Chapter 42

24.5K 444 12
                                    

Winona's

Sobrang namangha ako kanina habang nakasakay ng eroplano. First time ko kasi yun.

Pagdating sa room namin ay humiga muna ako, grabe kapagod ng biyahe. Hmmm, lambot ng pillow at ang smooth ng higaan. Tulog muna ako saglit.

...

"Winona?" Tinapik tapik ako ni Giselle. Pinunasan ko ang bibig ko baka tulo laway ako natulog nakakahiya. "Magbihis kana, alis na tayo. May kikitain tayo."

Nakabihis na pala siya. Pansin ko kanina pa siya tutok na tutok sa cellphone niya, para bang may kinaiinisan.

Tumayo na ako at nagbihis. Nag suot ako ng dress tsaka white shoes. Paglabas ko ay na abutan ko padin si Giselle naka upo, cellphone padin ang kaharap. Lumingon siya sakin at tiningnan ako from head to toe. Nakaramdam tuloy ako ng pamumula sa mukha.

Nakita kong nakasmile siya. "Ready kana? Alis na tayo. Gutom nadin kasi ako."

Andito kami sa isang restaurant, gutom na din ako. Habang busy akong nag facebook ay naka ramdam ako ng lamig. Hinihimas ko ang balikat ko pero ang lamig talaga. Lumingon ako bigla sa pwesto ni Giselle pero na abutan ko siyang nakatitig sakin. Agad naman niyang binaling ang tingin sa harap niya. Ayeee, kinilig ako ng slight dun! Kanina pa siya huh.

Dumating na ang hinihintay namin.

"Hi, I'm sorry na late ako. I'm Cha Lopez." Isa itong chinitang maliit pero maganda.

"It's okay, you're just in time. Giselle Gomez, Stephanie's sister. And with me here is Winona, branch manager."

Pinagmasdan ko lang sila. Classmate pala ni Ate Steph sa college ang kausap ni Giselle ngayon. Nakaka-amaze lang talaga ngayon ang manyak na si Giselle, parang alam na alam niya talaga bawat salitang lumalabas sa kanya. Yun bang nadadala ka sa sinasabi niya.

"Winona what do you think?" Humarap siya sakin ngayon. Bigla akong natauhan, kanina pa pala ako naka tunganga sa kanya.

Mahaba haba din ang pag uusap naming tatlo, it was purely business ika nga ni Giselle. I think successful naman ang pag uusap. Bukas daw titingnan namin ang lugar at kakausapin ang contractor.

Gabi na at naghintay kami ng masasakyan pauwi. Hanggang ngayon busy padin si Giselle sa phone niya, halatang may hinihintay na tawag.

"Winona, wag na muna tayo umuwi." Aya niya, parang naiinip.

"Saan tayo pupunta?" Nagtaka ako, di ko pa naman kabisado dito.

"Basta."

Sumakay na kami ng taxi at bumiyahe kami ng mga halos 45 minutes. Dumating kami sa isang mabunduking lugar. Paglabas ng kotse ay mas lalo akong nilamig.

"Dito na tayo. Suoton mo 'tong cardigan ko, sobrang lalamigin ka niyan." Inabot niya sakin ang cardigan at di nako makatanggi kasi nilalamig na talaga ako. Sinuot ko naman 'to agad.

"Saan tayo Giselle?" Tanong ko.

"Andito tayo sa Tops." Ngiti niya na parang nakapunta na siya dito.

Pagpasok namin ay agad bumungad saming mga mata ang overlooking view ng siudad. Napakalamig at marami rami ring tao, ang daming foreigner. Siguro tourist spot 'to.

Umupo kami sa isang bench.

"Dito ka muna ha, bili lang ako ng maiinom."

Pagbalik niya ay may dala siyang dalawang beer. Inabot niya yung isa. Umiling ako, ayoko uminom.

"Sige ka pag di mo iinomin 'to ako iinom nitong dalawa. At pag ako nalasing baka ano na naman mangyari satin." Pagbanta pa niya. Kinuha ko nalang. Pwede namang inomin pero hindi uubusin.

Ang ganda pala dito at ang tahimik kahit maraming mga tao nakapaligid nag eenjoy sa scenery at good weather, parang tagaytay lang. Napapansin ko mahilig si Giselle sa ganito.

"Winona?"

Lumingon ako, hindi ko masyado makita mukha niya. Medyo madilim kasi.

"Kwento ka naman, kumusta ka the past two years?" Tanong niya. Sus! Kung alam mo lang ano nangyari, halos sumunod na ako kay Mama.

"Mahirap nung una, pero parang naging madali nalang din dahil andiyan mga kapatid ko tapos sila Roger, Ate Steph, si Gabrielle din." Mga time na yun lage kami lumalabas ni Ate Steph at bestfriends niya kung busy ay si Gabrielle ang kasama ko. Nakakahiya nga eh, pero ang kulit kasi nun minsan sinasama niya ako mag road trip or mag outing kasama friends or girlfriend niya. Ang swerte swerte ko lang andiyan sila para sakin.

"Diba nanliligaw si Roger? Bakit hindi mo sagutin?"

"Kaibigan lang kasi tingin ko sa kanya. Tsaka ayoko muna pumasok sa isang relasyon." Ang hirap kaya mag move on ng time na yun, lalo na pag ang nakapaligid sayo connected pa halos lahat sa ex mo. "Ikaw ba? Girlfriend mo ba yung nakita ko sa office?"

I heard her chuckled. "Oo, halos isang taon na kami. Nung nasa Europe ako, the first year was hard but ineenjoy ko nalang by travelling or being busy sa studies."

Nakaramdam na naman ako ng kirot. Ilang beses ko din talaga pinagsisisihan ang decisyon ko. Pero unti unti ko nalang natanggap na baka hindi talaga kami para sa isat isa. Looking at her now, she seemed happy.

"I should have waited for you." Mahinang bulong ko sa sarili.

"Winona?" Lumingon ulit ako. "Napatawad mo na ba ako?"

Ilang segundo din ang katahimikan. "Oo naman Giselle, matagal na yun. Masaya padin ako na naging parte ka ng buhay ko."

"Namiss kita.. Alam mo ba yun?" Syempre hindi ko alam noh. Nakakaloka. Aaminin ko, sobrang kinilig na naman ako dun. Pwede mag cart wheel sa saya?

Umuwi na kami dahil halos midnight nadin. Pagkarating ay nag shower muna ako. Tapos na ako ng marealize ko hindi ko pala nadala underwear ko sa CR. Tinapis ko yung towel sa katawan ko at nagmadali lumabas.

Halos ata ng kamalasan these past few days ay napunta sakin. Pagkalabas ko ay bigla akong nadulas! Sa pagkadulas ko ay na una ang pwet ko at malakas ang pagkabagsak, blag! Ang sakit.

Nagmadali akong tumayo pero bahagya na palang lumuwag ang pagkakahawak ng towel sa katawan ko kaya pag tayo ko ay hubot hubad nako. Narealized ko nalang ng nakatayo na ako at nasa harap ko na si Giselle. Agad kong tinakpan ang maseselang parte ng katawan ko, eh ang liit pa naman ng kamay ko.

Nanlaki muna ang mata niya at agad pinulot ang towel at tinakip sa hubad kong katawan. Waaaa! Nakakahiya! Baka akala niya sinadya ko 'to. Waaaa!

"Ne-next time Winona mag ingat ka. Nasaktan kaba?" Hindi nako makakibo, nakakahiya talaga. "Winona? Okay ka lang ba?"

Umiling lang ako. "Masakit yung pwet ko."

Napahawak naman siya agad sa pwet ko. Omg! Bigla akong napaigtad at napastraight ng pagkatayo. Ang kamay ni Giselle nasa pwet ko na.

"Ay sorry! So-sorry Winona." Nauutal naman niyang pagkasabi. "Pasensya na, sige bihis ka muna. Next time mag ingat ka."

Uminit talaga pakiramdam ko. Parang gusto ko ulit maligo. Nakakainis si Giselle! Tama ba naman hawakan ang pwet ko? Arghh.

Hindi ko talaga ma carry ang ganap today. So humiga nalang ako at nakakumot. Matutulog nalang ako para paglabas ni Giselle galing CR tulog na ako.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now