaan sa isang babae, at kakaibang babae pa.

"Good morning Karen! Andiyan na ba si Ate?" Bati ko sa Secretary ni Ate.

"Andiyan na po Mam pero nag CR lang."

"Sige salamat." Pumasok na ako sa office ko. Bago pa man ako mag simula sa tasks ko ay itetext ko muna lab ko.

Me: "Hi lab! Good morning! Sobrang namimiss na kita. :)"

Nag open na ako ng laptop at nag check ng emails. Maya maya ay naka receive na ako ng reply.

1 message received
Lab Winona: "Good morning. Magkasama pa tayo kahapon na mimiss mo na ako. Umayos ka nga. Hmp"

Napangiti ako habang binabasa ito.

Me: "Sympre lab. Everyday kitang namimiss. Ay mali! Every hour, every minute, every second pala. :) Sunduin kita maya lab ha."

Masaya akong nag work. Sa lunch break ay pumunta ako sa office ni Ate dala ang pasalubong na pinabigay ni Manang.

"Ate, galing kay Manang Fe." Sabay bigay ko sa kanya. "Kinukumusta ka niya."

"Talaga? Salamat. Kumusta naman siya?" Tanong niya habang tinitingnan ang pasalubong.

"Okay naman Ate. Nag enjoy nga ako dun eh, pumunta ka pala last month?"

"Ay oo, may inayos lang sa supplies. Lage na ata kayong magkasama ni Winona?" Takang tanong niya.

"Kasi Ate ano. Hmmm." Natatakot akong sabihin pero ayoko naman magsinungaling kay Ate, gusto ko lage na akong open sa kanya. Ano pa't kami nalang dalawa sa pamilya.

"Gusto mo siya ganun?" Natigilan si Ate sa ginagawa niya at tiningnan lang ako ng matulis.

Yumuko ako. "Oo Ate. Pero.. Pero Ate seryoso po ako kay Winona, this is not a joke. I swear Ate." Then I raised my right hand as a sign of assurance.

"Alam na ba yan ni Winona? Wag na wag mo lang lokohin yung batang yun at malalagot ka sakin!" Sabi niya.

"Hindi po Ate. Ahmm, sa katunayan po ay girlfriend ko na siya."

"What????" Gulat na sabi nito.

"Ate wag ka naman magalit please. Can't you see? I've changed because of Winona. Hindi mo lang alam Ate natuto na akong maglaba, maghugas, magluto, maglinis pati gumawa ng masarap na coffee Ate alam ko na. All because of her."

"At paano mo siya napasagot aber?!" Tanong ng Ate ko.

"Ate sino ba hindi nahuhumaling sa kagandahan kong 'to? San ba ako nagmana diba sayo?"

Tawang tawa si Ate sa sagot ko. Atleast nasabi ko na kay Ate, okay lang naman sa kanya pero binantaan lang niya ako na pag nagloko ako kay Winona patay ako.

Tapos na ang work ko at nagmadali akong sinundo si Winona.

"Hello lab." Nakangiting sabi ko habang naglalakad siya papunta sakin.

"Manyak kanina kapa?"

"Hindi lab kakarating lang. Pwede ba kita makadate ngayon bago kita ihatid sa inyo?" Sabi ko habang hinahawakan ang kamay niya.

"Makakatanggi ba ako? Parang hindi naman. Tara na nga." Sabi niya at pinagbuksan ko naman siya ng pinto sa sasakyan.

Dinala ko siya sa isang restaurant.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now