Chapter 60

24.3K 458 90
                                    


Nanlaki ang mga mata ko nung mabasa ko ang nakasulat sa card. Naalala ko tuloy na sinulat ko pala to para kay Giselle sa unang monthsary namin. Kung di lang talaga kasalanan pumatay baka etong babaeng to ang unang nasa listahan ko.

Tumalikod ako at nilagay ang card sa mesa habang naglakad ako papuntang kitchen. Kukuha na sana ako pero naramdaman ko ang ingay ng hakbang ni Giselle papalapit sakin.

"Wi-winona, a-anong ginagawa mo?"

Kumuha ako ng kutsilyo at humarap sa kanya. Nakita ko naman agad pagkagitla niya kaya humakbang siya pabalik at kinuha ang card na nakapatong sa mesa.

"Ay sorry sorry! Mali pala ang card na binigay ko sayo." Sabi niya na nagmamadali at may kinuha sa bag niya. "Eto, eto pala yun." Saka abot niya sakin ng ibang card.

Natatawa tuloy ako sa reaction niya, ang sarap din niyang biruin, akala niya siguro papatayin ko siya eh maghihiwa lang naman ako ng karne pang hapunan. Walang emosyon ko nalang na kinuha ang card at binasa ito. Isang invitation para sa birthday ng anak niya.

"Invite sana kita sa birthday ng twins ko, next month? Tutal kumpleto naman ang barkada."

"Sige ta-try ko, salamat." Sagot ko at tumalikod na sa kanya. Kumuha ako ng karne sa freezer para idefroze.

"Winona?"

"Hmmm?" Abala pa din ako sa kusina.

"Kayo ba ni Hailey?" Saglit akong tumigil sa pinaggagawa ko at tumingin sa kanya.

"Hindi." Napansin ko tuloy ang sigla ng mata niya ng marinig niya sagot ko. Though niligawan ako ni Hailey dati, mas ginusto ko pading kaibiganin siya dahil kung nasaktan ako kay Giselle, mas lalo naman akong masasaktan sa Sandoval na yun, eh puro laro lang ang alam. Ayoko mabiktima ulit ng isang playgirl. Pero kahit naman din binasted ko siya, naging matalik na magkaibigan naman kami at naging mabait na boss siya sakin.

"Good to know. Sige salamat, uwi na ako. Hinahanap na ako ng mga chikiting eh." Nagpaalam na siya't umalis. Nakahinga naman ako ng maluwag. Napatigil tuloy ako sa ginagawa ko at huminga ng malalim. Bakit ba ganito? Akala ko ba okay na ako? Ba't isang lapit lang sakin ni Giselle ay napapalakas ang kabog ng dibdib ko, hindi na ata normal to? Papa -check up ko nalang kaya to bukas? Mukhang kelangan ko na ng gamot sa kahibangan.

Kinabukasan ay pumasok ako sa trabaho. Naging busy ang buong umaga dahil end of the month na ngayon. Sa gitna ng pagkaabala ay may lumapit sa cubicle ko.

"Mam, may nagpadeliver po." Abot ng isang cleaner ang bouquet of flowers na may paborito kong star gazer.

"Salamat Kuya." Ngumiti ito at umalis. Inamoy ko ang bulaklak sa harapan ko at napansin kong may card pa lang nakaipit dito. Binuksan ko ito at binasa.

"They say, first love never dies. ❤️

From the most beautiful manyak ever."

Napakagat tuloy ako sa labi ko dahil sa pagpipigil ng kilig. Wala naman ibang makapal na mukha na maglagay ng ganyan sa card. Ilang sandali narealize ko na dapat di ako magpapadala, so ano yun, nadadaan lang ako sa flowers? Nilagay ko nalang ito sa tabi at nagpatuloy magtrabaho.

Lunch break ay inaya ako ni Patty, isa sa naging close ko sa office na kumain. Pababa na kami ng building ng makasalubong namin si Sir Jonathan, head namin.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Where stories live. Discover now