Chapter 41

25.2K 459 18
                                    

Giselle's

Masaya akong pumasok sa trabaho unang araw ng linggo. Kahit disaster yung unang pagsasama namin ulit ni Winona ay natuwa padin ako. Nagulat ako ng maabutan ko siya sa bahay ni Ate, si Kuya naman talaga sadya ko dun. Umakto lang ako na parang di affected dahil andun ang mga makukulit na friends ni Ate. Hindi naman sa nagloloko ako, nakakatuwa lang kasing inisin yun. Napaka seryoso sa buhay.

Dalawang araw na ng hindi ko pa nakakausap ang girlfriend ko, si Finn. Dati akala ko hanggang kaibigan lang talaga. Pero sino ba naman hindi magkakagusto sa kanya? Aside from being so gorgeous ay matalino ito at hindi boring kasama.

"The subscriber you are calling is currently not available."

Tsk. Sabi niya may aayusin lang siya, dalawang araw na hindi padin nag paparamdam. Ano na kaya nangyayari sa babaeng yun?

Tinawagan ko ang bahay at office niya kanina pero wala daw siya dun. Sabi ng katulong niya umalis daw ito ng may dalang bag. Kahit kailan talaga hindi ko maintindihan si Finn. Kung magkaaway kami ganun din ginagawa niya, umaalis.

Lumabas ako ng office para bibili ng coffee.

"Mam Gi!" Tawag sakin ni Karen. Lumingon ako at tinaas ko ang dalawang kilay ko. "Mam Gi, tawag ka ni Mam Steph."

Pumasok na ako sa office ni Ate.

"Giselle. Na asikaso mo na ba yung sa Cebu?" Tanong niya.

Naku lagot! Nakalimutan ko 'to. Ang dami naman kasing gagawin, lahat puro importante. "Pasensya na Ate, hindi pa. Inuna ko kasi yung isa."

Napahimas si Ate sa noo niya. Halatang stress na. "Giselle? This Wednesday na flight mo. Iprioritize mo muna 'to please!"

"Kasi Ate diba magsasama ako ng isang tauhan eh di ko naman alam sino isasama ko kasi. Pwede bang si Karen?" Pagmamakaawa ko pa.

"Not possible Giselle! Kailangan mo yung taong may alam sa pasikot sikot nito dahil magtatayo tayo ng unang branch nadin dun." Napakunot noo na siya. Isip isip ka Giselle.

"Ehem. Si Winona Ate pwede ba siya?" Tumingin lang siya sakin at lumiwanag ang mukha. Wala naman kasi akong ibang maisip, yung iba eh halos mga lalaki na di ko naman masyado ganun kakilala.

Huminga siya ng malalim. "Kausapin mo kung gusto mo."

Nag fly away nako agad papuntang coffeeshop. At yun na abutan ko si Winona nakangisi habang nakikipag usap sa mga empleyado.

"Winona."

Nagulat naman siyang tumingin sakin. "Oorder ka?" Tanong niya.

"Oo, ikaw sana." Pabulong kong sabi. Nasira naman agad mukha niya. "Joke! Pwede ka bang maka usap?" Kinabahan ako ng slight dahil iba talaga pag ex mo na ang kaharap mo.

Lumapit siya sakin at sumagot na para bang kinakabahan din. "Tungkol san?"

"Don't worry, work related 'to."

Umupo na kami. Kahit kailan di talaga siya maka tingin ng diretso sakin. Mahal padin kaya ako nito?

"Gusto mo ng kape?" Offer niya.

"Ikaw.. Ikaw ang gusto ko." Napa hinga na siya ng malalim.

"Ano ba Giselle?!" Sarap inisin eh.

"Ah sige yung kape nalang." Nakalimutan ko, kanina ko pa gusto magkape.

"She, isang hot caramel macchiato para kay Mam Giselle."

Napangiti ako dahil di pa niya nakakalimutan. "Hanggang ngayon Winona alam mo padin paborito ko."

Tumahimik lang ito na para bang nahihiya.

"Anyway, naparito ako kasi nautusan ako ni Ate lumipad patungong Cebu para asikasuhin yung itatayong branch dun. Ahmm. Ang problema kasi, gusto ni Ate may isama ako na may --" Mag eexplain pa sana ako ng pinutol na niya.

