Chapter 4

62.9K 947 17
                                    

Nang lumayas na yung babae ay nag luto ako ng breakfast, nagutom ako sa stress eh! Pagkatapos ko kumain ay humiga ako ulit, inaantok ako, kulang pa ako sa tulog.

Matutulog na sana ako ng biglang mag ring ang cellphone ko. Si Ate tumatawag.

"Hello Ate? Good morning!" Sagot ko.

"Anong good sa morning?! Nalasing ka na naman kagabi! Dinamay mo pa si Mang Felix sa kalasingan mo!" Pagtatalak ni Ate. Eto na nga ba sinasabi ko.

"Ate naman, syempre nag enjoy ako sa party mo kaya yun." Mahinahong sagot ko.

"At sino naman yang babaeng inuwi mo?! Kahit kelan talaga! Pwede ba tigil tigilan mo na yang kalokohan mo?! Hindi ka aasenso niyan!" Ay naku po. Di ko pala na brief si Manong Felix na dapat wag sabihin kay Ate yung kagabi. Bistado na naman.

"Kaibigan ko lang Ate, kalma lang please. Aga aga oh?"

"Hindi ako kakalma Giselle hanggat di ka mag titino! Talo mo pa ang lalaki! Konting konti nalang talaga at ilalagay kita somewhere na magtitino ka!" Sermon padin ni Ate. Ang tagal naman matapos ng call nato, inaantok na ako eh.

"Ate? Ate? I can't hear you. Choppy yung line. Hello? Tawag ka nalang later." Tas kinusot kusot ko yung phone ko gamit ang candy wrapper, yun. End call na. Makatulog na nga lang.

Pasado alas dose ng magising ako. Ang bigat padin ng ulo ko. Naligo nalang ako at nagbihis. Punta muna ako ng mall dahil may bibilhin ako, Sunday naman at gusto ko din makapag relax.

Pagkatapos ko mag mall ay umuwi na ako dahil na jejebs nadin ako. Nasa elevator nako ng tumatawag si Jessa.

"Hello Babe." Sabi niya.

"Hi babe, how are you?" Tanong ko.

"I'm fine and I miss you. Can I come over?" Tanong niya. Palabas na ako ng elevator at papasok na sana ako ng condo ko ng may na abutan akong babae naka sandal sa pinto.

"Ahmm, wait lang babe. Can you call back later. Bye!" Pinasok ko na phone ko sa bulsa at napakunot noo ko siyang tiningnan. "Anong ginagawa mo dito?!"

"Kanina pa ako naghihintay sayo dito!" Sigaw niya saken.

"Teka lang! Sino ba may sabi sayo pumunta ka dito at maghintay! Ano bang pakay mo ha?!" Sigaw ko din. Kala niya ha.

"Gusto ko lang malaman kung ano nangyari kagabi." Mahinahon na siya ngayon.

"Yun na nga diba? May nangyari and we woke up naked! Period." Sabay tungo ko sa pinto at binuksan ito.

"Gusto ko sabihin mo sakin ng detalye!" At humarap na siya sakin.

"Ano? Nahihibang kana ba babae ka? Gusto mo sabihin ko sayo kung paano tayo nag s*x?! You're out of your mind! Tsaka I'm not in the mood for a story telling." Pumasok na akong ng condo ng pumasok din siya.

"Hoi may pangalan ako. Winona! Ang gusto ko lang naman malaman kung papaano na may nangyari saten!" Beast mode na siya.

"So the girl's name is Winona?" Ngiti ko.

"Oo, at ano naman meron sa pangalan ko? Ang tanong ko sagutin mo!" Nakahawak na siya sa bewang. Kahit maliit lang 'tong babaeng 'to cute padin naman. Pwede.

Still wala ako sa mood mag kwento dahil sobrang na jejebs na ako.

"Sa susunod ko na ikwento dahil masakit ang tyan ko at kailangan ko magpahinga." Nagpipigil na talaga, konting konti nalang lalabas na 'to.

She sighed. "Okay sige! Babalik ako dito bukas. Pero hinding hindi ako titigil hanggat di mo sinasabi saken!" Finally aalis nadin siya.

Sasagot pa sana ako pero di ko na talaga kaya. Tumango nalang ako at lumabas na siya ng condo. Praise GOD! Tumakbo na ako papuntang CR.

Ang kulit talaga ng babaeng yon! Bahala siya.

The Virgin and the Playgirl (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon