Chapter 24

31.3K 582 12
                                    

UMAGA na ng magising ako na nagriring ang phone ko.

"Argh! Sino kaya 'to." I tapped my phone and answered the call. "Hello Jane?"

"Gi! Punta kami diyan ni Denise at Gabrielle sa lunch ha? Magluto ka."

"Anong meron at pupunta kayo?! At anong magluluto?! Nakalimutan mo ba, hindi ako marunong."

"Bakit hindi ba pwede?! Porket nagka girlfriend ka lang! Gusto namin makita ulit si Winona."

"Okay, makakatanggi ba ako. Mag order nalang ako ng food."

"Yey! See you later. Bye!"

Si Jane pala yun, bestfriend ko. Na meet na kasi nila dati si Winona when we attended Gabrielle's birthday. Kami kasi apat ang magbabarkada. Well si Gabrielle talaga close ko eversince kasi first cousin ko siya, si Jane nakilala ko sa highschool at si Denise naman sa college.

"Giselle sino kausap mo?" Andito pala girlfriend ko.

"Si Jane lab, pupunta daw sila dito for lunch. Pabigla bigla nga eh, nagiisip pa ako kung ano oorderin." Tumayo na ako at niyakap siya. Sarap ng morning ko pag una kong makikita mahal ko.

"Wag kana mag order, magluluto nalang ako. Ano ba gusto nila? Okay lang ba sa kanila ginataang manok, pritong isda tsaka pancit. Yun kasi specialty ko." Sabi niya.

"Wow lab, andami mo palang kayang lutuin. Parang gusto na kitang pakasalan niyan, ngayon na." Sabi ko habang niyayakap at kinikiss siya sa lips.

"Ano ba, tigil mo nga yan manyak ka. Ano? Okay na ba yun? Samahan moko mag grocery, bili tayo ng lulutuin."

"Okay na yun lab, sigurado akong magugustuhan nila yun." Wait parang may naaamoy akong masarap. "Hmmm? Lab nagluluto ka ba?" Sabi ko .

"Oo, lika na breakfast na tayo." Hinawakan ako sa kamay at pumunta na kami ng table. Ang saya ng umaga ko. Pag gising ko my breakfast agad.

Pumunta na kami ng grocery after. Pa tulak tulak nalang ako ng cart habang sinusundan si Winona sa pagpili para sa lulutuin niya. Habang nag hihintay ay may kumalabit sakin.

"Hey." Gulat na sabi ko pag lingon ko si Ella pala. Yung fubu ko, dati.

"Hi there gorgeous. What's up? Hindi kana nag tetext and call." Sabi niya habang hinahawakan ako sa bewang. Palingon lingon naman ako baka andito si Winona. Buti nalang at biglang nawala, kumuha siguro ng chicken sa meat section.

"Ahh, busy lang Ella. I'll go ahead. Nice to see you." Sabi ko na nauutal. Kinakabahan na kasi ako. Akmang aalis na sana ako ng hinila niya ako at kiniss sa lips.

"Why in a hurry baby?" Pabulong niya habang hinihimas ang balikat ko.

"Giselle!" Omg. Patay.

"Winona?" Agad akong kumiwalas sa pagkahawak niya sakin at lumapit kay Winona. "Ahh, Ella si Winona nga pala girlfriend ko."

"Oh I see what made you busy lately. Alright, I'll go ahead na. Just text me if you know, want or need me. Bye." Tumalikod na siya at umalis.

Agad naman akong kinurot sa taenga ng pagkasakit sakit.

"Aray, aray lab! Araaaay!" Sabi ko na namimilipit sa sakit.

"Peste ka, nawala lang ako saglit nakikipaglandian ka na! Sino yun!" Yung mukha niya di ko na maipinta.

"Aray. Lab si Ella yun, kaibigan ko dati pa. Ganun lang talaga yun may pagka flirt pero kaibigan ko talaga yun lab. Aray! Lab please masakit." Ang sakit sakit talaga di pa niya binibitawan taenga ko.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now