"Sige. Okay lang. Tinawagan naman lang din ako ni Ate Steph."

"Talaga?! Salamat ha. Akala ko mahihirapan ako maghanap. Wag ka magalala, work related lang talaga 'tong pupuntahan natin."

"Alam ko." Walang interest na sagot niya.

Masaya akong umalis ng coffeeshop. Buti nalang talaga at pumayag si Winona.

...

Wednesday na at andito ako sa labas ng Airport, kakababa ko lang ng kotse, hintayin ko nalang muna siya. Ilang minuto ang lumipas at may pumarada na motorsiklo sa harap ko. Tinitigan ko ito kasi alam kong si Winona 'to. Nag offer naman ako sa kanya sabay nalang kami pero tumanggi siya.

Tinanggal na niya ang helmet at inayos ang buhok. Napatingin din ako sa lalaking inangkasan niya na nagtanggal din ng helmet. Pucha, si Roger to ah? Don't tell me?

Ng makita ako ni Winona ay naglakad na siya papunta sakin.

"Sorry, kanina kapa?"

"Hindi, kakadating lang." Sumimangot na ako pumasok sa Airport. Sa check in area habang nakapila ay di ko maiwasang magtanong.

"Boyfriend mo naba si Roger?" Medyo nag seselos padin talaga ako sa lalaking yun. Medyo lang.

"Hindi, kaibigan lang."

Nagulat ako. Sure ba yun?! "Hanggang ngayon kaibigan padin? Tagal na nun ah?" Buti nga sa kanya, papapel kasi.

"Mas mabuti na yung kaibigan, hindi nawawala." Para tuloy naging double meaning yung sinabi niya.

Boarding na at naupo na kami magkatabi sa eroplano. Si Winona hindi mapakali tapos picture pa ng picture.

"Winona sali ako?" Biglang nawala siya sa mood at ni-lock ang cellphone. Tsk, I'm pretty sure gusto niya talaga, nahihiya lang.

Ilang minuto..

"Winona seatbelt." Nguso ko sa seatbelt niya. Busy pa kasi sa pagpicture ulit.

Halos mag take off na ang plane ay hindi padin siya naka seatbelt.

"Winona seatbelt mo uy." Agad naman niyang hinawakan ito pero di alam pano ifasten. "First time mo ba sumakay ng eroplano?"

"Oo eh." Tsaka ng peace sign. Kaya pala.

"Andami mong first sa akin ha." Ngumiti lang ako, pero inirapan lang ako.

Lumapit ako sa kanya at yumuko ng bahagya. "Ganito yan oh?" Pinakita ko. Pagkatapos ay inangat ko ang mukha ko at naramdaman kong nakatitig lang siya sa lips ko. Mga ilang centimetro lang ang agwat ng mga mukha namin. Kahit paghinga niya ay mainit kung naramdaman. Napalunok ako, pati ako napatitig nadin sa lips niya. Oh gosh, na miss ko yan po.

Naging awkward na kaya umayos na ako sa pagkakaupo. Lalo talaga gumaganda si Winona, dati halos di ko lubos maisip na patulan siya.

Ng mag turbulence ay napahawak siya sa braso ko.

"Gi-giselle ano yun?"

"Turbulence, normal lang yan. Don't worry. Tingnan mo, cloudy kasi." Sinilip niya ang window. Habang tinitingnan niya ito sa labas ay dahan dahan niyang binitiwan ang pagkakapit sakin, ako naka tingin lang sa kamay niya. Nung halos mawala na kamay niya sa braso ko ay agad ko 'tong hinawakan. Napalingon naman siya, tumingin muna sa mata ko at sunod sa kamay ko na nakahawak sa kamay niya.

Whew! Ang lambot padin talaga ng kamay niya. Ng mahawakan ko ito ay parang ng flashback lahat ng masasayang memories naming dalawa.

Natigil lang ng magland na kami.

...

"What?!" Sabi ko sa receptionist.

"I'm sorry Mam, pero isang queen size bed lang po ang na ibook. Wala din kasing special request for separate beds. Also, fully booked kasi kami today Mam."

Tsk! Tumingin ako kay Winona na sobrang busy lang sa pagpipicture sa lobby.

"Sige thank you." Lumapit ako dito.

"Tara na Winona, isang room at bed lang tayo. Fully booked daw."

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon